Chapter 17

89.9K 2.3K 49
                                    

Nang makalapit na siya sa akin, agad niya akong isinandal at kinorner sa pader. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig gamit ang aking mga palad.  Kailangan ko lang mag ingat, magnanakaw kasi itong kasama ko! Magnanakaw ng halik!

"Kala ko ba sisipain mo ako?" pangaasar niya.

"Bakit ba ang bastos mo?" mahinahong tanong ko, habang nakatakip pa din ang palad ko sa bibig ko.

Nagkibit balikat lang siya at ngumisi. "Nasa dugo na ata yun?" pagyayabang niya.

Natawa naman ako. "Ang kapal talaga ng mukha mo!?" pagtataray ko.

"Remove that!" utos niya, habang pinapatanggal yung kamay ko.

Umiling ako "Hindi pa ako nagtotoothbrush!" pagsisinungaling ko.

"It doesn't matter! Just pay me back!" mariin pero mapangasar na sabi niya. Bwiset talaga ang isang ito.

Dahil nangaasar siya, sasakyan ko ang trip niya, Ha! kala niya siya lang ha!

Tumangolang ako. "Ok! Close your eyes!" utos ko sa kanya.

"Wag mo akong utusan!" inis na sabi niya, ganyan yan! masyadong bossy, ayaw na inuutusan siya!

"Edi wag!" sabi ko. Akmang aalis ako ng hinampas niya ang pader sa gilid ko.

"Ok!" sabi niya sabay pikit. Kabwiset! bigla akong napatigil sa pagtingin sa maamo niyang mukha, ngayon lang yan dahil nakapikit siya, ano ng gagawin ko? hindi ako makagalaw, parang...

*Pak*

"What the fuck!?" inis at gulat na tanong niya. Paano naman kasi! nagiisip pa ako ng gagawin nilalapit niya na yung nguso niya. Sa taranta ko ay sinampal ko na lang siya. Napalakas din ata. 

"Para saan yon, Paula!?" madiing tanong niya.

Umiling lang ako at nagpout. Sana maawa! "Sorry... Joke lang naman dapat eh" malumanay na sabi ko.

"Are you teasing me to kiss you?" tanong niya nakataas pa ang kilay.

Magsasalita pa sana ako pero ito nanaman kami! Ang lambot talaga ng labi niya! Sa una hindi ko masabayan ang galaw nito pero ng lumaon unti unti siyang nagdahan dahan hudyat na sumabay na ako. Nanghihina ang tuhod ko sa sensasyong ibinibigay niya, napansin niya siguro iyon kaya mabilis niya akong hinapit sa aking bewang. Traydor na kung traydor pero mabilis ko ding ipinulupot ang kamay ko sa batok niya, dahilan para gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Nasarapan ka nanaman sa halik ko!" mapangasar na sabi niya ng humiwalay ito.

"Asa!" asik ko bago ako pumasok sa kwarto at pinagsaraduhan siya ng pinto.  

Matapos kong magayos ng gamit, napagpasyahan kong lumabas na para puntahan sila Joana. Palabas na sana ako ng pinto ng may marinig ako sa may kusina, Nagtungo ako doon at mayroon akong matandang babaeng nakita, isa siguro siya sa mga care takers dito.

"Good afternoon po" bati ko.

"Good afternoon din Hija, ikaw ba ang nobya ni Kervy?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi po, Bestfriend niya lang po ako!"masayang sabi ko, but it hurts! bestfriend lang!

Namilog naman ang mata nung matanda. "Grace ba ang pangalan mo?" tanong niya.

"Ha? Ah Opo, paano niyo po nalaman?" tanong ko pero agad naman niya akong niyakap.

"Dalagang dalaga ka na! Antagal na nung huling punta mo dito!" masayang sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Po!? First time ko pa lang po makapunta dito" naguguluhang sabi ko.

"Ano ka ba naman, Grace! Ang huling punta mo dito eh yung kayong apat pa nila Kervy ang magkakasama!" sabi niya.

Anong pinagsasabi ni Ate!? "Sino pong apat?" sila Matteo at Timothy kaya?

"Kayong apat! Ikaw, Si Kervy, Si Rhia, at si Zach!" sabi niya with hand gesture pa.

"Sino po iyon?" tanong ko. Ang gulo.

"Yung At..."

"Tama na yan Nay Jing!" suway ni Kervy sa kanya.      

"Ah...Sige, mauna na muna ako. Babalik na lang ako mamaya" Paalam nito. 

"Pero po..." pagpigil ko sana.

Humarang naman si Kervy sa akin, seryoso nanaman ang mukha niya. Grabe talaga ang pagkabipolar ng isang toh! Kanina lang eh tuwang tuwa pa! pero ngayon kala mo may dalaw! 

"Sino yung Rhia at Zach?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang yon" tamad na sagot niya. Halatang ayaw pagusapan.  

"Pero bakit kilala niya..."

"Just stop asking!" masungit na sabi pa niya bago siya nag walk out. 







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now