Chapter 18

91.1K 2.4K 41
                                    

Hinayaan ko na lang at hindi na nagtanong pa. Nag-ayos na lang ako ng gamit at nagbihis. Padilim na din at gutom na ako. Naligo muna ako at nagbihis, Nagsuot lang ako ng isang beach floral dress na above the knee at fitted mula sa dibdib hanggang bewang, Heart shaped tube siya kaya medyo may pagkasexy bandang dibdib at expose ang likod.

Pagkalabas ko pa lang sa aking kwarto ay napahinto na kaagad ako sa aking nasaksihan. 

"Your room or mine?" malanding tanong nung babaeng linta kung makapulupot sa braso ng bwiset na si Kervy.

"Both. You go to your room, and i'll go to mine" walang ganang sagot ni Kervy sabay tanggal nung kamay nung babae sa braso niya.

Napabalikwas ako ng biglang magsalita ang bwiset na nasa harap ko na pala. "Saan ka pupunta?" seryosong tanong niya. Nagkibit balikat lang ako, Inis pa din ako sa kanya noh! 

"Delikado na ngayon, pa-Gabi na" with his serious tone pa din. At tiningnan ako mula ulo hanggang paa, pero agad napako ang tingin niya sa bandang dibdib ko. Bastos talaga ang isang ito!

"I can handle " taas kilay na sagot ko, akmang maglalakad na ako ng magsalita ulit siya.

"Answer my fucking question, Paula! Saan ka pupunta!?" inis na tanong niya.

Lumingon ako sa kanya. Kung makautos akala mo Boyfriend ko! 

"Wala ka na don, pupunta ako kung saan ko gusto!" seryosong sabi ko din sabay martsa palayo.

Narinig ko pa ang malutong niyang mura. Siguradong galit na galit yon sa ginawa ko, but mamaya ko na lang haharapin ang parusa.

Hinanap ko ang rest house na tinutuluyan nila Joana.  Agad ko naman iyong natunton, naabutan ko silang nagaayos, may party kasi mamaya. Sigurado akong hindi lang mamaya iyon, Siguradong gabi gabi!

"Hoy Sexy! Anong hangin ang nagdala sayo dito!?" sabi niya habang nag aaply ng lip gloss.

"Napakasexy ng damit mo, Grace" puri ng Bea.

"Thanks..." nakasuot naman siya ng beach dress din but mahaba yung sa kanya hanggang paa.

"Boring sa namin, mapapanis laway ko! tsaka mabilis akong tatanda sa sobrang kabwisitan!" inis na paliwang ko.

"But hindi ganon ang nakikita namin girl!" mapangasar na sabi ni joana.

"Si Lyka?" tanong ko nang hindi ko siya makita dito sa sala.

"Nanunuod ng korean novela niya sa kwarto" sagot sa akin ni Bea.

"Puntahan ko ha!" sabi ko sabay tayo.

"Go lang Girl! Pagmamay-ari naman to ng Boy/Best Friend mo eh!" pangaasar niya ulit.

Binato ko lang siya ng throw pillow. "Salbahe ka!" sabi niya, natawa na lang kami ni Bea.

Naabutan ko si Lyka na nangingisay sa kama niya habang nakaharap sa laptop.

"Pa-istorbo" nakangiting sabi ko.

"Pasok ka!" kinikilig na sabi niya.

"Ano ba yang pinapanuod mo?" tanong ko sabay upo sa tabi niya.

"My Girl" maiksing sagot niya, habang nakatutok pa din sa pinapanood.

Agad akong napalunok at pinagpawisan sa nakikita ko, Yung dalawang bida. They were kissing.

"Bakit sila naghahalikan?" wala sa katinuang tanong ko

"Natural! They love each other!" kinikilig na sagot niya.

  "Ano ka ba naman! Understood na yon na paghinalikan nung lalaki yung babae mahal niya ito at sila na!" kinikilig pa ding dugtong niya.

"Labas lang ako" paalam ko, tuloy tuloy ako sa labas hanggang makarating ako sa harap ng dagat at naupo ako sa buhangin. Hindi na ako napansin ng iba dahil abala naman sila sa mga ginagawa nila.   

"Natural! They love each other!"

"Ano ka ba naman! Understood na yon na paghinalikan nung lalaki yung babae mahal niya ito at sila na!"

Paulit ulit yang pumapasok sa isipan ko. Kervy, my Bestfrined took my first kiss, mahal kaya niya ako? Ilang beses niya na akong nahalikan bakit ba ngayon ko lang naiisip ang bagay na iyon? Tama si Lyka, pag hinalikan mo ibig sabihin mahal o gusto mo. Mahal ko si Kervy, pero hindi ako sure ano yung nararamdaman niya!

"Lalim ng iniisip natin ah!" sabi ng isang lalaki at tumabi sa akin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Nag dinner na sa may hall, nanduon na lahat. Hinahanap ka na rin nila Joana" sabi niya sa akin.

"Eh bakit nandito ka?" tanong ko.

"Magpapahangin lang sana ako ng makita kita" nakatingin siya sa akin, pero iniwas ko ang tingin ko.

"Harvey... Pasensya na, but friends lang talaga ang kaya kong ioffer" malumanay na sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "I know... But it doesn't change my feelings for you" diretsahang sabi niya. Sana lahat ng lalaki kayang magpakatotoo, para hindi na namin kailangang manghula. Sana kaya din ni Kervy sabihin yung mga ganyan sa harap ko kung may feelings siya para sa akin. Sana.

"Thanks... " nginitian ko siya.

Bigla naman kaming nakarinig ng kakaibang tunog na nagpatawa sa aming dalawa. " Gutom ka na, Tara kumain na tayo, maraming nakahandang pagkain duon sa hall, parang fiesta" sabi niya sabay tayo.

"Talaga?" kinuha naman niya yung kamay ko para tulungan akong tumayo, pero na out of balance ako kaya nahila ko si Harvey at this time nakadapa na ako sa matipunong dibdib niya.

"Sa gutom mo nanghina tuloy yung tuhod mo" natatawang sabi niya.

"Sorry..." nahihiyang sagot ko.

Patayo na sana ako ng biglang may kumuha ng kamay ko at hinila ako ng biglaan, Shit ang sakit non.

"Sir Kervy..." kinakabahang sambit ni Harvey.

"Stay away from Paula or maghanap ka na ng bagong trabaho!" madiing sabi niya.

"Sir wala po kaming..." depensa sana ni Harvey.

"I don't need you fucking explanation!" sigaw ni Kervy sa kanya.

"U...umalis ka na Harvey" sabi ko, Ayaw pa sana niya pero binigyan ko lang siya ng I'm-ok-look.

"Kervy nasasaktan ako" sabi ko, ang higpit ng hawak niya sa wrist ko. Nakaalis na din si Harvey kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. 

"Shut the fuck up! it's Pay back time" sabi niya sabay hila sa akin.







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat