Chapter 38

91.7K 2.3K 171
                                    

"Eat Grace... Kailangan mo yan" sabi sa akin ni Zach pero hindi ko siya pinapansin.

Frustrated siyang umupo sa tabi ko. "Ano bang gagawin ko sayong babae ka? Ilang beses ko bang kailangang sabihing pinaglaruan ka lang niya" sabi nito sa akin.

Lalo akong napatulala sa kanyang sinabi. Napakalaki ng problemang pinasok ko, Galit din si Kuya sa akin nung nalaman niya. Ilang linggo na din niya akong hindi pinapansin at minsan hindi ko na siya naabutan sa bahay, kaya naman pinili ni Zach na sa condo na lang niya ako magstay para daw mabantayan niya ako.

"Kung...Kung ipalaglag ko na lang kaya para wala ng problema?" nahihirapan at umiiyak na sabi ko.

"Tangina!" sigaw niya at biglang ibinato ang platong may lamang pagkain sa kung saan.

"Kala ko ba ayaw mong gumaya sa Ate mo!?" sigaw niya sa akin na ngayon ay nakatayo na sa harap ko.

"Baka pag ginawa ko yon bumalik si Kervy!" umiiyak na sabi ko.

"Fuck, Grace! Anong pagiisip yang meron ka!?" inis na sabi nito.

"Gusto ko na siyang makita! Namimiss ko na siya!" sumbong ko.

"Puntahan natin siya, Please!" pagmamakaawa ko.

"I already did" sabi nito ng hindi nakatingin sa akin.

"Wh...what?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bakit hindi mo ako sinama!?" tanong ko.

"Isasama ka!? Para ano!? Makita mo din yung nakita ko! Tangina, Grace masaya sila don! Kung nakita mo lang!" parang naiiyak na sabi nito.

"Akala mo ba ikaw lang! Nasasaktan din ako! Mahal ko din si Rhia! Pero masaya siya kay Kervy ngayon! Itinago siya sa akin ng parents mo! Alam mo ba kung gaano ako nabaliw kakahanap sa kanya! Nakacomatose siya pero kahit isang beses hindi ko siya nakita! Kasi tinago siya, Nakakabaliw yon!" sigaw niya.

"Bakit ang daya!" umiiyak na sabi ko. "Bakit ang daya! Ang daya daya nila!" sigaw ko at pinagbabato lahat ng mahawakan ko.

"Ku...kung galit siya sa akin sana pinatay niya na lang ako. Ang Sakit...Hindi ko na kaya!" umiiyak na sabi ko. Agad kong nahilamos ang kamay kong may dugo dahil nasagid kung saan.

"Tama na...Tama na Grace..." pagaalo sa akin ni Zach.

"Bakit ang daya! Bakit masaya sila tayo hindi!?" mahinang bulong ko habang nakayakap kay Zach.

"Just...Just trust me, Grace. Sumama ka sa akin... lalayo tayo" sabi nito na nagpaangat sa ulo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"I guess we need to go to some province, Far from here" paliwanag nito.

"Si Kuya...Paano si Kuya!" sabi ko.

"Kakausapin natin ang Kuya mo, Magkakabati din kayo. Nabigla lang iyon dahil sa nangyari sa iyo" sabi ni Zach.

"Alam din ba niya lahat, lahat ng plano ni Kervy?" tanong ko. 

"I don't know" sagot nito sa akin.

Nagising ako na medyo madilim na sa labas nakatulog ako kanina sa sofa habang unan unan ang hita ni Zach. Pero ngayon nasa may kama na ako. Agad akong nagbihis at nagayos para umuwi sa bahay, Gusto kong makausap si Kuya.

Pagkadating ko duon ay wala pa siya. Kaya naman pumunta muna ako sa aking kwarto at nagayos ng gamit. Kung magkakabati kami ni Kuya ngayon o hindi, Sasama pa din ako kay Zach. Si Zach na lang ang natitira kong kakampi sacngayon, at kung ano man ang kalabasan ng paguusap namin ni Kuya ngayon sana siya din. Ayokong galit sa akin si Kuya dahil isa siya sa mga bestfriend ko.

"Anong ginagawa mo dito?"malamig na tanong niya pagkalabas ko ng aking kwarto.

"Kuya..." lapit ko sa kanya at yumakap, pero inalis niya iyon at lumakad patungo sa kwarto niya.

"Kuya please magusap tayo..." pakiusap ko at sinundan siya sa loob ng kwarto niya.

"Umalis ka na, Grace. Wag muna ngayon" sabi nito. Agad ko namang naamoy ang alak sa kanya.

"Kailan, Kuya?" naiiyak na tanong ko.

"Please...Not now!" madiing sabi nito.

"Please, Kuya!" sabi ko at hinawakam siya sa braso pero tinabig niya ito. Sa lakas ng pagkakatabig niya at napaupo ako sa may kama.

"Shit Baby, I'm sorry" sabi nito at inalalayan akong tumayo at niyakap ako.

"Kuya..." umiiyak na sabi ko at sinuklian ang mahigpit niyang yakap.

"Shhh... stop crying" pagaalo niya pero dahil sa lambing ng boses noya ay lalo akong napaiyak.

"Nakakainis siya" pagsusumbong ko.

"Shhh... I said stop" may diin sa pagsabi niya nito

"Diba pwede naman. Baka naman mahal niya din ako..." sabi ko tsaka humagulgol. Agad niya akong inilayo sa kanya at hinrapan.

"Will you stop! I said stop!" sigaw niya sa akin na nagpatigil at nagpatulala sa akin. Nakatunganga lang ako sa kanya ng nakanganga pero ganuon na lamang ang gulat ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko.

"Ku...Kuya!" sigaw ko sa pagitan ng mga halik niya.

Pero nagpatuloy lang siya, Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko kaya. Bagkus siya ba ang tumulak sa akin paupo sa may kama. 

"Kuya! Ano ba!?" sigaw ko pero agad niya akong hinalikan muli.

Agad naman siyang tumigil ng marinig ang aking paghikbi. "Anong nangyayari sayo?" umiiyak na tanong ko.

"I love you..." bulong niya.

"Mag...Magkapatid tayo" sabi ko.

"We're not!" madiing sabi niya.

"Pero Kuya..."

"I Know its wrong...But I will protect you." sabi nito at hinalikan ako sa noo.

"Walang hiyang Vera Cruz. Papatayin ko siya..." sabi nito sa akin at biglang tumayo para umalis.

Nanlaki ang mata ko sa binitawan niyang salita. "Ma...Mahal ko siya Kuya" nahihiyang sabi ko. dahil kanina lang ay umiiyak pa ako dahil sa kanya.

"Mahal din kita..." sabi nito at tuluyang umalis.




(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now