Chapter 13

98.5K 2.6K 105
                                    

Nagulat siya at tumingin sa akin. "What about last night?" seryosong tanong niya.

  "Uhm...nothing"  Alanagning sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa. Mabilis akong tumalikod at kaagad na lumabas sa kanyang office. 

Napasapo na lang ako sa aking noo habang nasa loob ng elevator. naduduwag talaga ako sa tuwing kaharap si Kervy.  

Kaagad akong sinalubong ni Joana "Girl may babaeng pumunta dito hinahanap ka" 

Luminga linga ako "Ha? Sino?" tanong ko.

"Ito, pumunta ka na lang daw diyan after ng work" sabi ni Joana sabay abot nung papel.

"Hindi ba nagpakilala?" tanong ko.

Umiling lang si Joana kaya naman hindi na ako nagtanong pa at nagpasalamat na lang.   

Maaga ako natapos kaya naman pupuntahan ko na itong address na nakasulat sa papel. Palabas na sana ako ng bigla akong mapahinto ng bumukas ang elevator at iniluwa non si Kervy. 

"Uuwi ka na?" tanong niya.

Umiling lang ako. "May pupuntahan pa ako" sagot ko sa kanya.     

"Saan?" tanong niya habang sinasabayan ang lakad ko palabas. Hindi lingid sa aking kaalaman na halos lahat ng mata ay nasa amin.  

"May date ako!" masayang sagot ko na lang. 

Nakita kong namilog ang kanyang mga mata dahil sa gulat at kaagad na hinawakan ang aking kamay.  

"Anong date? Iuuwi na kita!" sigaw niya.

"Eh bakit ba!?" tanong ko.

"Basta! Iuuwi na kita!" madiing sabi niya. 

"Ayoko! Hindi ko ugaling magpahintay ng tao, noh!?" pagpupumiglas ko.

"Isa, Paula!" banta niya

"Dalawa, Kervy!" banta ko din.

"Sumakay ka!" pagtulak niya sa akin sa loob ng sasakyan niya. 

"Ano ba!?" sigaw ko sa kanya. Nagulat ako ng tinakpan niya  yung bunganga ko gamit yung palad niya.

"Manong sa bar tayo ni Timothy" utos niya sa kanyang driver.     

Tinanggal ko yung kamay niya. "Hindi ako umiinom! Pababain mo ako!" pagwawala ko.

"Isa! Ang ingay ingay ng bunganga mo!" inis na suway niya.

"Bwiset ka! May naghihintay pa sa akin!" asik ko sa kanya.    

"Isa, Paula pag hindi mo tinikom yang bunganga mo hahalikan kita!" banta niya.

"Bwiset!" bulong ko.

Pagdating namin sa bar ni Timothy ay kinaladkad pa niya ako papasok. Hapon pa lang kaya wala pa masyadong tao. Pumasok kami sa isang private room kung nasaan ang mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na din.   

"Oh, Grace naligaw ka?" nakangising tanong ni Matteo.

Pinaupo at binitawan ako ni Kervy sa upuan sa tabi niya.  

"Umiinom ka ba, Grace?" tanong ni Timothy.

"Juice lang yan" seryosong sabi ni Kervy habang nakapikit at nakasandal sa couch.

"Umiinom ako!" sigaw ko.

Agad naman siya dumilat at matalim akong tiningnan "Mag juice ka lang!" giit niya.    

"Anong akala mo sa akin bata?!" sigaw ko sa kanya.

"Basta mag Juice ka lang!" inis na sabi niya, galit na talaga yan.

"Bwiset ka! Edi sana hinayaan mo na lang ako sa lakad ko! Hinihintay na ako nung date ko!" laban ko pa din kahit hindi naman talaga totoong date iyon.    

"Whoa... Pinigilan mo siya sa date niya!?" mapang-asar na tanong ni Matteo.

"Shut up!" Galit na asik ni Kervy dito.   

Tumatawa lang sina Luke at Timothy.

"Pumunta ba kayong dalawa dito para magsigawan!" natatawang tanong ni Timothy.

"Ito kasing bwiset na Kervy na toh eh!" naiinis na sabi ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama, Huh! Inirapan ko siya naikinatawa nung tatlo.

"Sino ba kasi yung date mo Grace?" tanong ni Luke.

Nag ngiting aso ako. "Hindi ko nga kilala eh" nahihiyang sagot ko.

"Ano!? Hindi mo kilala pero makikipagkita ka!? Are you out of your Mind!?" sigaw na tanong ni Kervy, inirapan ko lang siya at hinarap si Luke.

"May naghahanap daw kasi sa akin kanina, tapos pinapapunta ako dito" sabi ko sabay abot nung papel.

Namilog naman yung mata ni Luke. Matapos magulat ay sumama ang tingin niya sa papel na pinakita ko. 

"Aalis lang ako sandali" pagpapaalam niya sa amin.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Timothy.

Nagkibit balikat lang kami. "May gusto ka bang kainin Grace?" tanong ni Timothy, buti pa siya samantalang yung nagdala sa akin dito bwiset!

"Uhm... Juice na lang" pagsuko ko. 

Lumabas naman siya kaya kaming tatlo na lang nila Matteo ang natira.

"Nga pala Grace balita ko ikakasal na si Kuya Khurt" tanong ni Matteo, kaibigan din kasi nila si Kuya.

"Uhm... Oo, ako nga ang maid of honor sabi ni Ate Jenny" masayang banggit ko.

"Akala ko si Rhi..." hindi na natuloy yung sasabihin ni Matteo ng bigalang tumayo si Kervy ng padabog.

"Cr lang ako!" sabi niya.

Bigla namang dumating si Timothy. "Anong nangyari don? Grace ito na yung Juice mo oh" pagabot ni timothy sa akin.

Luke's Pov

"Anong gusto mong mangyari!?" sigaw ko.

"Kakausapin ko lang yang Ex mo!"







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now