Chapter 44

100K 2.6K 159
                                    

"Welcome to the company!" masayang bati sa akin ng mga bago kong katrabaho.

"Thank you..." sagot ko sa kanila.

Ngayon kasi ako magsisimulang magtrabaho sa companya ni Zach. Namiss ko tuloy sina Joana. Mabilis naman akong nakasunod sa way nila dahil may pagkakahawig lang ang mga rules and regulations nito sa companya ni Kervy.

Busy ako sa pagtingin ng mga documents ng may biglang lumapit sa akin.

"Pinapatawag ka si Sir Zach" sabi nito

"Ah Thank you..." sagot ko, Dali dali akong sumakay ng elevator para pumunta sa floor kung nasaan ang opisina ni Zach.

"Pasok ka na" sabi sa akin ng Secretary niya,

Ngumiti lang ako at nagtuloy tuloy. "Good morning, Sir" pormal na bati ko sa kanya.

Agad itong napangisi. "Can you fix this?" tanong niya habang nakaturo sa dibdib. Dahil duon ay inirapan ko lang siya.

"Ano nga!? Madami kaya akong kailangang aralin!" 

"Kanina kung makabati!" pangaasar niya.

"Ano!?" masungit na sabi ko.

"Samahan mo ako sa meeting mamaya. Kailangan ko ng lucky charm" nakangiting sabi nito.

"Wag mo akong gaguhin Zach ha! Nakangiting aso kananaman! May katarantaduhan ka na namang binabalak!" sabi ko dito.

Tumayo Ito mula sa pagkakaupo niya, Unti unti iyong lumapit sa akin. Agad niya akong hinigit sa braso. Inilapit niya ako sa kanya tsaka ako niyakap sa bewang at hinalikan. Sinuklian ko kaagad ang halik niya sa akin dahil may gusto akong patunayan. Marahil ay naguguluhan ako sa totoong nararamdaman ko para kay Zach.

"Do you feel it?..." tanong nito habang naka lapat pa din ang labi niya sa labi ko.

Tumango tango ako, Mabilis kong iniIkot ang mga braso ko papunta sa kanyang batok at ako na mismo ang humalik sa kanya. Naging malalim ang halik niya sa akin. Namalayan ko na lang na umupo ito sa may sofa ng opisina niya ay marahan akong dinala para kumandong paharap sa kanya.

"Zach...Baka may makakita..." sabi ko habang hinahalikan niya ang leeg ko.

Maya maya ay agad niyang nilipat ang labi niya sa labi ko at binigyan akong ng napaka lalim na halik. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Pinalo ko siya sa braso ng mapansin ko kung nasaan na siya.

"Bastos ka talaga!" sabi ko ng nakasubsob ito sa dibdib ko.

"Bakit ang unfair!? Pag ang mga babae umiiyak pwedeng sumubsob sa dibdib naming mga lalaki? Pero kami pagumiiyak hindi pwedeng sumu..." hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya ng agad kong pinisil ang parehong pisngi niya.

"Napaka bastos mo! Sir!" sabi ko dito.

Totoo ngang isinama ako ni Zach sa meeting. Nakaupo ako sa gilid nitong malaking kwartong ito. Busy si Zach sa pakikipagusap sa isang matandang naka suit din ng biglang pumasok si Kervy. Nang nakita niya ako ay agad naging matalim ang tingin niya sa akin. Kahit nakaupo ay parang pinapatay pa din ako ng titig niya. Hindi ko na lang pinansin iyon ay itinuon ang atensyon sa mag prepresent na si Zach. Nakatayo siya sa harap habang iniexplain ang nasa may projector.

"That was a wonderful presentation Mr. Alonzo" buti sa kanya ng mga KaMewting niya. Ng matapos ang meeting ay isa isa silang nagsilabasan. Hindi muna ako lumabas dahil may iba pang kausap si Zach. Ng matingin ako sa gawi ni Kervy ay seryoso itong nakatingin sa akin habang nakahalukipkip. Nang matamaan kong may plano siya tumayo at lumapit sa akin ay agad akong naglakad patungo sa direction ni Zach.

"Thank..." sabi niya sa kausap niya at tsaka ito umalis.

"Hey..." nakangiting bati niya sa akin.

"Congrats" sabi ko sa kanya.

"Thank you..." sabi nito at hinila ako papalapit sa kanya tsaka ako hinalikan. Sandali lang naman iyon.

"May lunch meeting ako kasama ang ilan sa mga iyon, Gusto mo bang sumama?" tanong niya sa akin.

"Naku! Hindi na Zach, Marami pa akong kailangang gawin" nakangiting sabi ko.

"Alright" sabi niya at binigyan ako ng mabilis na halik.

"Nakakarami ka na ha!" banta ko sa kanya.

Nagulat ako sa biglang at malakas na pagsara ng pinto.

"That asshole! maninira pa ng gamit!" nakangising sabi ni Zach.

"Si...Kervy?" tanong ko.

"Don't mind him" sabi nito tsaka ako hinila palabas ng room.

Nakaalis na si Zach para sa lunch meeting niya. Wala din naman ako sa mood maglunch dahil namimiss ko na si Ken. Sa ngayon habang nagtratrabaho ako ay nasa kila Daddy muna siya. Sabi daw kasi ni Daddy stress reliver niya daw ito kaya nakakabuti din na pag nasa office ako nasa kanila muna si Ken.

Dahil ayoko din namang maglunch ay nagtungo na lang ako sa may pantry at kukuha ng kape. Kapapasok ko palang ng magulat ako ng bigla itong sumara.

"The hell, Kervy!" sabi ko ng makita kong siya ang pumasok at isinara ito.

"Ilang beses sa isang araw, Grace?" seryosong tanong nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?" inis na sabi ko, Akmang aalis na ako ng hinila niya ako at duon niya mismo ako isinandal sa may pintuan.

"Bitawan mo nga ako pwede!?" inis na sabi ko. Pero nakatingin lang ito sa aking Labi. Nagulat ako ng bigla itong maglabas ng panyo at pinunasan ang labi ko.

"Kervy ano ba!?..." sabi ko dahil parang mabubura na ang labi ko sa pagpupunas niya dito.

"Wag niyo akong ginagago!" sabi nito.

"Hindi ka namin ginagago dahil gago ka na talaga!" sigaw ko sa kanya.

"Just please! Let me explain! Please!" magsusumamo niya.

"It can't help, Kervy" sabi ko.

"It will help, Grace...Trust me!" sabi nito.

"I will not fucking trust you anymore!" sabi ko.

"Just give me a chance, Please!" patuloy na pakiusap niya.

"No chance for us, Kervy..." mahinang sabi ko. agad niya akong binigyan ng tinging nagtatanong.

 "Ma...Mahal ko na si Zach" sabi ko pero hindi ko alam kung bakit may luhang lumabas sa mga mata ko.

Agad kong nakita ang pag igting ng panga nito. Nagulat ako ng suntukin niya ang pinto sa gilid ko.

"No Baby. You're just confused" madiing sabi niya.






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now