Chapter 48

100K 2.3K 89
                                    

Dahil sa mga kabaliwang pinagsasabi ni Kervy ay agad kong isinara ang pinto. Bahala siya sa buhay niya, Nababaliw na ata talaga ang lalaking Iyon!

Tawa ako ng tawa habang nanunuod kami ng Barney. Sinasabayan kasi ni Ken ang kanta nito. 

"Ang galing ng Baby ko kumanta ah!" pangaasar ko dito at tsaka kiniliti siya.

Tawa kami ng tawang dalawa ng biglang kumidlat. "Mama" natatakot na tawag nito sa akin.

"Natatakot ang baby ko..." nakangusong sabi ko tsaka ito niyakap.

"Wow! Ang daming kain ah!" masayang sabi ko habang sinusubuan si Ken ng kanin na may mainit na sabaw ng sinigang.

"Sarap..." pambobola nito na ikinatawa ko at naging dahilan para kurutin ang mapulang pisngi nito.

Ang lakas ng ulan sa labas kaya ang sarap kumain ng maiinit na sabaw. Pagkatapos pakainin ay pinunasan ko na ito at pinalitan ng damit. Padilim na din kasi sa labas. Nanunuod kami ng cartoons ng biglang nagring ang phone ko.

"Hello..."

"Grace...Kanina pa kasi namin nakita yung lalaki sa labas ng bahay niyo, actually basang basa na nga siya ngayon ng ulan. Ayos lang ba kayo diyan? baka kasi masamang tao iyon" Nagaalalang sabi ng kapitbahay namin.

Agad nanlaki ang mata ko ng maalala ko si Kervy. "Ahh...Sige thank you" paalam ko dito.

Agad akong kumuha ng payong at lumabas ng bahay, Nabutan ko si Kervy na basang basa na ng ulan, Nanginginig at namumutla na rin ito.

"Ano bang problema mo!?" inis na sabi ko ng pinayungan ko ito.

"Hindi ako aalis dito, Grace." matigas na sabi nito kahit nanginginig na.

"Pumasok ka na nga lang sa loob!" inis pero nagaalalang sabi ko.

Pagkapasok sa loob ay agad ko itong binigyan ng tuwalya. Nakita ko rin si Ken na namumula na sa kakaiyak kaya naman agad akong tumakbo papunta dito.

"Ah...Sorry Baby!" pagaalo ko dito dahil bigla ko nga pala siyang naiwan kanina.

"Mama! Sama..." umiiyak na sabi nito.

"Hindi na aalis si Mama, Ok?" pagaalo ko at niyakap siya ng mahigpit.

Nilingon ko si Kervy at lalong napahigpit ang hawak ko kay Ken ng nakitang sa harapan pa namin mismo nito hinubad ang pangitaas niya kaya tumambad ang abs niya. Napuna ko ring mas gumanda ang katawan nito kaysa nuon.

"Kung hindi ko lang alam na galit ka sa akin, Iisipin ko ng pinagnanasahan mo ako" pangaasar nito pero anduon pa din ang bahid ng panginginig at panghihina niya.

"Shut up, Kervy! Baka gusto mong mapalabas dito sa bahay ko!" inis na sabi ko dahil ramdam ko na ang paginit ng pisngi ko.

Nang tumahan na si Ken ay nagpumiglas ito at bumaba na din, Dumiretso ito sa center table kung nasaan ang mga laruan niya. Nang makita kong ayos na ang anak ko ay pumanhik ako sa itaas at kumuha ng pajama at tshirt ni Zach para ipasuot kay Kervy.

"Ito...Isuot mo muna" naiilang na sabi ko dahil nakahubad pa din siya.

"Kanino yan?" matigas niyang tanong.

"Kay Zach, Natural!" pagsusuplada ko.

"Ayoko isuot yan!" pagmamatigas pa din niya.

"Hindi ka ba giniginaw! Isuot mo na ito! Ayoko ng may bold star dito sa bahay ko!" bulyaw ko sa kanya.

"Ano namang problema mo kung nakahubad ako!? Nakita mo naman na ito ah!?" giit niya.

"Bahala ka sa buhay mo! mamatay ka sa lamig!" inis na sabi ko at tinalikuran siya.

Pero hindi ko siya matiis kaya nagpumilit ako. "Kahit itong pajama lang! please!" pagmamakaawa ko.

Hinablot niya iyon sa akin. Lumaki ang mata ko ng Isa isa niyang hinubad ang pangibaba niya. "A...anong Ginagawa mo!?" tanong ko.

"Naghuhubad malamang...Nakakita ka lang ng macho, Wala ka ng alam?" pangaasar niya.

"May banyo Kervy!" bulyaw ko.

"Bakit? nung naghuhubad pa tayong dalawa nun sa banyo? diba sa kama?" patuloy na pangaasar niya habang seryoso.

Dahil sa sobrang inis ay napapadyak pa ako. Gago talaga ang Vera Cruz na iyon.

Pero nagulat ako ng tumatawa si Ken na nakatingin sa amin. Agad nanlaki ang mata ko at uminit ang ulo ko. "Tingnan mo nga! kung ano ano ang natututunan ng anak mo sayo!" sabi ko.

Lumiwanag ang mukha nito, Huli na din ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at ihinanda ang mesa para makakain siya, Ininit ko na din ang sabaw. Pagkatapos niyang kumain ay kinuha ko na si Ken para matulog na kami. Paakyat na ako ng napansin kong sumusunod si kervy.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Matutulog na..." sagot nito.

"Diyan ka sa sofa...Hintayin mo ako bababaan kita ng unan at kumot" sabi ko tsaka iniwan siya.

Inilapag ko si Ken sa kama niya, May Harang ang ito kaya kahit anong likot niya ay hindi siya mahuhulog. Kumuha ako ng extrang unan at kumot sa may cabinet at ihinatid kay Kervy. Naabutan ko itong nakapikit na nakasandal sa may sofa.

"Kervy, Ito na yung unan mo" sabi ko pero hindi ito sumasagot.

"Kervy..." tawag ko sa kanya dahil naiilang pa din ako dahil wala siyang pangitaas tanging Pajama lang na grey ni Zach ang suot niya.

"Uhm..." umungol ito at kumunot ang noo.

Inilagay ko ang palad ko sa noo niya at nalamang mainit ito. "Nilalagnat ka..." sabi ko sa kanya.

"Duon ka na lang sa kwarto..." sabi ko at hinila ang kamay niya. Inalalayan ko siya papunta sa kwarto at ihiniga sa kama. Kumuha ako ng bimpo at palanggana para punasan siya.

"Isuot mo na kasi Itong Tshirt ni Zach...Giginawin ka niya eh!" sabi ko.

"Ayoko" matigas pa ding tanggi niya, habang nakapikit.

"Anong bang problema mo dito sa damit ni Zach? Minsan nga sinusuot ko din ito eh!" kwento ko. Agad nitong iminulat ang mata niya at nakita kong namumula ito.

"Naku po Kervy! namumula na ang mata mo...Mataas siguro ang lagnat mo" nagaalalang sabi ko.

"Masakit ba ang ulo mo? Anong masakit? Sabihin mo" pagpupumilit ko.

"Ang sakit ng puso ko...Sa sobrang sakit hindi na ako makahinga" sabi niya habang nakatitig sa akin.







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now