Chapter 40

99.6K 2.6K 228
                                    

After 2 years


"Akin na nga!" inis na sabi ko kay Zach dahil pinapaiyak nanaman niya si Baby Ken.

Kenneth Andrew Sanchez

Silang dalawa lang ni Kuya ang nasa tabi ko nung nanganak ako. Malaki ang pasasalamat ko kay Zach dahil simula noong una ay siya na ang sumama sa akin kaya naman bilang pasasalamat ay ginaya ko ang second name niya para sa baby ko.

"Inaway ka nanaman ni Tito?" nakangusong tanong ko sa anak kong napaka cute!.

"Daddy!" nakangiting sabi ni Zach.

"Daddy ka diyan! Gago!" sabi ko pero hininaan ko lang ang huling sinabi ko.

"Da...da" umiiyak na pagsusumbong niya sa akin. Nakakapagsalita na siya ng Mama at Dada. Nung unang magsalita siya noon ay tuwang tuwa pa si Zach, Kala mo naman Nanay! daig pa ako!.

Agad akong naawa sa itsura ng anak ko, Namumula ang matambok na pisngi niya. Agad akong bumaling kay Zach na katabi lang namin ngayon, Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Kinurot mo nanaman ang pisngi!" inis na sabi ko.

"Aray ko naman!" natatawang sabi niya.

"Nakakainis ka talaga!" sabi ko.

Agad kong naramdaman na huminahon na si Baby Ken. Nakayakap ito sa akin at humiga sa balikat ko.

"Patulog na ba?" tanong ko kay Zach at ihinarap sa kanya ito.

"Oo...Patulog na siya" nakangiting sabi ni Zach at hinalikan si Baby sa noo.

Ilang hele pa ay narinig ko na ang mumunting hilik niya. Dahan dahan ko siyang inilapag sa crib niya at kinumutan. Bumaling ako kay Zach na nakatingin sa phone niya.

"Ganda mo dito!" sabi niya sabay pakita ng phone niya na may picture ko na kinuhanan ngayon lang habang ibinababa ko si Ken sa crib.

"I-delete mo nga yan!" mahinang suway ko.

"Ayoko nga!" sabi nito at bumaling sa kanyang phone ulit. 

"Ginawa kong wallpaper!" natatawang sabi niya.

"Ewan ko sayo!" sabi ko at pumunta sa may kusina. 

"Anong gusto mong mirienda?" tanong ko.

"Uhm...Kahit ikaw na lang!" sagot niya bago siya humalakhak. 

"Letche!" sabi ko sa kanya at narinig ko nanaman ang tawa niya.

Ang huling uwi ko sa Manila ay nung tumakas ako kay Zach. Pagkatapos nuon ay hindi na kami bumalik pa. Dalawang taon kaming nanirahan dito sa Iloilo, pero minsan ay kinakailangan ni Zach na pumunta ng Manila para sa family business nila. Tumatawag lang ako kila Daddy minsan, Wala pa ding nakakaalam kung nasaan kami. Miss na miss na daw niya ako, Si Ate Rhia naman kahit papaano ay may development na. Nung huling paguusap namin ni Daddy ay sabi ko malapit na kaming magkita, Dahil iyon naman ang sabi ni Zach.

Bumalik ako sa sala dala ang sandwich at juice. "Oh, ito..." sabi ko sabay lapag ng pagkain.

"Malapit na pala ang birthday ni Ken" sabi niya.

"Uhm Oo nga" sagot ko.

"Sa Manila na natin icelebrate yon, Napagusapan na din namin ni Kuya Khurt." sabi nito.

"Wow ha! Ako ang nanay! Kayo ang Nagdesisyon!" inis na sabi ko.

"Wag ka ng magalit! Ayaw mo ba non!? Makikita mo na ang parents mo!" sabi niya sa akin.

"Pero anduon siya..." sabi ko.

