Chapter 39

92.6K 2.3K 97
                                    

Nakatulala lang ako sa loob ng taxi. Hindi pa din maalis sa isip ko kung ano ang nangyayari kay Kuya. Bakit niya ako hinalikan? Mahal niya ako? Eh magkapatid kami!

"The heck, Grace. Saan ka galing!" bungad na sigaw ni Zach sa akin.

"Ka...Kay Kuya" sagot ko.

"Muntik na akong mabaliw dahil sayo! Kala ko kung ano na yang pumasok sa isip mo! Kala ko kung ano ng nagawa mo sa bata!" tuloy na sabi nito sa akin.

"Huminahon ka nga!" suway ko sa kanya. Dagdag lang siya sa mga iniisip ko. Naguguluhan na ako.  

Sinamaan pa din niya ako ng tingin. 

"Wala namang nangyaring masama sa akin. Tsaka wag mong isiping may gagawin ako sa batang ito" sabi ko habang hawak ang Ttiyan ko.

"Tsaka... Kumuha na din ako ng gamit. Sasama na ako sayo" sabi ko na nagpamulat sa mata niya.

"Better" sabi nito at hinila ako papuntang dinning.

"Nagluto ako kumain ka na diyan. Magaayos lang ako ng mga bagahe" sabi nito at akmang aalis ng hinawakan ko siya sa braso.

"Hindi ako kumakain ng magisa, Malungkot" nakangusong sabi ko.

"K Fine!" sabi nito at umupo sa harapan ko.

"Thank you..." nakangiting sabi ko.

Nakatingin lang ako kay Zach habang nilalagay niya sa likod yung mga maleta namin. Ngayon na kasi kami pupunta sa probinsya. Sa pagkakaalam ko sa Iloilo city kami pupunta kaya kailangan pa naming sumakay ng eroplano.

"Mga ilang araw o linggo ba tayo dun?" tanong ko kay Zach habang pasakay na siya ng driver seat habang ako ay comportable na sa kinauupuan ko.

"Depende" maikling sagot nito.

"Anong depende!?" sigaw ko.

"Alam mo! Napakaingay ng bunganga mo!" sabi nito.

"Ewan ko sayo!" sabi ko sa kanya sabay irap.

Tahimik lang ang buong byahe namin, Pagkasakay ng eroplano ay sumama ang pakiramdam ko pero pinakalma naman ako ni Zach.

"Welcome to Iloilo city!" nakangiting sabi sa akin ni Zach.

"Inaantok na ako!" sabi ko.

"Hindi man lang pinansin ang greetings ko!" pagiinarte niya.

"Ano ba kasi! Eh inaantok nga ako!" sabi ko.

"Oo na! Oo na! Sungit nito!" sabi niya tsaka pumara ng Taxi.

Tumuloy kami sa bahay na binili niya dito. Wala daw ibang nakakaalam na nandito kami kundi Si Kuya khurt lang, Pati ang bahay na tutuluyan namin ay wala ding may alam.

"Bakit ba natin kailangang magtago? Nakapatay ka ba!?" tanong ko.

"Tumigil ka nga!" sabi nito, hirap na hirap siyang ayusin yung cabinet sa kwarto ko. Ayaw niya daw kasi akong maggagagalaw. Ayaw niya maistress yung baby.

"Puti Zach! Sa left!" sabi ko dahil hindi ko alam kung anong nakain ko at gusto kong ayusin yung damit ko according sa kulay.

"Napaka arte!" pagrereklamo niya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil siguradong magaaway lang kami at pagod na ako!

"Bakit nga Zach? Bakit kailangan nating lumayo don?"tanong ko habang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame.

"Darating na sila..." mahinang sabi nito.

"Ano!?" biglang tanong ko.

"Kailan!?" dugtong kong tanong.

"One of these days, I guess" parang wala lang na sabi nito.

"Bumalik na tayo! Hihintayin ko si Kervy! Maumbok na yung tiyan ko! pagnakita niya toh! Siguradong magbabago ang isip niya " tuloy tuloy na sabi ko.

"No, Grace" sabi ni Zach.

"Bakit!?" sigaw ko sa kanya, Dahil desperado na talaga akong makausap si Kervy ng masinsinan.

"Diba nga, sabi niya ipalaglag mo!"  balik na sigaw niya sa akin.

"At ano? Hahayaan mong balikan ka niya dahil lang sa isang responsibilidad? Magisip ka nga, Grace! Lalabas ka nanaman na mukhang desperada!" galit na paliwanag niya sa akin. 

Ilang araw kaming hindi nagpapansinan ni Zach, Pero ganoon pa din ang pagaalaga niya sa akin.

"May aayusin lang ako sa may city mamaya. Baka gabihin ako, Pag may gusto ka o gusto mong mamasyal tawagan mo lang ako, papadalhan kita ng pwede mong maging kasama" sabi nito sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot. Nang makaalis si Zach ay dali dali akong umalis. Nung isang araw ko pa talaga pinlano ang umuwi sa Manila. Ang dinig ko nung isang araw pa nakauwi sina Mommy at Daddy kasama si Ate Rhia at si Kervy. Agad akong sumakay ng taxi papunta sa airport. 45 mins. lang halos ang byahe pabalik sa Manila.

Pagkalabas ng airport ay agad akong sumakay ng taxi papunta sa bahay. Sa may kanto ng subdivision namin ako nagpababa, At siguradong sa mga oras na ito hinahanap na ako ni Zach.

Malapit na ako sa bahay ng matanaw kong may kahihinto lang na sasakyan sa tapat ng bahay namin. Sunod sunod na nagtuluan ang mga luha ko ng makita kung sino iyon.

"Kervy..." umiiyak na sabi ko. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya pero hindi ko magawa. Nanatili lang akong nakatanaw sa kanya.

Agad nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakaupo sa wheel chair sa may veranda namin. Nakatulala lang ito. Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Kervy ng makalapit na siya dito, hinalikan niya ito sa noo. Tsaka inilapag sa katabing lamesa ang bulaklak na dala niya.

"Hindi. Ang sakit..." umiiyak na sabi ko habang nakahawak sa aking dibdib.

Nabigla ako ng biglang may humigit ng braso ko at isinubsob ako sa kanyang dibdib. "Bakit ba napakatigas ng ulo mo!?" matigas na sabi ni Zach.

"Sinungalung siya... Napakasama niya!" umiiyak na sabi ko.






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now