Chapter 3

154K 4.2K 94
                                    

Natawa ako ng pagkabukas ng elevator ay mabilis na nagkalasan mula sa pagkukumpulan ang grupo nila Joana. nabigla siguro sa biglang pagbukas ng elevator. 

"Takot kayo no!? kala niyo si Kervy ano!?" sabi ko, sabay tawa.

"Ms. Sanchez! matuto kang gumalang! anong Kervy, Kervy? Call him Boss or Sir!" sigaw na sabi naman ng head namin kakapasok lang din niya. Si Ma'm Perez.

"Sorry Ma'm, Hindi na po mauulit" paumanhin ko naman. Napanguso na lang ako, Mas ok na ito kesa naman sabihin ko pa sa kanila ang totoong relasyon namin ni Kervy. Magbestfriends kami period. 

"Now! all of you, Go back to your work!" sabi naman niya sa amin, bago umalis.

"Anong problema non?" tanong ko naman kay Joana.

"Tsk... napagalitan ata sa meeting kanina, kaya ayun!" sagot niya sa akin.

Natapos ko na kanina yung mga pinapagawa nila sa akin, magaan lang kasi first day ko pa lang naman daw.  Kaya ito at nakatunganga na lang ako.

"Grace, pwede favor?" tanong sa akin ni Joana.

"Sige, ano ba yun?" tanong ko naman.

"Pa-photo copy naman nito oh, diretsuhin mo lang yan after ng 2 doors makikita mo na yung pantry then yung xerox machine. Ingat ka ha! maraming gwapings diyan baka hindi ka na makaalis sa sobrang hot nila. But marami din namang maldita, Beware! thanks" pananakot niya sa akin.

"Ah, ok" sabi ko naman. Maldita!? Duh! mas maldita ata ako. Tsaka gwapings? isa lang naman yung gwapo sa paningin ko eh, kaso mukhang malabong magustuhan niya din ako.

"Ako na Grace, hindi mo pa naman kabisado dito eh" sabi naman ni James.

"Hindi, ako na. Ok nga yun para malibot ko din ito" nakangiting sabi ko.

"Sure?" tanong niya, at tumango naman ako bilang sagot.

Habang naglalakad ako, nadaan ako sa isang glass wall nanaman. Tama nga si Joana ang daming gwapings! Nakatingin naman sila sa akin. Pero mukhang mamamatay na ako, yung mga babae dito kung makatingin papatayin ka talaga. Bale dalawang glass wall ang nadaanan ko bago ko makita yung pantry and xerox machine na katabi lang nito. Tapos pag diniretso mo naman may makikita kang double door, doon siguro sila nagmemeeting.

Nagulat ako ng may lumapit sa akin habang ginagamit ko yung xerox machine. 

"Hi Miss, bago ka dito?" tanong sa akin nung isang lalaki na nasa may pinto ng Pantry. Duh! ngayon niya lang ako nakita diba? ano sa tingin niya!?

Tumango lang ako bilang sagot, at hindi siya tinitingnan.

"Suplada naman ni Miss Ganda!" sabi naman nung isa pa niyang kasama, at dumungaw sa pintuan, Ibuhos ko kaya sa kanya yung Kapeng hawak niya!

Hamalukipkip ako, tumingin sa kanya, at tinaasan ng kilay.

Ngumisi naman siya "I'm sorry, i dont talk to stranger" mataray na sabi ko naman sa kanya, sakto namang tapos na yung ginagawa ko kaya magwawalk out na ako.

Pero hinabol niya ako. "I'm Harvey" paglalahad niya ng kamay. This time ako naman yung ngumisi, then tiningnan ko yung kamay niya, sabay iling.

 "Allergic ako sa Germs eh" flip my hair, then walk like a model.

"Haist" sigaw naman nung lalaki. Gwapo siya but hindi ko siya type, strategy ko yun para umiwas sila sa akin. I don't need them!

Habang naglalakad ako pabalik sakto namang bumukas yung elevator buti na lang at wala pa ako sa tapat noon, Iniluwa nun ang isang babaeng feeling maganda, you know what I mean.

Naglakad ako papunta sa kanya at ngayon magkatapat na kami sa mismong elevator door. Nagtitigan lang kami.

Agad namang tumakbo si Joana palapit sa amin "Kukuhanin ko muna to ha, go girl kaya mo yan!" pagmomotivate naman niya sa akin, ang loko kinuha lang yung mga papers.

"Ah Ma'm mawalang galang na po, Kailangan ko na po bang magligpit ng gamit ko? Am I fired?" malumanay na tanong ko, syempre yung mapangasar!

"You're really getting into my nerves you idiot!" sigaw naman niya sa akin.

"I told you, Ma'm. You don't know me," sabi ko naman.

Nainis nanaman siya "Sino ka ba talaga ha! kung makaasta ka kala mo girlfriend ka ng may ari nito ah. Or else ano? kala mo kaibigan ka? ano Bestfriend? Kilala ko ang Ceo niyo dito mas kilala ko pa sa kahit na sino sa inyo!" sigaw na sabi naman niya sa akin.

I smirked.  "Then, try me" mapangasar na sabi ko sa kanya.

"You son of a..."  sigaw niya at tangkang sasampalin ako ng tumunog at bumukas ang pinto ng elevator. 

"Slapped her or  i'll kill you?" Si Kervy. 






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now