"Ipakita mong parang wala lang...Tutulugan kita" nakangiting sabi nito.

"Yung ngiti mong ganyan hindi ko gusto ha! may binabalak ka nanamang katarataduhan!" sabi ko.

"Let's make him regret! Let's start our Game" sabi nito.

"Anong...Pinagsasabi mo diyan?" tanong ko.

"Sa birthday ni Ken. I-announce natin ang Engagement natin" sabi nito.

"Ano!?" biglang pagsigaw ko pero agad din akong napatakip ng bunganga ng ,aiisip si Ken. Buti na lamang at gumalaw lang ito ng bahagya.

"Ingay mo" sabi ni Zach

"Ano..Anong engagement ka diyan?" tanong ko.

"Trust me, Grace..." sabi nito.

"Kinakabahan ako..." sabi ko sabay tingin kay Ken na mahimbing na natutulog.

"Just trust me" paninigurado niya.


Zach Pov

Humanga talaga ako sa kakaibang ugali ni Kervy. Simula nung magkita kami ay ni hindi man lang niya nabanggit si Grace sa akin. Ni hindi man lang niya ito hinanap, Alam kong isa siyang malaking gago pero hindi yan tanga. Alam kong alam niya na alam ko kung nasaan si Grace. Pati ang pakikitungo niya sa akin ay parang normal lang. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makalapit kay Rhia.

"Good morning, Mr. Alonzo" bati sa akin ng mga empleyado habang hinihintay kong mag bukas ang elevator. Napatingin ako sa dating table ni Grace dito. May bago ng nagmamayari nuon. Nabaling ang tingin ko sa isang lalaki. Sa pagkakaalam ko kaibigan siya ni Grace.

"Excuse me" sabi ko.

"Mr. Alonzo" sabi nito at tumayo. "Ano pong kailangan niyo?" tanong niya.

"Wala naman. Pinapasabi lang ni Grace na Miss na miss ka na daw niya" sabi ko.

Nanlaki ang mata niya. "Ka...Kamusta na po siya?" paos na sabi nito.

"Yung Baby...Malaki na ba? Sabi niya ninang ako!" pagmamaktol nito.

"Ok naman yung Baby. Ninang ka, Kahit wala ka nung binyag" sabi ko.

"Talaga!? Grabe napakacute siguro non!" sabi nito.

"Napaka!" natatawang sabi ko.

"Don't worry! iInform kita sa 2nd birthday niya, Uuwi na sila dito sa Manila" nakangiting pahayag ko.

"Talaga po! Wow! grabe excited na ako!" natatawang sabi nito.

Matapos kong makipagusap kay Jonathan na Joana pala ay umakyat na ako sa opisina ni Kervy. Pagkabukas ko ng pinto ay busy ito sa mga kaharap na papeles.

"Kung makapagtrabaho parang may anak ka ng pinapalaki ah!" pangaasar ko at the same time pangungunsensya ko sa kanya.

Nagangat lang siya ng tingin sa akin at binigyan ako ng isang pagbabantang titig.

"Oh! I'm just kidding!" natatawang sabi ko.

"What brought you here?" walang kaemoemosyong tanong niya.

"Just dropping by" sabi ko at umupo sa may sofa niya.

"Fuck I forgot my phone" sabi nito at hinalughog ang mga drawer ng lamesa niya.

"Why?" tanong ko

"I need to call someone..." inis na sabi nito.

"Here. Use mine" sabi ko sabay abot sa kanya ng phone kong may wallpaper na picture ni Grace habang karga karga si Ken.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti pero di niya ito pinansin at padabog na kinuha ang phone ko sa kamay ko. Napangiti ako ng napatulala siya sa screen ng phone ko. Damn you! Vera Cruz!.

Nakita ko ang paglaki ng mata niya sa nakita. "Oh? Anong problema?" kunwaring tanong ko pero nakangisi.

"Tangina, Alonzo!" sigaw niya sa akin.






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon