Chapter 24

88.6K 2.2K 206
                                    

Nanuod muna ako ng tv sa may sala para umiwas sa pagkainip habang hinihintay ang pagdating ni Kervy. Ngayon niya ako susunduin para sa aming one week vacation kuno. Mas gusto ko pang pumasok sa office. Mas gusto ko pang makipagchismisan kila Joana.  

"Si Kuya Khurt po?" tanong ko sa isa sa aming kasambahay.   

"Ay... Naku Ma'm tulog pa po. Umalis po siya kagabi, Kaninang madaling araw na po umuwi at lasing pa" paliwanag nito.

Kaya dali dali akong umakyat at pumunta sa kwarto ni Kuya. Anong nangyari sa kanya? Hindi naman siya nag papakalasing ng ganoon ah! Hindi naka lock, kaya dirediretso akong pumasok sa loob, Nagulat ako sa nakita ko! May isang babaeng nakatayo sa gilid ng kama at nagbibihis, Ang gulo gulo ng kwarto parang may rambol kagabi.

"You must be, Grace" sabi nung maarteng babae na nagsusuot na ng kanyang heels ngayon. Nakatayo pa din ako sa pwesto ko at parang tuod. Hindi ako makapaniwalang kayang lokohin ni Kuya si Ate Jenny.

Naalarma ako ng lumabas si Kuya sa banyo ng nakatapis lang tuwalya.

"What the fuck, Grace! Anong ginagawa mo dito!?" sigaw niya.

Nakatulala pa din ako, Dali dali niyang kinuha ang wallet niya at binigyan ang babae ng pera. May sinabi pa siya dito na silang dalawa lang ang makakarinig. Agad namang lumabas ang babae. Nagsukatan lang kami ng tingin ni Kuya Khurt, walang gustong magsalita.

Sa huli siya na din ang bumitaw at naglakad sa kwarto niya na parang wala lang nangyari. Kumuha na din siya ng mga susuotin niya para pumunta sa office.

"Wala pa ba si Kervy?" tanong niya habang busy sa paghahanapng kung ano ano.

"K-kuya bakit?" nahihirapang tanong ko. "Paano si Ate Jenny? Diba ikakasal na kayo? Eh sino yon?" dugtong na tanong ko.

"Grace..." sabi niya tsaka lumapit sa akin at niyakap ako. 

"Hindi mo kasi naiintindihan...Nasasaktan ako, pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mali eh, maling mali" paliwanag niya habang lalong humihigpit ang yakap niya sa akin, kaya naman ginantihan ko din siya ng yakap pero, nagulat ako ng maalala kong half naked pa rin pala siya.

"K-kuya..." tawag ko sa kanya. Nagulat ako ng may mapansin akong bagay na tumutusok sa bandang puson ko.

"Fuck, Grace! Lumabas ka na" sabi ni Kuya sabay takbo papuntang banyo uli.

"Kung natatae ka! Sabihin mo lang, Hindi yung naninigaw ka! Hmp." sigaw ko sa kanya bago lumabas ng kwarto.

"Ma'm nasa sala na po si Sir Kervy" anunsyo ng aming kasambahay. 

"Ah, ok po" sagot ko.

Pagkababa ko nakita ko siyang nakaupo at kinakalikot yung phone ko.

Dali dali akong pumunta sa kanya at kinuha iyon, "Pakialamero ka talaga!" inis na sabi ko.

"Good morning din" sagot niya, nangaasar nanaman.

Agad akong tumabi sa kanya. "Bakit nakabusangot ka?" tanong niya sabay halik sa noo ko. Agad naman niya akong pinahiga sa dibdib niya.

"Si Kuya..." magsasalita pa lang sana ako ng biglang sumulpot si Daddy.

"Good morning po, Tito" sabi ni Kervy tsaka kami umayos ng upo.

"Good morning, Daddy" sabi ko sabay halik sa kanya sa pisngi.

"Napagpaalam na kayo ni Khurt sa akin, Magingat kayo doon ha! Kervy ingatan mo ang Grace ko" sabi ni Daddy.

"I will, Tito" sagot naman niya.

"How's your Mom?" tanong ni Daddy dito.

Ang pagkakaalam ko nasa states ang Mommy ni Kervy. Hinihintay ko din ang sagot niya, pero tumingin muna siya sa akin bago ulit kay Daddy.

"She's still in coma" malumanay na sabi niya.

"Wag tayong mawalan ng pagasa, gagaling din sila" sagot ni Daddy.

"Sino pong sila..." Hindi na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Kuya.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Baka gabihin kayo sa daan" sabi niya.

"Oo nga naman, Sige na at umalis na kayo, Magingat kayo" sabi ni Daddy.

"Tinataboy niyo na ba ako? Bakit ata atat na atat kayong umalis ako kasama ang Kervy na to!?" pagmamaktol ko.

"Because I trust him, Baby" natatawang sabi ni Daddy.

Nagpout lang ako sa kanya, at bumaling ng tingin kay Kuya. "Oh ano!? nailabas mo na ba!?" tanong ko sa kanya.

"Tsk, Shut up baby" sabi niya.

Tahimik lang kaming sa loob ng sasakyan ni kervy.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Bulacan" tipid na sagot niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Paula, Natural magbabakasyon" sabi niya.

"Eh bakit one week? Paano ang kasal ni Luke? Edi hindi tayo makakaAttend?" tanong ko ulit, pasensya na makulit eh.

Pero hindi siya umiik, Ano bang nangyayari dito? "Alam ba niya to?" sabi ko.

"At bakit naman niya kailangang malaman?" seryosong sabi niya.

"Hindi ko alam pero... Ewan? Simula kasi nung kinausap niya ako, parang feeling ko, ang gaan gaan ng loob niya sa akin, Feeling ko nga ako yung babaeng nasa riddle niya eh" natatawang sabi ko.

Nagulat ako ng bigla siyang prumeno. "Anak ng tokwa! Bakit!?" sigaw na tanong ko.

"Anong riddle pinagsasabi mo diyan?" tanong niya.

"Nainlove siya sa bestfriend ng bestfriend niya" sagot ko.

"Fuck shit!" sabi niya tsaka pinaandar ulit yung sasakyan, sus! Nahirapan din siguro siya sa pagsagot nung riddle, Bahala siya diyan.

Luke's Pov

"Bullshit!" sigaw ko sabay bato ng phone ko. Ano nanaman ba ang balak niya? Bakit kailangan pang ilayo si Grace?

Nahinto ako ng biglang tumunog yung intercom.

"Sir... Mr. Zach Andrew alonzo wants to meet you" sabi nung secretary ko.

"L-let him in" 

Natulala ako sa taong pumasok sa pintuan ng office ko,nakangisi kaagad siya sa akin.

"Long time no see, Luke" sabi nito.

"Z-zach..."









(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz