Chapter 11

114K 2.7K 106
                                    

Grace Pov

Maaga akong nagising, actually hindi ako nagising kasi hindi naman ako nakatulog kakaisip sa Rhia na yon. Kaya dahil maaga pa, naabutan ko yung mga kasambahay naming nagluluto pa lang ng almusal.

"Ya, Pwede makahingi ng kape" sabi ko. Sabay upo sa bar counter ng kitchen namin.

"Sige, Ma'm" sabi naman niya, habang hinihintay ko yung kape. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa.

"Aga nagising ng little sister ko ah!" sabi ni Kuya sabay halik sa ulo ko.

"Good morning, Kuya!" sabi ko. Habang pinipilit maging masigla.

"Good morning, Maaga ka ba talaga nagising o hindi ka nakatulog!?" tanong niya sabay upo sa tabi ko.

Nagpout langa ko. "Ate kape din ako, Please!" sabi niya kay yaya. "Baby! May problema ba? Sabihin mo kay Kuya" pagaalo niya sa akin, Umiling lang ako. "Alam kong meron kaya sabihin mo! Alam mo namang hindi kita titigilan diba?" sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako, "Kuyan may kilala ka bang Rhia?" tanong ko. Pero bigla naman niyang naibuga yung kape niya sa akin! Bastos!

Khurt's Pov

"Kuya may kilala ka bang Rhia?" biglang tanong niya sa akin, agad ko namang nabuga yung kape sa mukha niya, buti na lang at matagal ng nakababad sa bibig ko kaya hindi na gaanong mainit.

"Kadiri ka, Kuya!" sigaw niya, sabay martsa papunta sa kwarto niya.

"Sorry, Sis!" sigaw ko, pero malakas na pagsara ng pinto ang isinagot niya sa akin.

Nasa office na ako ngayon pero hindi ako mapakali, agad kong tinawagan yung secretary ni Kervy.

"Hello! Can I speak to Kervy, Please?" tanong ko. Pero sabi naman ng Secretary niya, Absent daw. No choice kaya pupuntahan ko na lang siya sa condo niya.

Nasa harap na ako ng pintuan ng condo niya, kanina pa ako nagdodoorbell pero hindi pa rin niya binubuksan. Malipas ang ilang doorbell bumukas na.

"Kuya Khurt! What brought you here?" tanong niya.

"I want to talk to you." seryosong sabi ko, atsaka pumasok sa unit niya.

Grace Pov

Kanina pa ako hindi mapakali dito. Hindi ko alam kung bakit, Ang kervy kanina pa tahimik, Himala hindi ako ginugulo ngayon.

"Girl!" tawag sa akin ni Joana sabay nguso sa may glass window. paglingon ko... Sus! Kala ko si Kervy si Harvey lang pala.

"Masyadong mahaba ang buhok mo girl!" pangaasar niya sa akin.

Lumapit naman ako kay Harvey.

"Ano nanaman ba?" iritadong tanong ko.

"Pwede ba kitang yayaing mag dinner mamaya?" tanong niya.

"Sorry, pero uuwi kasi yung parents ko galing states, may Family dinner kami mamaya" pagpapaliwanag ko, Niremind kasi ako ni Kuya kanina eh.

"Ah ganoon ba? Maybe next time?" tanong niya.

"Uhm...I can't promise but i'll try" sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi, magrereact pa sana ako, pero may biglang humugot sa buhok ko at winagayway pa iyon.

"Siya ba ha? Siya ba Harvey," tanong nung babae.

"Shit! Bitiwan mo ako!" sigaw ko, agad namang tumulong yung mga kasamahan ko na pinangungunahan ni Joana. Pero may mga alipores din yung maldita kaya nagkagulo na talaga lahat, agad namang dumating yung mga security guard.

Nung matanggal na yung kamay niya sa buhok ko. "Hah!" tawa ko.

"Bukas wala ka ng trabaho!" sigaw ko. tsaka balik sa mesa.

Naku po patay nanaman ako kay Kervy nito pagnalaman niya.

"Grace sorry!" pagpapaumanhin ni Harvey.

"Just shut the fuck up and get lost!" sigaw ko, habang hinihimas yung anit ko. Bwiset!

"Ok ka lang ba girl?" tanong sa akin ni Joana.

Ngumiti lang ako ng mapakla, pero nahabag ako ng makitang may mga kalmot din siya. "Sorry!" paumanhin ko.

 "Tsk.. Wala yun! ikaw pa! malakas ka sa akin eh, tsaka malayo to sa bituka kaya ok lang. Ang paghandaan natin ngayon ay yung sermon ni Ms. Perez at ng Bestfriend mo" sabi naman niya sa akin, napasapo naman ako sa noo ko.

Pinatawag kaming lahat conference room, Syempre ang diniin naming lahat eh yung babae, pero syempre hindi pa rin kami nakaligtas, ang paghahandaan ko naman ngayon eh si Kervy.  

Ilang oras na lang uwian na pero wala pa rin akong natatanggap na patawag galing sa taas, aba himala! Baka busy sa babae niya. palabas na ako ng building ng tumawag si Kuya.

"Ano!? Sige Kuya pupuntahan ko" sabi ko naman at agad agad at sumakay ng taxi. Wala akong sasakyan, ayaw nila akong padalhin di ko alam kung bakit.

Tumawag si Kuya may sakit daw si Kervy kaya pala hindi nagpaparamdam buong araw, absent pala ang mokong. Tsk. lakas pa man din ng ulan!

Pagdating ko sa condo niya, walang sabi sabi at binuksan ko agad. Binigyan niya ako ng susi sa condo niya hindi ko alam kung bakit, pero ngayon ko lang to gagamitin, ngayon lang naman ako dadalaw ng walang pasabi eh.

Nakita ko siyang nakahandusay sa sofa niya at nanunuod ng Tv.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ni Kuya Khurt?" tanong niya. Tumango lang ako at umupo sa tabi niya.

Sinapo ko yung noo niya. "Tsk... wala ka namang lagnat eh!" sabi ko.

"Sino bang nagsabing lagnat! Hangover!" sagot niya.

"Inom ng inom, hindi naman pala kaya!" sabi ko.

"Kaya ko! Nabigla lang, matagal na kasi akong natigil" iritadong sabi niya.

"Sus!" pangaasar ko.

 "Ahh!!" sigaw ko, bigla kasing nawalan ng kuryente. "Psst! Manahimik ka na nga lang! lalo nanamang sumasakit yung tenga ko sa bunganga mo eh!" iritadong sabi niya.

Takot ako sa dilim, takot na takot, kaya naman hindi na ako nakasagot sa kanya. Nanigas ako sa kinauupuan ko, kasabay ng pag-agos ng luha ko. Hindi ko alam pero biglang sumikip yung dibdib ko dahil sa dilim ng paligid. Hindi ko namalayang yakap yakap ko na pala yung tuhod ko habang humihikbi.

"Shit! Paula!?" sigaw ni Kervy, bigla ko namang naramdamang yumakap siya sa akin.

"Shh, andito ako! Wag ka ng umiyak hindi kita iiwan." pagaalala niya.

"Na-Natatakot ako" paghikbi ko sa kanya.

"Don't worry hindi kita iiwan" sabi niya sa akin, habang yakap pa din ako.

"Thanks..." humihikbing sagot ko.

Tumango lang siya at mas lalong hinigpitan yung yakap sa akin.

"I love you, Kervy"






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now