Chapter 26

88.2K 2.2K 189
                                    

Grace Pov

"Yung totoo!? Nagpunta ba talaga tayo dito para magbakasyon!? o para ikulong ako dito sa loob ng bahay habang ikaw busy diyan sa harap ng laptop mo?" bulyaw ko kay Kervy. Aba! 2 days na kaming nandito ni hindi man lang kami namamasyal, nakakabagot din kaya!

"Later, Paula" maiksi at walang kaemo-emosyong sagot niya na lalong nagpakulo sa dugo ko!

"Bwiset! magpakalunod ka diyan ha!" sabi ko sabay walkout.

Lumabas ako sa may balcony ng bahay na tinutuluyan namin, maganda itong bahay, medyo luma pero hindi luma na parang pinabayaan, para bang vintage.Mula doon ay natanaw ko ang anak ng hardinero nilang si Carlo, Tatay niya si Mang karding na care taker ng bahay. Naging mabait sila sa akin kahit first time ko pa lang silang na meet. Base sa mga kwento sa akin ni Kuya bata palang kami ni Kervy, Best friends na daw kami, pero bakit parang ang dami kong hindi alam sa kanya!?

Agad akong bumaba para panuorin si Carlo, Inaayos niya ang mga orchids sa may garden.

"Hi" bati ko sa kanya

"Ma'm Grace" 

"Tsk... Ano ka ba! Grace na lang, Mag kasing tanda lang naman tayo eh!" suway ko.    

"Pero po..."

"Hay naku! Basta Grace na lang!" natatawang sabi ko.

"May kailangan po ba kayo?" sabi niya.

Umiling  lang ako. "Gusto ko sanang mamasyal, Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko.

"Pero si Sir Kervy po..."

"Yung bwiset na yon!? Naku nagpapakalunod na! Sige na please! Akong bahala sayo!" pagmamakaawa ko.

"Kayo pong bahala, Saan niyo po ba gustong pumunta?"

Nilibot ako ni Carlo sa hacienda nila Kervy. Ang lawak nito, Meron silang mga puno ng mangga at iba pa. May fish pond, May mga kabayo, at iba't ibang hayop. Si Kervy na lang ang kulang. 

"Gusto niyo po bang kumain ng mangga? matatamis po ang mga mangga dito, Siguradong magugustuhan niyo" sabi sa akin ni Carlo.

"Sige!" masayang sabi ko.

"Sige po hintayin niyo na lang po ako duon sa may ilalim ng puno" turo niya sa akin. May parang picnic table duon sa ilalim ng punong sinasabi niya, malapit iyon sa fish pond.

"Ang Ganda ganda dito" sabi ko habang pinagmamasdan ang kapaligiran, Pero may nakakuha ng pansin ko.

Kervy ♡ Rh***

Za** ♡ Grace

Mga katagang nakaukit sa may puno na nasa harap ko. Agad akong tumayo para puntahan ang puno, tsaka ko hinawakan ang pagkakaukit nung apat na pangalan, pero hindi ko mabasa yung dalawa dahil parang may taong gustong nagbura nito. Ilang beses kong sinubukang basahin ang mga pangalan ng biglang may nahulog na kung ano sa ulo ko.

"Ouch..." sabi ko sabay hawak sa may bandang noo ko.

"Mag ingat nga kayo!?" suway ni Carlo sa mga bantang nakatanaw mula sa taas ng puno,

"Tree house?" hindi ko ata napansin yan kanina.

"Pasensya na po kayo... " paumanhin ni Carlo.

"Ok lang ako... Teka, Matagal na ba yang tree house na yan?" tanong ko.

"Hindi niyo po naaalala!?" tanong niya.

"Ang alin?"

"Carlo!" tawag ni mang karding.

"Tay..."

"Magandang hapon po Mang Karding" bati ko.

"Magandang hapon din, Grace. Carlo ihatid mo n si Grace sa mansion. Siguradong nagaalala na Si Senyorito Kervy" sabi ni mang karding.

"Opo, Tay"

Nagpaalam na ako kay Mang Karding at naunang naglakad. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga sinabi niya kay Carlo sa likuran ko.

"Wala kang karapatang ipaalam sa kanya ang mga bagay na yan"

Hindi na lang ako umimik habang naglalakad kami, Pero patuloy pa ding gumugulo sa akin ang mga pangalang naka sulat doon sa may puno. Tsaka kanina parang gusto kong umakyat doon sa tree house, pero parang nagaalangan akong ewan, magsasalita sana ako para magtanong kay Carlo pero naalala ko nanaman yung sinabi sa kanya ni Mang Karding.

"Maraming salamat sa pagsama at paghatid sa akin" sabi ko

"Mukhang natututo na kayong magsalita ng malalim na tagalog" natatawang sabi niya.

"Pwede na ba!?" natatawang sabi ko.

"Konti pa!" sabi niya tsaka kami sabay na nagtawanan.

Nagpalam na si Carlo kaya naman pumasok na din ako sa bahay.

"Kahit kailan napaka tigas talaga ng ulo mo!" Seryosong bungad sa akin ni Kervy. "Anong oras na!?" dugtong na tanong niya. Eh baliw pala talaga ang isang ito! Siya tong nasa bahay! Kararating ko lang kaya!

Para wala ng gulo, Tumingin ako sa orasan ko at namilog ang mata ko ng makitang pasado alasnuwebe na pala, pero agad din akong nakabawi at hindi ipinahalata sa kanya.

"9:23" maiksing sagot ko.

"Kanina pa kita hinihintay dito!" sigaw niya.

"Eh kase naman eh! naiinip na ako dito" sabi ko.

"Putangina! Ang sabi ko kasi maghintay!" Sigaw niya. Napayuko na lang ako... "Kung Nagugutom ka kumain ka na lang doon sa may balcony!" sabi nito tsaka umakyat sa kwarto tsaka binalibag ang pinto.

"Baliw talaga! kakain sa balcony!? Anong kakainin ko don gamo gamo!?" sabi ko sa sarili ko.

Agad akong umakyat ng hagdan para magpahinga na ng biglang mahagip ng mata ko ang settings sa may balcony. May mga nagkalat na roses, may table, Dalawang upuan at may nalusaw na kandila sa may gitna.

Candle light dinner? At kailan pa nagkaroon ng sweetness sa katawan ang lalaking ito!?

Pakatok na sana ako sa may pintuan niya ng biglang lumabas ito ng half naked habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang basang buhok.

"Kamusta naman ang date niyo ni Carlo?" seryosong tanong niya. Ito nanaman po kami!






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon