Chapter 27

85K 2.1K 80
                                    

"Date ka diyan! Sinamahan niya lang akong mamasyal! Isip nito!" sabi ko.

"Buong maghapon kayong magkasama! anong gusto mong isipin ko? Kumain lang kayo ng mangga? Ano naubos niyo ba ang isang puno?" Mapanuyang tanong niya.  

"Hay naku! Ewan ko sayo, Umiral nanaman yang pagkaisip bata mo!" pagsuko ko.

"Anong sabi mo!?" mariing tanong niya.

"Wala! Magpapahinga na kako ako!" sabi ko aktong maglalakad na ako papunta sa kwarto ko ng nakaisip ako ng isang ideya.

"Napagod kasi ako sa date namin ni Carlo" pagkasabi ko non ay dali dali akong naglakad papunta sa kwarto ko at naglock narinig ko pa ang pagsigaw niya.

"PAULA!"

Late na akong nagising kinaumagahan, Nagulat din ako ng hindi ko pala nasara yung pinto ng maliit na balcony dito sa kwarto ko. Tumayo ako para isara na sana ito ng marinig ko si Kervy sa kabilang balcony ng kwarto niya na hindi kalayuan sa akin.

"Wala ako sa diyan sa Manila para sumundo sa airport. Kayo na muna ang bahala kay Mommy" sabi niya.

Dala ng curiosity ay bahagya akong sumilip at tama nga ang hinala ko may kausap siya sa phone.

"Just take care of her. Mag hire narin kayo ng personal nurse" sabi nito sa kausap.

"Ok. Rhia will be staying, Dadalaw dalawin ko na lang siya" sabi nito na lubos na ipinagtaka ko, Rhia nanaman!? Sino ba kasi yun?.

Dahil sa pagkadismaya dahil lagi ko na lang naririnig ang pangalang iyon ay nagshower na lang ako. Oo inaamin ko nagseselos ako, Sino ba kasi yon!?

Nagpapatuyo ako ng buhok ng biglang pumasok si Kervy.

"Oh gising ka na pala ba't hindi ka pa bumaba?" sabi nito, Kapal ng mukha!

"Hoy! Nakalock yung pinto ko, Paano ka nakapasok!?" sabi ko.

"Kala ko kasi tulog ka pa eh, Tinatamad akong maghintay kakakatok" paliwanag nito.

Inirapan ko na lang siya, Bwiset gandang paliwanag!.

"Kasal na ni Luke bukas, Uwi na tayo" sabi ko.

"Hell no!" medyo tumaas ang boses nito kaya naman nagulat ako.

Agad naman akong nakabawi "Sino si Zach at Rhia?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin, Pero ni isang salita walang lumabas sa bibig niya.

"Uuwi na ako Kervy" sabi ko, gusto ko na talaga kasing umuwi.

"Ano bang problema mo?" tanong nito sa akin.

"Ikaw Kervy! Anong problema mo!? Bakit ba takot na takot kang lumapit si Luke sa akin? Sino a yung Rhia? Sino yung Zach? Bakit parang wala akong kaalam alam!?" napataas na din ang boses ko dahil para talaga akong isang nasa malaking puzzle.

 Marami akong narinig na hindi pamilyar sa akin, Gustong gusto kong magtanong! Pero wala ni isa sa kanila ang willing sumagot. Si Kervy. Si Kuya Khurt, Kahit yung mga tao sa paligid ko.

"Calm down, Paula. Hindi natin kailangang magsigawan, Ayaw kong lumapit si Luke sayo dahil nagseselos ako! Yung Zach at Rhia..." hindi na niya natuloy yung sasabihin niya ng tumunog yung phone ko.

Kinuha ko ito at agad sinagot hindi ko man lang tiningnan kung sino yung caller.

"Hello" bungad ko.

"Grace..." nakilala ko agad yung boses niya kaya agad akong lumipat sa balcony.

"Napatawag ka?" tanong ko.

"Nahihirapan na ako, And I know ganon ka din" sabi niya.

"Lasing ka ba Luke?" tanong ko, Ang aga aga naman!.

"Not really. Isn't it funny? Ikakasal na ako bukas!" sabi nito habang natatawang parang naiiyak.

"Hey, calm down may Kasama ka ba diyan?" pagaalo ko.

"Kung naging matapang lang sana ako noon, edi sana nasa akin pa siya!" sabi nito at halata na sa boses ang pagiyak.

"But, Ikakasal ka na bukas Luke. Just forget about her" suwestyon ko,

"I can't. Hindi ko kaya, Grace. I can't forget about you..." naputol ang sasabihin ni Luke ng may walang hiyang umagaw ng phone ko.

"What the fuck, Luke! Ano nanaman ba!?" singhal nito kay Luke na kanikanina lang eh ako ang kausap.

"Kervy akin na nga yan!" aabutin ko sana ang phone ko pero agad niya ako tiningnan ng may pagbabanta.

"Bwiset!" sabi ko na lang sabay walk out.

Umupo ako sa garden at kinuha ang tablet ko, Napagpasyahan kong magbasa na lang ng wattpad kesa masira nanaman ang araw ko dahil kay Kervy. Ang hindi ko lubos maintindihan ay ang pagtatanggi niya sa Rhia na yon! Kilala ko si Kervy simula pagkabata. At isa lang din ang alam ko na siguradong hinding hindi ko makakalimutan, iyon ay ang mahal ko siya. Simula noon hanggang ngayon, pero kilala ko nga ba talaga siya?.

Nanduon na ako sa part ng nakakakilig ng may umagaw nanaman sa tablet ko.

"What the...!"

"Subukan mo lang ituloy yan!" banta niya sa tangka kong pagmumura.

"Fine" tsaka ko siya inirapan.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo!?" 

"Bakit nanaman ba?" tanong ko.

"I told you so many fucking times na wag mong kausapin si Luke!" singhal nito. Aba! Matindi! Pag ako magmumura bawal, pag siya ok?

"Luke is a friend! Your friend. Kervy!" madiing paalala ko sa kanya.   

"Kahit na!" giit nito.

"Ano bang problema mo sa pagiging close namin ni Luke?" Tanong ko, napakapossesive naman niya ni hindi pa nga kami eh, hindi ko nga alam kung bakit ako nandito ngayon kasama siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin na bullshit! Nagseselos ako!" pagdidiin niya.

"Bakit Kervy? Sabihin mo nga, ano ba ako sayo?" tanong ko, aba! Hindi ako manghuhula para malaman kung ano talaga ang estado namin, Hangga't hindi sa kanya mismo nanggagaling.

"Anong klaseng tanong yan, Paula?" 

"A confirmation, Mr. Vera Cruz" sabi ko.

Matagal na mutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, Kaya naman parang in the other side nalungkot ako,.Umasa nanaman ba ako? Masyado ba akong nagexpect?.

"Someone special, I guess" basag nito sa katahimikan.








(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now