Epilogue 1

114K 2.5K 246
                                    

Grace Pov

"Hindi po nila alam. Basta daw po nagpahatid sa airport" pagsisinungaling nung investigator.

Namumula na din si Zach sa pagpigil sa tawa niya. Nang inilayo ng tauhan ni Kervy ang phone sa tenga niya ay hindi na napigilan ni Zach ang paghalakhak.

Mga kagaguhan talaga nitong magpinsang to! Tumingin ito sa akin habang tumatawa at nakahawak pa sa tiyan. Sa isang kamay naman niya ay si Ken. Nagulat ako kanina ng kausap ko siya at biglang may nagdoorbell. Dahil sa gulat at inis ay muntik ko na siyang masapak kanina ng makita ko siya.

Napairap na lang ako. "Palagi mo na lang niloloko yang pinsan mo!" sabi ko.

"Why?...He deserve it! For sure galit na galit ngayon yon!" sagot niya tsaka ulit tumawa.

"Eh Sir...Aalis na po ako" paalam nung investigator.

"Oh sige ako ang bahala sa boss mo" sagot ni Zach dito.

"Dada!..." naglalaro silang dalawa ni Ken sa may sofa. Habang nagluluto ako ng dinner.

"Namiss mo ako?" masayang tanong niya kay Ken.

Wala na akong ibang narinig kundi ang halakhakan nilang dalawa. Pagkatapos ng Dinner ay binihasan ko na si Ken at pinatulog.

"Matulog ka na din..." sabi ko kay Zach pagkababa ko.

Nakaupo ito sa sofa, Agad siyang naglahad ng kamay at nagpapayakap. Napangiti ako dahil napakasweet talaga niya. Uupo at yayakap na sana ako ng biglang...

"Don't you dare, Grace kung ayaw mong maging mamamatay tao ako" Madiin at nakakatakot na sabi ni Kervy.

"Kervy..."

Takot ang naramdama ko pero si Zach Ay nagawa pang tumawa. "Oh...Hi there, Cousin" pangaasar nito.

"Tangina ka, Alonzo! Hindi magandang biro yun!" madiing sabi nito.

Nagkibit balikat lang si Zach. "I'm sorry..." pangaasar niya.

Agad bumaling si Kervy sa akin, Sobrang nakakatakot ang tingin niya kaya napayuko na lang ako Pero nagulat ako ng akbayan ako ni Zach. 

"Zach..." tawag ko dito dahil lalo kong nakitang nagalit si Kervy.

"Hands off, Alonzo"  banta ni Kervy.

Pero hindi pa din natinag si Zach at niyakap na ako. "Tangina" galit na sabi ni Kervy at agad sinuntok si Zach.

Napaupo ito sa sahig habang may dugo sa labi pero nakuha pa talaga niyang ngumisi. "Kervy, hindi mo dapat ginawa yun..." sabi ko at akmang lalapitan si Zach ng hilahin ako ni Kervy papunta sa kanya.

"Wag mo akong sagarin. Baka gusto mong masundan si Ken" seryosong sabi nito.

"Wow! Tapos iiwan mo ulit!" agaw eksenang sabi ni Zach.

Agad nagigiting ang panga ni Kervy at kinuyom ang kamao. Kaya naman agad na akong pumagitna.

"Gabi na...Nakakaistorbo na kayo sa kapitbahay, Pwede bang matulog na lang tayo?" pakiusap ko sa kanila.

Nanatili lang silang nagtititigan sa aking harapan. Pero agad bumitiw si Zach at bumaling sa akin. "Alright...Lets sleep" sabi nito at akmang hihilahin ako ng hinawakan ako ni Kervy sa kabila.

"Sa akin siya tatabi."

"Nauna ako dito...At baka nakakalimutan mo! Bahay ko ito!" balik na sagot ni Zach.

"Wala akong pake! Akin si Grace kaya sa akin siya tatabi!" matigas na sabi ni Kervy.

"Akin."

"Akin."

"Aki..."

"Tama na! Pwede ba! Natutulog na si Ken! Kay Ken ako tatabi, Kayong dalawa! tabi kayo sa guest room! Pag kayo nagaway ulit! Kahit kaninong bahay pa to. Lalabas kayong dalawa! at kung ayaw niyo pa ding tumigil! Kami ni Ken ang aalis" pananakot ko sa kanila.

"Oo nga pala...Natutulog na yung anak ko" nakangiting sabi ni Zach,

"Gago! Anak ko!" kontra ni Kervy.

"Ako ang kasama habang lumalaki!" bato ni Zach.

"Kasama ka lang sa paglaki. Pero ako, Kasama ako sa paggawa!" banat ni Kervy.

"Wala akong pake! Anak ko pa din!"

"Anak ko! Gago! Kung gusto mo gumawa ka ng sayo!"

"Anak ko!"

"Akin!"

"Isa!" putol ko.

Agad naman silang natahimik. Napabuntonghininga na lang ako. Nagtungo na ako paakyat ng hagdan habang nakasunod sila sa akin.

"I don't mind a little fucking competition"  seryoso pa ding sabi ni Kervy.

"Oh well...I'm always in" nakangising sabi ni Zach.

Binuksan ko na ang pinto sa kwarto at ganuon din silang dalawa. Napasapo ako sa noo ko ng magaway at tulakan pa sila kung sino ang unang papasok.

"Mga abnormal talaga..." umiiling na sabi ko.

Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay ng mga naglaglagang kaldero at kung ano sa may kusina. Napatingin ako sa tabi ko at nakitang wala na si Ken pero agad ko ding narinig ang tawa nito.

"Yung totoo? Embotido o Hotdog?" natatawang tanong at pangaasar ni Zach.

Naka tayo ang mga ito sa gilid ng mesa na may maraming pagkain. Pati ba naman pagkain napagtripan din!.

"Tanga! Hotdog malamang!" inis na sabi ni Kervy.

"Eh Parang uling na sa itim yan eh!" pangaasar ni Zach.

"Gago! Eh yan ngang sayo! Maputla!" balik na pangaasar ni Kervy.

"Mama!" Tawag sa akin ni Ken na nakaupo sa Baby Chair niya habang may hawak na biscuit.

"Good morning, Grace /Good morning, Babe" sabay nilang sabi.

Agad kumunot ang noo ni Kervy. "Anong Babe!? Ano si Grace, Baboy!?"

"Inggit ka lang!" pangaasar ni Zach

Sa kanilang dalawa ay mas higit na jolly si Zach dahil si Kervy ay may pagkaseryoso talaga pero napapangiti ako pagnakikita ko siyang nakikipagkulitan at sabayan din kay Zach.

"Let's eat, Grace" nakangiting sabi ni Kervy at hinila ako.

Nagulat ako sa pagbabago ng ekspresyon niya. Nang makaupo ako ay magkandahilo hilo na ako dahil sa sandamakmak na inilalagay nila sa plato ko. Napatingin ako kay Ken at nakatingin lang sa amin habang kumakin ng sa kanya.

"Tama na..." malumanay pero may pagbabantang Sabi ko. Agad naman silang tumigil.

"At kung pwede. Kung kakain kayo magsuot kayo ng damit" pinagpapawisang sabi ko dahil anak ng tokwa! Umagang umaga half naked silang dalawa!

Mabilis silang umalis na dalawa pero hindi pa din sila matigil sa bangayan. Habang wala sila ay itinuon ko lahat ng atensyon ko sa anak ko. Maganang magana itong kumakain.

"Asshole...Buti nga sa kanya" ngiting tagumpay na sabi ni Zach.

Napataas ang isang kilay ko. "Ano nanaman ang ginawa niyo..."

Ngumiting aso ito at umiling. Alam ko na ang mga galawang ganyan... Hay naku!

"I'm shocked. Nakikipagsabayan si Kervy sa akin" natatawang sabi ni Zach.

"What do you mean?"

"Sinusubukan ko lang ang kakayahan niya. Kung kaya ka na ba niyang alagaan at mahalin. Higit pa sa kaya ko..." sabi nitong nagpainit ng gilid ng mata ko. Sweet Zach.









(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now