Chapter 31

88K 2.2K 46
                                    

"Gago ka! baka kung anong isipin nila!" sigaw ko sa nakangiting si Kervy.

"May laman naman talaga yang tiyan mo ah! Bulate!" halakhak niya.

Agad ko siyang hinampas at nagmartsa palayo. "Wag ka ng magalit! Nagbibiro lang naman ako! Bakit gusto mo bang totohanin?"

"Tarantado ka, Vera Cruz!" sigaw ko sa kanya. Nauna akong naglakad patungo sa sasakyan niya. Maglulunch daw kami ngayon kasama sila Matteo at Zyrene sa isang restaurant. Agad niya pinatunog ito at tsaka ko binuksan ang pintuan at padabog na isinara ito.

"Inaaway mo nanaman ako!" sabi nito pagkasakay niya.

"Manahimik ka diyan! Dalian mo na!" sabi ko ng hindi man lang siya tinitingnan.

"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo ako pinapansin!" malungkot na sabi niya.

"Kung ganoon bababa na lang ako!" sabi ko at tinangkang buksan ang pinto pero hinila niya ako at hinalikan. Itutulak ko sana siya palayo pero hinila niya ang dalawang kamay ko at dinala ako papunta sa lap niya. Patuloy lang siya sa paghalik sa akin, Kalaunan ay ginantihan ko na lamang.

"Uhm" hinaing ko ng nagsimula ng naglakbay ang kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Kervy... sila Matteo naghihintay" nahihirapang sabi ko dahil sa paraan niya ng paghalik sa Leeg ko. Pero nadismaya ako ng tumigil siya.

"Wag kang magbabanggit ng pangalan ng ibang lalaki lalo na pag hinahalikan kita" masungit na sabi nito.     

"Sabi ko lang naman hinihintay nila tayo" dipensa ko.

Napatingin ito sa labas at napapikit. Dahan dahan na lamang akong umalis sa agkakakandong sa kanya. Tahimik lang kaming bumyahe. Napakaarte talaga nitong lalaking to! Nang nakarating kami sa restaurant ay agad akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay para pagbuksan ako. Naglalakad na ako papasok sa restaurant ng bigla niya akong hinapit sa bewang at hinalikan sa ulo.

"I'm sorry..." sabi nito.

Napanguso Lang ako dahil don, Pero agad niya akong binigyan ng mabilis na halik.

"Finally!" sigaw ni Matteo.

"Gago!" natatawang bulong ni Kervy. Kasama ni Matteo ngayon ang kanyang girlfriend na si Zyrene.

"Kanina pa kami dito! Ayoko pa namang nalilipasan ng gutom ang girlfriend ko!" sabi niya.

Napatawa na lamang kami ni Kervy. "Sorry" natatawang sabi namin.

"Ok lang yon! Kararating nga lang din namin. Kala nga namin kami ang Late" kwento ni Zyrene.

Agad napabaling Si Kervy kay Matteo. "Kung makareklamo ka diyan!" natatawang sabi niya sa kaibigan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang nagsalita si Matteo. "Galing kami kina Luke... Damn boy! Sinasaktan niya ang asawa niya." malungkot na kwento nito.

"B-bakit?" tanong ko. Mabait naman si Luke ah!.

"It's not our issue to deal with, Paula" sabi ni Kervy na ngayon ay tumigil na din sa pagkain dahil sa narinig.

"Ano bang pakay niyo?" tanong ni Kervy.

"Napagusapan kasi namin ni Timothy na magbakasyon, Tayong apat nila Luke kasama ang mga girlfriend natin at asawa ni Luke." sabi ni Matteo.

"Anong sabi ni Luke?" tanong ni Kervy.

"Tatawag na lang daw siya... Eh nasuntok ko eh" paliwanag ni Matteo.

"Kung kumpleto tayo edi. Walang rason para hindi kami sumama ng girlfriend ko" sabi ni Kervy.

"Bakit Vera Cruz. Sino ba ang girlfriend mo ngayon!?" natatawang pangaasar ni Matteo.

Agad akong inakbayan ni Kervy na nagpagulat kay Matteo. "Langya! Sabi na nga ba't kayo din ang magkakatuluyan eh!" natatawang sabi nito. Puro pang aasar ang natanggap namin kay Matteo. Nagtatawanan kami ng biglang ay dumating na Lalaki.

"Can I join you?" sabi nito.

"Zach?" pagtawag ni Matteo.

Zach...that name!

"Gago saan ka galing!? Long time no see, Fuck you!" natatawang bati ni Matteo.

Agad akong napatingin sa mukha ng lalaking iyon. Baka sakaling aaalala ko siya, Baka naman nakita ko siya noon? Agad siyang umupo sa upuan sa gilid ko. Hindi ko alam pero parang may nabuhay na kung ano sa loob ko ng makita kong mabuti ang pagmumukha niya. Agad akong napapikit.

"Grace wag ka diyan baka mahulog ka?" suway ng isang batang lalaki sa akin.

"Gusto kong umakyat duon sa tree house!" sabi ng Isang batang babae na Grace ang pangalan.

"Humawak ka ng mabuti sa akin!" sabi nito at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nasa kalagitnaan na kami ng makaramdam ako ng pangangati ng katawan.

"Ahh Ang daming langgam!" sigaw ko

"Hoy wag kang bumitaw!" sigaw niya sa akin pero dahil sa kakulitan ko ay nakabitaw ako.

"Grace!"

"Paula!" tawag sa akin ni Kervy. 

"What happened? Are you ok?" pagaalala niya.

"Paula?..." tanong nung Zach.

"Why don't you call her Grace?" tanong ni Zach.

"Shut up!" sabi ni Kervy dito.

"Hey...Hey kagagaling lang namin sa away! Dito nanaman!?" sabat ni Matteo.

Napangisi lang si Zach. "May balat ka ata sa pwet Matteo!" natatawang sabi nito.

"Gago!" sagot ni Matteo.

"Comfort room lang ako" paalam ko.

"Sama ako!" sabi ni Zyrene. Hinitay ko siyang makatayo ng biglang nagsalitansi Zach.

 "Ganda ng girlfriend mo Matteo ah! My kind of girl" pangaasar nito.

"Fuck you! Asshole! Akin ito. Maghanap ka ng sayo" sabi ni Matteo. 

"Samahan na kita baby!" sabi ni Matteo kay Zyrene. 

"Possessive asshole!" natatawang sabi ni Zach.

"Tarantado!" sagot ni Matteo at tsaka hinapitnsa bewang si Zyrene.

Tumuloy kami sa cr at ganoon na lamang ang pagkainis ko ng naiwan ko ang pouch ko sa table. Nagpaalam sandali ako kay Zyrene para balikan iyon. Hindi pa ako nakakalapit ng marinig kong nagsalita si Zach.

"You seem so happy together Huh! Hanggang kailan Kervy!? Hanggang kailan kaya magtatagal tong walang kwentang laro mo?" sabi nito kay Kervy na seryosong nakatingin sa kanya na nagigting ang panga.

"Hindi matatapos hanggang walang nagbabayad. Kung anong kinuha, Yun din ang kapalit!" seryosong sabi ni Kervy.

"Huh! Mukhang masaya yun! Pero ano ang ibabayad sayo? Kung in the first place, Wala naman talagang sayo!? Walang kinuha sayo Kervy dahil hindi iyon sayo!" Sabat ni Zach na nagpakunot ng husto sa noo ni Kervy. Napatawa lang si Zach dahil dito.

"You are going to lose with your own stupid game" pinal na sabi nito at umalis.






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now