Chapter 29

84.4K 2.1K 25
                                    

Kanina ko pa gustong bumangon pero hindi ko magawa. Kahit pagdilat ng mga mata ko ay sobrang nahihirapan ako. Damn Hangover! Sinubukan kong gumalaw pero agad akong napangiwi ng may maramdaman ako sa may bandang gitna na ko. Mahapdi.  Agad akong napadilat ng nakapa kong naka kumot lamang ako. Sabay ng pagdilat ko ang biglaan kong pagupo at paglabas ni Kervy sa banyo na half naked habang tumutulo pa ang tubig sa buong katawan niya.

"Damn you, Vera Cruz! Pinagsamantalahan mo ako!" sigaw ko sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay kaagad akong tumakbo papunta sa aking kwarto kahit medyo hirap ako dahil sa hapding nararamdaman sa aking gitna. 

Kakatapos ko lang maligo. Nagsusuklay at nagpapatuyo ako ng buhok ng pumasok ang walang hiyang si Kervy.

"Tara na sa balcony, Paula. Nagpahanda na ako ng almusal" sabi niya sabay lapit sa akin para tulungan akong tumayo.

Agad ko namang  tinabig ang kamay niya."Don't touch me!" sabi ko sabay irap at nauna pa sa kanyang lumabas. Pinilit kong maglakad ng maayos kahit medyo uneasy pa talaga.

"Mukhang hindi naman na masakit, Tara at ulitin natin!" pangaasar niya, sabay halakhak.

Agad akong tumayo at sinapak siya, dahilan kung bakit tumigil siya sa pagtawa."Fuck..." Mahinang sabi niya habang iniida ang sakit.

Magkaharap kami ngayong nakatayo sa gilid ng lamesa. Nagsukatan lang kami ng tingin. Siya ang unang bumitiw at tumingin sa malayo.

"Pinagsamantalahan mo yung kalasingan ko!" akusa ko sa kanya.

Umigting ang kanyang panga. "Lasing din ako kagabi" sabi niya.

Sa huli ay napabuntong hininga na lang siya. "Kumain na tayo, Paula..." sabi nito sabay alalay sa akin paupo.

Tahimik lang akong pinaglalaruan ang pagkain sa pinggan ko. Damn, Grace! Napaka easy to get mo! Hindi mo boyfriend! At higit sa lahat bestfriend mo pa! Si Kervy pa!

Wala akong ginawa kundi ang bumuntong hininga.

"Wag kang masyadong magisip, Paula. Hindi naman kita pababayaan, Alam ko ang ginawa ko" sabi nito sa akin.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto, naabutan ko ang isang kasambahay na nagliligpit sa kwarto ko. Kinukuha niya na ngayon ang bed sheet na may dugo, Palabas na siya ng agad siyang napatingin sa akin. Namula ang pisngi ko sa hiya. Hindi na siya bata, alam niya kung ano ang ibig sabihin non, Pero hindi nakaligtas ang pagngiwi niya sa akin.

Tahimik kong kinalikot ang aking phone, kahit ang totoo ay wala naman talaga akong ginagawa don.

"Uuwi na tayo bukas...Mamasyal muna tayo" Yaya ni Kervy sa akin.

Naglalakad kami sa hacienda nila, Kada salubong sa kanya ay puro pagbati ang natatanggap nito, Kung makangiti naman ang damuhong ito, akala mo naman tumatakbo sa elekyon.

"Saan ba tayo pupunta?" walang ganang tanong ko na may halong pagkairita.

"Mood swing? Buntis ka na agad?" tanong niya sabay halakhak.

"Bwiset!" sigaw ko sa kanya. Tsaka nagmartsa palayo.

Naglakad ako ng may natanaw akong maliit na water falls. Medyo liblib na ito, kung baga dulo na ng hacienda nila Kervy. Maliit lang ang waterfall pero malaki at malawak ang tubig.

"You found it" sabi ng damuho sa likod ko, Agad ko siyang nilingon at inirapan.

Hinigit naman niya ang braso ko at kinaladkad kung saan.

"Let me go" sabi ko.

Nginisian niya lang ako hanggang sa matanaw ko ang kubo. May mga prutas at pagkain don. Ang mga iyon ay mukhang bagong harvest pa lahat.  

"Kumain ka ng kumain ng prutas, Paula. Para naman maging malusog ka at ang bulate sa tiyan mo" natatawang sabi niya.

"Gago ka Kervy! Kanina mo pa ako iniinis ha!" sigaw ko,

Pero agad natikom ang bibig ko ng hubarin niya ang kanyang tshirt. Dahan dahan siyang lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo?" sigaw ko, pero patuloy pa din siyang lumalapit habang nakatitig sa akin.

"Kervy!" sigaw ko sa kanya.

Nang nagkalapit na ng sobra ang mukha namin ay agad siyang ngumisi, Kinuha niya ang kamay ko at nilagay duon ang hinubad niyang Tshirt

"Tsk, Napaghahalataan ka Baby!" nakangising sabi niya habang umiiling. At halatang nagpipigil ng tawa.

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya, pero inangat niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. "Bakit nahihiya ka pa sa Boyfriend mo? Eh nakita mo na nga lahat" Nakangiting sabi niya.

"A...Anong Boyfriend?" tanong ko.

"Ako... Boyfriend mo ako, At Girlfriend kita!" Nakataas ang kilay na sabi niya na para bang ng sinabi niya iyon ay walang makapagbabago.

"B-bakit?" tanong ko.

"Anong bakit?..." nagtatakang tanong niya.

"We did it last night, Paula. We made love, Tapos tatanungin mo ako kung bakit tayo na?" nakapamayweng na tanong niya.   

Ngumisi siya ulit, natuwa nanaman siya dahil sa pagkabato ko. "Bakit hindi magiging tayo? Ano yon landiian lang?" natatawang tanong niya.







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now