Chapter 21

91.2K 2.4K 117
                                    

Kababalik lang namin sa office galing sa one week vacation.

"So ano na? Official na ba kayong in a relationship ng bestfriend mo?" tanong ni Joana, Office break namin ngayon kaya naisipan naming magchismisan.

Nagkibit balikat lang ako. "Bakit naman?" dugtong na tanong niya.

"Ewan, wala pa naman siyang sinasabing kami na eh. Ang alam ko lang... the feeling is mutual" sagot ko.

Sumimangot lang si Joana, Maya maya biglang tumunog yung cellphone ko.

Kervy

"Hello!?" bungad ko.

"Hi, Bungangera!" balik na bati niya sa akin. ah ganon ha!

"Who's this please?" mataray na sagot ko.

"Yung boyfriend mo pong gwapo" natatawang sabi niya. Boyfriend??? So... He is considering me as his... Girlfriend? Is this for real?

Napakagat labi ako. The nerve, kinikilig ako! "Stop biting your lips or i'll do it for you?" natatawang pag babanta niya.

"Paanong..." luminga linga ako, nasaan siya? paano niya nalaman yon?

"Sino hinahanap mo?" natatawang tanong niya.

"Ikaw! bwiset ka! asaan ka!?" sigaw ko na nagpatawa kila Joana.

"Nasa office.." sagot niya.

Nilibot ko pa yung mata ko sa buong paligid, At teka! kailan pa nagkaroon ng CCTV camera sa harap ko!

Agad akong tumingin ng masama doon.

"Ang cute mo talagang magalit!" sabi niya sabay tawa. Bwiset!

Ganon ha! Humanda ka! 

"Ang init!" sabi ko sabay hubad ng blazer ko. Naka black fitted spaghetti strap na sando lang ako sa loob kaya naman medyo expose na yung kaputian ko!

"Fuck. Well...nice view!" sabi niya with his husky sexy voice. Kabanas talaga ang kabastusan nitong Kervy na toh! Akala ko pa naman magagalit siya at ipapasuot yung blazer sa akin. 

Hindi pa ako tapos noh! Nilalaglag ko yung ballpen sa direksyon na pagyumuko ako ay makikita ang cleavage ko sa camera. Lolokohin ko lang siya. 

"Ops...Wait, I need to pick up something" with my sexy voice.

Payuko pa lang sana ako ng may makita akong pares ng sapatos sa harap ko. Pagtinggala ko...

"Hi! Luke..." nahihiyang sabi ko. Pero Biglang nasira ang eardrum ko dahil sa sigaw ni Kervy mula sa kabilang linya. 

 "Bullshit, put that fucking blazer on!" pagkarinig ko ng kanyang galit na boses ay agad ko na itong pinatay. Patay ako mamaya nito eh!

"Pwede ka bang yayaing mag lunch?" tanong niya sa akin. 

"Pero maaga pa kasi para sa lunch namin eh..." nahihiyang rason ko.

"Don't worry nakausap ko na yung head niyo" naka-ngiting sagot niya.

"Ah, Sige" may magagawa pa ba ako? Inaayos ko na yung gamit ko ng magtext si Kervy.

From: Kervy

Subukan mo lang sumama diyan kay Luke! humanda ka sa akin!!!

Oh! I'm scared! Ano bang problema niya kay Luke at parang pinapaiwas niya ako? Grabe naman siya! pati si Luke pinagseselosan!? Assuming ko eh ano po? Bahala siya diyan! kabastusan naman kung tatanggihan ko si Luke eh nauna na ngang magpaalam sa head namin bago ako niyaya.

Nabagsak kami sa isang restaurant.

"Nabalitaan mo naman sigurong ikakasal na ako next week" pag basag niya sa katahimikan.

Tumango lang ako. Huminga muna siya ng malalim "As you can see... Hindi ako masaya. Hindi ko naman kasi mahal si Samantha" malungkot na sabi niya.

"B-bakit naman?" tanong ko.

"Can I share a story?" tanong niya.

Tipid akong ngumiti. "Sure" 

"Way back...I fell inlove with my Bestfriend's, Bestfriend" panimula niya... Yung totoo? Riddle ba ito!?

"Then I decided to court her. We became lovers for more than 1 year, sa kalagitnaan ng relationship namin. Nadiskubre kong first Love pala talaga niya yung bestfriend niya, Pero nagawa pa din niya akong sagutin. Ang kaso inlove yung bestfriend niya sa Ate niya. Pero patuloy ko pa din siyang minahal..."

"Then one time nagkaroon ng emergency yung family ko sa states at kinailangan kong umalis, masyado siyang depressed nung mga panahong iniwan ko siya, at sobra ko yung pinagsisihan, kaya nung bumalik ako gagawin ko ang lahat para sana makabawi sa kanya pero arrange marriage ang bumulaga sa akin pag dating ko dito. Nung nagkita kami hindi niya na ako maalala..." pagkatapos nuo'y naiyak na siya. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay at pinisil para iparamdam na may karamay siya.

"Hindi ko alam yung buong kwento, Luke. But siguro kailangan mong sumubok ulit, kausapin mo siya bago mahuli ang lahat. Para naman pagikakasal ka na next week eh gumaan na yung pakiramdam mo" pagaalo ko sa kanya.

"But I still love her... I don't want to get married with Samantha" sabi niya.

"Pero Luke..."

"But Grace...That girl was y..." naputol din ang sasabihin niya ng may magsalita sa likod namin.

"Hindi ka talaga marunong makinig, Paula!" madiing sabi niya.

Agad akong lumingon. "Kervy..."






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang