Chapter 33

85K 2.2K 85
                                    

"Sabi ko na nga ba! Sasakyan mo yung nasa labas eh!" natatawang sabi ni Kuya ng binuksan ni Kervy ang pinto.

"Si Grace?" tanong nito.

"Tulog na, Pagod yon" sabi nito at inemphasize pa talaga ang salitang pagod! Gagong Kervy!.

"Oh sige, bukas ko na lang kakausapin" sabi ni Kuya at sabay na silang umalis ni Kervy.

Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan ng sumara ang pinto. Natatakpan lang ng kumot ang hubad kong katawan. Mabuti na lang at hindi nagpumilit si Kuya na pumasok at kausapin ako.  

Wala pang ilang minuto ng makatanggap ako ng message mula kay Kervy. 

From: Kervy 

Rest now. Napagod ka!

Hinid ko napigilang ngumiti. Siraulo talaga. 

To: Kervy 

Bwiset ka! bakit mo yun sinabi kay Kuya!?

From: Kervy

Bakit Baby? Hindi ka ba napagod? gusto mo bumalik ako diyan!?

Nakatulugan ko na ang palitan namin ng messages ni Kervy. Kahit ramdam ko ang pagod ay nagawa ko pa ding magising na maaga kinabukasan. 

"Good morning, Baby!" salubong sa akin ni Kuya pagkababa ko.

"Good morning, Kuya" 

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Kayo na pala. Hindi ka nagkwento sa akin!" ramdam ko ang pagtatampo sa kanyang boses.

Nanlaki ang aking mga mata, at mukhang pinagkalat pa ata ng loko. "Sinabi niya sayo?" gulat na tanong ko.

Tumango lang siya at niyakap ako. "Wag na wag ka lang niyang masaktan, Papatayin ko ang gagong yon!" sabi ni Kuya agad ko naman siyang pinalo sa braso.

"Napaka mean mo!" natatawang suway ko sa kanya.   

Late na akong pumasok sa trabaho, Nadatnan kong nagkakagulo silang lahat.

"Anong meron?" tanong ko kay Joana pagkaupo niya.

"Ang super hot bestfriend mo, May urgent meeting sa Cebu kaya agad pinahanda ang Helicopter" 

Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan kung bakit sila natataranta eh hindi naman sila ang piloto.  

Mabilis kong kinuha ang phone ko, nakita ko kaagad ang message mula kay Kervy.  

From: Kervy

May urgent meeting ako sa Cebu. Take care

Text nito, masyado sigurong busy.

"Tara na!" yaya sa akin ni Joana pag sapit ng alas nuebe. 

"S...sige" sabi ko at tumayo na din para umuwi na, ang lungkot sa opisina dahil wala siya.

"Wala lang si bestfriend parang biyernes santos ka na diyan!" pangaasar nila sa akin.  

2 days ng hindi umuwi si Kervy  mula sa Cebu. Hindi rin siya nagttext sa akin. Baka masyadong busy, Palagi kong sinasabi sa aking sarili. Naging busy ang lahat, Buong linggo kaming walang ginawa kundi puro trabaho at minsan ay todo over time din.

Lalo akong nabahala at nagalala ng nag dalawang linggo na at wala pa din kahit anino ni Kervy. Lagi ko siyang tinatawagan at tinitxt pero wala kong napapala.

"Kumain ka, Grace!" suway ni Joana sa akin.

"Bakit wala pa siya?" malungkot na tanong ko.

"Hindii ko din alam" malungkot na sabi nito. "Wala rin naman akong mahanap na chika, Yung mga nasa taas lang ang nakakaalam" dugtong niya.

"Gagong yon! hindi man lang tumawag o magtext!" naiiyak na sabi ko dahil sa frustration. Hindi ko alam, pero isang araw parang bigla ko na alng siya hindi maabot. Wala akong kaalam alam kung nasaan siya o kung anong ginagawa niya. 

"Hoy wag kang umiyak..." suway nito pero agad kong naramdaman ang pagbaliktad ng aking sikmura, Tumakbo ako papunta sa Cr at naguwal.  

"Ayos ka lang ba Grace? Grace!" huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.    

Namulat ako at tumambad sa akin ang clinic ng companya. 

"Buti naman gising ka na..." biglang singit ni Joana na nakatayo sa may gilid ko.   

"Bakit ano bang nangyari?"tanong ko sa kanya habang dahan dahang umupo.

"Gamitin mo toh!" nakayukong sabi niya habang iniabot sa akin ang isang maliit na box.

"Para saan ito?"  tanong ko ng makita ang gusto niyang ipagamit sa akin.

"Sabi ng Doctor, Buntis ka daw" sabi nito.

"Ano!?" gulat na tanong ko.

Marahan lang siyang tumango sa akin bilang sagot. 

Mariin akong napapikit, Asaan na si Kervy? kailangan ko siya ngayon.

Bawat araw na pagpasok ko sa opisina ay nagbabakasakaling nanduon na siya, pero bigo pa din ako. Kahit anong balita tungkol sa kanya ay wala. Ni text o tawag ay wala akong natanggap galing sa kanya. Hindi ko din alam kung paano tumakbo ang companya ng dalawang buwang walang Ceo. Wala pa din akong pinagsasabihan ng kalagayan ko, Kaming dalawa pa lang ni Joana ang nakakaalam.

"Grace!" tumatakbong tawag sa akin ni Joana.

"Bakit?" tanong ko.

"Alam ko na kung nasaan si Sir Kervy!" sabi nito.

"Asaan!?"

"Nasa San Fransisco daw!" sabi nito.

"Paanong? Diba nasa Cebu?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi ko din alam kung paano nangyaring anduon siya, pero yung ang narinig ko mula sa itaas. Balita ko ding ngayon darating ang pansamantalang papalit sa pwesto niya" sabi nito.

"S...sino?" tanong ko. Pero agad may sumagot sa tanong ko.

"Ako Grace.. No other than Zach Andrew Alonzo" sabi nito.

"Nasaan si Kervy?" naiiyak na sabi ko.

"Rhia is awake now. Malamang andon yun" tamad na sagot niya sa akin.  

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.   

"Come with me. I will tell you everything you want to know. Everything, Grace. Right now." sabi nito sa akin.









(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now