Chapter 10

121K 2.8K 90
                                    

Luke' Pov


Pagkatapos naming magaway ni kervy, Nagkayayaan kami sa bar ni Timothy. Sa lahat ng Branches nila, masasabi kong itong branch nila sa makati ang pinakamalaki at maganda. Dito meron kaming private room. Andito kaming apat, actually the original great bachelor's ay lima. But wag muna nating pagusapan si Zach, Darating din tayo diyan.

"Kakasal ka na daw!" tanong sa akin ni Timothy.

Tumango lang ako bilang sagot. "Maganda ba, Pre!?" tanong ni Matteo.

Nagkibit- balikat lang ako, ayoko kong sagutin. Maganda si Samantha, Oo pero mahal ko pa din yung ex girlfriend ko."Ayaw mo?" tanong ulit ni Timothy. Nginitian ko lang siya, alam na niya yung sagot non. 

"Let me handle it!" malisyosong sabi ni Matteo.

"Gago!  Ako na bahalang gumawa ng paraan para hindi matuloy yung kasal" paliwanag ko.

"Hoy Kervy! ano nanaman bang problema natin!?" mapangasar na tawag ni Matteo kay Kervy.

"Gago! Wala ko sa mood makipaglokohan sayo!" seryosong sabi naman ni Kervy. Wala siyang ginawa kundi uminom, sa aming apat siya ang pinakamatakaw sa alak.

"Psst. Iba timpla wag mong simulan!" natatawang sabi ni Timothy kay Matteo. Agad namang tinaas ni Matteo yung dalawang kamay niya na parang sumuko.

"Damn you!" sabi ni Kervy sabay bato ng yelo kay Matteo. Pagkatapos ay sabay sabay kaming nagtawanan.

Maya maya lang may pumasok na apat nababae. Isa isa silang tumabi sa amin, pero sa apat sa amin si Kervy lang ang hindi pinapansin ang presence ng katabi niya. Kita ko namang ginagawa ng babae lahat para pansinin siya ni Kervy pero walang epekto talaga.

"Timothy, Bakla ba tong kaibigan mo!?" inis na tanong nung babae, sabay tayo. Holy cow! Sabihin mo na lahat kay Kervy wag na wag mo lang sasabihing bakla siya.

Nakita ko naman ang pagkuyom ng panga ni Kervy at paghigpit ng kamao niya. Bigla naman niyang binato yung hawak niyang bote sabay tayo. "Putang! Wala pang nagsasabi ng ganyan sa akin!" sigaw niya sabay halik sa babae, hindi niya tinigilan iyon hanggang hindi na makahinga yung babae. 

Pagkahiwalay na pagkahiwalay ng labi nila agad namang umagos ang dugo sa labi nito. "Ano bakla ha! Bakla!?" sigaw niya sabay upo. Wala namang ginawa yung babae kundi umiyak at tumakbo palabas.

"Relax, bro!" sabi ni Matteo.

"Shut up!" sigaw nito.

Maaga kaming dumating kaya kahit medyo lasing na kami, maaga pa din. Busy kaming tatlo sa mga babaeng nasa tabi namin. Samantalang si Kervy masaya sa piling ng alak. Si Matteo ayun walang tigil sa paghahalikan nila nung babae, samantalang si Timothy, busy sa pagkakalikot ng cellphone niya, agad naman itong tumunog.

"Fuck si Agnes! Wag kayong maingay!" sabi nito sa amin.

"Hello, babe!?" sweet na sabi nito,

Umakting naman si Matteo na parang nasusuka, binatukan lang naman ito ni Timothy.

"Nasa bahay na babe" dugtong nito.

Bigala namang bumukas yung pinto

"Bahay pala ha! Damn you, Timothy!" sigaw nung babae.

"Fuck!, Agnes wait! Let me explain!" habol nito sa babae.

Umiling iling lang si Kervy at Matteo.

"One down!" natatawang sabi ko, at nakisabay naman sila.

"Uuwi na ako" sabi ni Kervy sabay tayo.

"Ihahatid na kita!" sabi ko naman, hindi naman siya nagprotesta. Lasing na toh, tsk.

"Hoy Matteo umuwi ka na din!" sigaw ko, tumango lang siya sa akin.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng entrance sa condo ni Kervy.

"Hindi ka pa rin ba mapipigilan?" tanong ko.

"Hindi!" mariing sabi niya.

"Ako ang may kasalanan kaya wag mo na siyang idamay!" sigaw ko.

"Sasaktan ko siya sa paaraan na gusto ko! Manahimik ka na nga lang pwede!? Bro matagal kong pinagisipan ang lahat. Sa fiance mo ikaw magfocus, hindi sa mga bagay na hindi na mapupunta sayo! Akin siya! akin lang." madiin at seryosong paliwanag niya.

"Kung sana siya lang ang masasakta, kayang kaya ko siyang saluhin, pero Kervy mukhang sa laro mo. Nanganganib na ikaw ang matalo" pagpapaliwanag ko.

Ngumisi naman siya. "Ako ang mananalo, Basta wag ka na lang makialam" sabi niya sa akin sabat tapik sa balikat ko at baba ng sasakyan





(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now