Chapter 22

89.2K 2.3K 18
                                    

Agad niya akong hinila palabas ng Restaurant. Ni hindi pa nga ako nakakapagpaalam kay Luke. May pagkabastos din talaga ang isang ito, agad niya akong dinala sa harap ng sasakyan niya.

"Sakay!" mahinahon pero madiin niyang sabi.

"Pero paano si Luke..."

"Sakay!"  this time pasigaw na kaya naman napilitan na akong sumakay, ano bang nangyayari sa kanya?

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang pabalik ng opisina. Wala rin naman akong balak na kausapin siya! Ang sungit! If I know nagseselos lang yan! Agad kaming nakarating sa parking lot ng opisina pero wala pa ring may balak bumaba.

"Bakit ba hindi ka marunong makinig?" malumanay pero halata mo yung galit sa boses niya.

"Eh bakit ba ang..." laban ko sana pero pinutol niya.

"Damn it, Paula! Gusto kong makipagusap sayo ng maayos! Kung pwede lang!?" iritadong sabi niya kaya naman natahimik ako.Kasalanan ko nanaman.

"Eh kasi... Bakit ka ba nagagalit? Eh nagyaya lang naman ng lunch si Luke. Tsaka kaibigan mo naman siya ah!" mahinahong sagot ko.

Nagbuntong hininga siya. "Basta lumayo ka sa kanya..." madiing sabi niya.

"Pero..."

"No but's, Paula! Now go back to work!" maawtoridad na sabi niya.

Padabog akong bumaba at naglakad palayo sa kanya. Natigil ako sa tapat ng elevator, kainis!

"Ang arte, arte ayaw lang aminin na (asdfghj)" sabi ko, pero nagulat ako ng may brasong pumulupot sa bewang ko.

"May sinasabi ka?" tanong ng bwiset na Kervy.

"Wala! (zxcvbnmij)" pagtataray ko.

"Anong binubulong bulong mo diyan!?" tanong niya.

"Ibubulong ko ba kung gusto kong marinig mo!?" inis na sabi ko. Nakasakay na kami sa elevator ngayon.

"Isa! Sabihin mo!"

"Ayoko nga!"

"Hindi ako nakikipagbiruan, Paula!" pagbabanta niya.

"Ang sabi ko! ang arte arte mo! Eh halata namang nagseselos ka lang" sigaw ko sa mukha niya na nagpanganga sa kanya.

"Ano!?" inis na sabi ko.

Agad naman siyang ngumisi.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" inis na tanong ko.

"Hindi ako nagseselos" maAwtoridad na sabi niya

"It's just that...I don't share whats mine" dugtong niya. Agad namang bumukas yung pinto ng elevator sa floor ko kaya naman tinulak niya na ako palabas.

"May sumubok lang na lumapit sayong lalaki... ipapatapon ko talaga siya sa labas! Don't forget about the camera! " nakangising sabi niya. Nagawa pa niya akong kindatan. 

"Damn you!" sigaw ko sa kanya

After work, Dumaan na muna ako kay Kuya sa companya namin, hindi ko alam pero dito ako dinala ng mga paa ko. Nagpaalam na din ako kay Kervy dahil baka mamaya mapagalitan pa ako ng Tatay tatayan kong may regla, ganyan si Kervy. Sayang ang kagwapuhan!

"Kamusta na ang baby sister ko? Anong pumasok sa utak mo at napadalaw ka?" bungad na tanong sa akin ni Kuya.

"Bakit ayaw mo ba ako dito?" pagtataray ko sabay upo sa couch sa office niya.

Agad niyang binaba ang mga papel na hawak niya tsaka tumabi sa akin. "Syempre gusto... Pero alam ko namang may dahilan kung bakit ka pumunta dito at mukhang hindi na makakapaghintay nasa bahay mo na lang sabihin" sabi ni Kuya.

"Busy ka ba Kuya? Nakakistorbo ba ako?" tanong ko muna.

"Busy Oo... Pero ikaw istorbo? Syempre hindi..." nakangiting sabi niya.

"Wait may gusto ka bang inumin" tanong niya.

"Juice na lang" sabi ko, tumayo naman siya at sumilip sa pinto para siguro sabihan ang sekretary niya, at agad tumabi ulit sa akin. 

"So ano na?"

"Kuya kilala mo ba si Luke?" tanong ko na nagpakunot ng noo niya.

"You mean, Luke Jimenez?" tanong niya.

Tumango naman ako, Tapos agad pumasok ang sekretary niya at inabot sa akin ang juice, kape naman kay Kuya.

 "Thank you" sabi ko bago ito nagpaalam at lumabas.    

"Anong meron sa kanya?" tanong ni Kuya na parang naging seryoso.

"Niyaya kasi niya akong maglunch kanina, then may sinabi lang siyang secret sa akin" sabi ko sabay inumin ng juice pero napansin kong parang nabato si Kuya.

"A-anong... sabi niya?" tanong niya.

"Eh...Secret lang dapat eh" sabi ko.

"Spill it..." seryosong sabi ni Kuya.

"Pero Kuya..."

"Don't you trust me?" tanong niya.

"I do!" sabinko sabay pout.

"Then tell me"

"Sabi niya ayaw niyang magpakasal kay Samantha dahil hindi naman daw niya mahal ito. Tapos may ikinwento din siya sa aking story na parang riddle nakakatuwa nga eh... kaso"

"Kaso ano?" tanong ni Kuya.

"Tungkol yon sa naging girlfriend niya daw ng one year? Yung girl na yon bestfriend ng bestfriend niya... medyo naguluhan nga ako eh, sabi niya mahal pa din daw niya yung babae, ang kaso nga lang nakaarrange marriage na nga siya. Tapos daw nung nagkita sila... hindi na siya maalala" kwento ko kay Kuya pero narinig kong napamura siya.

"Then why are you here? Talking about it" tanong ni Kuya.

"Hindi ko alam Kuya pero... ang pinagtataka ko, Bakit kailangang sa akin niya ikwento? Alam mo na...Hindi naman kami ganoon ka close" sabi ko.

"Alam ba ni Kervy toh?" tanong niya.

"Oo... may sasabihin pa nga sana si Luke kaso umepal si Kervy. Para ngang sabi niya...But Grace that girl was you. Akala ko talaga yun yung sasabihin niya eh ang kaso dumating ang Kervy!" sabi ko sabay tawa, pero napansin kong nagiba ang itsura ni Kuya.

"Teka Kuya bakit..." napahinto ako sa realization na! May posibilidad ba na ganun talaga yung sasabihin ni Luke? Ewan pero bakit parang ang gulo!?







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now