Chapter 36 (Flashback)

82.9K 2.4K 87
                                    

"Wala ka bang Ibang kaibigan, Ate?" tanong ni Grace.

"Ikaw ang gusto ko, Grace" inis na sabi ni Rhia. "Bakit? Ayaw mo bang maging Brides maid ko?" nakangiting tanong ni Rhia na may halong pangaasar.

"Hindi naman sa ganon..." nakayukong sagot na lang ni Grace.

"Ako Rhia? Ayaw mo bang ako ang maging groom mo?" pangaasar ko din sa kanya.

"Will you shut up! and leave! hindi ka kailangan dito!" inis na sabi niya sa akin.

"Aalis na ako..." paalam ni Grace.

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Tumawag yung Mommy ni Kervy, Magkikita lang kami" sagot niya.

"Alright Sister! Enjoyin mo na! kasi pagkatapos ng kasal kaming dalawa na ang palaging magbo-bonding" sabi ni Rhia.

"Ihahatid na kita" sabi ko sa kanya at hindi pinansin ang Ate niya.

"Ikaw ang bahala" sabi nito at nauna ng lumabas.

"Magsama kayong dalawang bwiset" inis na bulong ni Rhia.

Napangisi ako at napailing. "Hanep! hindi ko kayang sikmurain yang ugali mo! Sarap na sarap ka nung ginagawa natin yan!" turo ko sa sinapupunan niya 

"Tapos sa iba mo ipapaako! Galing!" sarcastic kong sabi.

"Hindi matutuloy ang kasal Rhia...Hindi matutuloy" sabi ko at agad nagmartsa paalis.

Agad kong narinig ang sigaw niya.

"Saan ba kayo magkikita?" tanong ko kay Grace.

"Sa may resort nila" sagot nito.

"Ok sasama na ako, I need to talk to you and Tita" sabi ko.

Mabilis kaming nakarating sa isa sa mga resort nila.

"Good afternoon, Tita" salubong ni Grace.

"Namiss kita, Hija" sabi ni Tita at mahigpit na niyakap si Grace.

"Oh Zach, Buti naman at nandito ka. Sabayan mo na kaming magmirienda" yaya sa akin ni Tita.

Agad kaming tumungo sa may garden.

"Akala ko pag ikakasal na ang Unico Hijo ko magiging napakaExcited ko" basag ni Tita sa katahimikan.

"Tita..." malungkot na tawag ni Grace.

"I'm always after you, Grace. I want you for Kervy" lumuluhang sabi ni Tita.

"Tita...Kailangan po nating tanggapin ang sitwasyon. Ikakasal na po sila ni Ate" sagot ni Grace.

Agad namayani ang katahimikan sa aming tatlo.

"Wag niyo pong ituloy ang kasal." basag ko dito

"Zach..." tawag ni Grace sa akin.

"Bakit? Zach?" naguguluhang tanong ni Tita.

"Yung bata. Akin yon, Ako ang nakabuntis kay Rhia at hindi si Kervy. Akin yon, Tita" tuloy tuloy na sabi ko.

"Huh!?" gulat na tanong ni Grace na napatakip ng bibig.

"Totoo ba yan?" determinadong tanong ni Tita

"Opo." seryosong sagot ko.

Nagulat ako sa pagtayo ni Grace.

"Kakausapin ko si Kervy" natatarantang sabi niya.

"Sasama ako sayo Hija" sabi ni Tita.

Agad silang naglakad palayo. Samantalang nabato ako sa aking kinauupuan, Tama ang ginawa ko. Para sa lahat ito.

Pero napatayo ako ng nakitang umalis na ang dalawa dala ang kotse ko. Agad akong nagpahatid sa service ng Resort. Naabutan ko ang sasakyan sa labas ng bahay nila Grace.

"Tita Please! Kay Kervy Ito!" umiiyak na sabi ni Rhia.

"Ate tumigil ka na!" sigaw ni Grace dito.

"No! You shut up! Akin si Kervy!" sigaw pabalik ni Rhia.

Pero agad siyang nakatanggap ng sampal mula kay Tita. "Si Grace lang ang gusto ko para sa anak ko" madiing sabi nito.

"Tara Grace, Puntahan na natin si Kervy." yaya ni Tita dito.

Agad silang nagmartsa palabas at sumakay ng kotse.

"Please, Tita wag!" paghabol ni Rhia, Tsaka din siya sumakay ng kotse niya.

(End of FlashBack)

Grace Pov

"Hindi ako nakasunod nuon dahil wala akong dalang sasakyan. Nagulat na lang ako ng bigla akong makarinig ng banggaan at ayun na. Na coma si Tita at Rhia, pati ang bata nawala. At ikaw..." patuloy na kwento ni Zach sa akin.

"Ano?" umiiyak na tanong ko.

"Nagka Amnesia ka" sagot nito.

Umiling lang ako. "Pero bakit...Anong nangyari? " naguguluhang tanong ko.

"Galit si Kervy sayo, Galit na galit" sabi nito sa akin.

"Pero mahal niya ako" umiiyak na sabi ko.

Umiling ito at binigyan lang ako ng malungkot na ngiti. "Everything was just an act" sabi nito.

 "Lahat ng ito ay kasali lang sa laro niya" dugtong niya.

"A-anong laro?" naguguluhang tanong ko.

"Make you fall hard. Leave you and let you die in Pain" dahan dahan at madiing sabi nito na gumuguhit sa puso ko.

"Anong gagawin ko?" tanong ko at napahagulgol.

Agad niya akong nilapitan at niyakap. "Babaliktarin natin Grace. Siya ang paglalaruan natin sa laro natin. Laro natin Grace" madiing sabi niya.







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant