Chapter 35 (Flashback)

79.6K 2K 31
                                    

"I'm sorry for that Hija" sabi ng Mommy ni Kervy sa kay Grace.

"Naiintindihan ko naman po siya..." sagot ni Grace.

"I'll talk to him" sabi ni Tita.

"Wag na po Tita. Hayaan na lang po natin siya kung saan siya masaya" sabi ni Grace.

Ilang linggong hindi ko nakita si Kervy. Kahit si Grace ay hindi lumalabas ng bahay nila, Kaya naman napagpasyahan kong dalawin siya.

"Ok lang ako" sabi nito ng pumunta ako sa bahay nila.

"You don't look ok. You look like a mess, I bet pinapabayaan mo na ang sarili mo!" sabi ko sa kanya.

Nasa sala kami sa baba ng biglang sumigaw si Rhia mula sa taas.

"Yaya! Yung gamot!" sigaw nito.

"May sakit ang Ate mo?" tanong ko.

"Hindi ko alam" sagot niya tsaka kami mabilis na pumanhik sa itaas.

Naabutan namin si Rhia na nakaluhod sa may toilet bowl. "Ate...Anong nangyayari?" nagaalalang tanong ni grace.

"Naku Ma'm Grace kanina pa po siya ganyan, Nahihilo at nagsusuka" ang kasambahay na nila ang sumagot.

Tinitigan ko si Rhia. Ni hindi man lang siya makatingin sa akin. Hindi ako gumamit ng proteksyon nung may nangyari sa amin.  Agad akong kinutuban at umalis, bumili ako ng pregnancy test.

"Subukan mo ito..." abot ko sa kanya pagkadating ko sa bahay nila.

"Ba...Bakit kailangan niyan Zach?" nagtatakang tanong ni Grace pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Try this, Rhia" baling ko kay Rhia na nakauponsa may kama.

"That is non-sense, Zach" sagot nito sa akin.

"No! You try this!" pagpupumilit ko.

Nilingon ko si Grace na nagbabadya ng tumulo ang luha. I know kung ano ang iniisip niya.

Padabog na kinuha sa akin ni Rhia ang PT. Ilang minuto kaming naghintay ni Grace ng bigla kaming nakarinig ng kung ano sa banyo.

"Hindi!" sigaw ni Rhia.

"Ate!" Tawag ni Grace sa kanya.

"Ayoko..." umiiyak na sabi ni Rhia, nagwawala siya kaya naman niyakap ko siya sa bewang.

"Bitawan mo ako, Zach!" pagpupumiglas nito at nahulog ang pregnancy test sa kanyang kamay.

Tiningnan ko si Grace na nagaalangan pa kung kukuhanin ba niya o hindi pero tinanguan ko lang siya, Nakita ko ang panginginig at dahan dahan niyang pagpulot dito.

Agad kong nakumpirma ang sagot ng sunod sunod naglaglagan ang luha sa kanyang mata.

"Bu...Buntis ka, Ate" sabi niyo kay Rhia na ngayon ay huminahon na.

"S...si Kervy ba?" nahihirapang tanong ni Grace.

Sasagot na sana ako ng... "Oo! si Kervy!" diretsyahang sagot niya sa kapatid.

Agad napahagulgol si Grace at nagmadaling lumabas ng kwarto. Agad kong hinarap si Rhia. 

"Ako! Ako Rhia! Akin yan!" madiing sabi ko sa kanya.    

"Kay Kervy ito!" matigas niyang sabi sa akin.

"Akin! Alam ko! Wag mo akong gaguhin!" banta ko sa kanya.   

Pero hindi niya ako pinansin. "Akala niya mapupunta na sa kanya si Kervy, Nagkakamali siya" sabi nito sa kawalan.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" galit na tanong ko.

"Dahil ayoko! Ayokong may mapunta kay Grace na kahit anong pakikinabangan niya! Hinding hindi ko siya hahayaang maging masaya!" sigaw nito.

"You're crazy... Sasabihin ko sa lahat ito." sabi ko at akamang aalis ng magsalita siya.

"Go on, Zach. Ilalaglag ko to!" pagbabanta niya.

"Fuck Rhia! Wag mong idamay ang bata!" sigaw ko sa kanya.

"Then deal with it Zach! Kay Kervy ito! at hindi sayo!" pinal na sabi niya.

Nalaman na ng mga Parents namin ang tungkol sa kalagayan ni Rhia. Labag man sa kanilang kalooban na baguhin ay napagdesisyunan nilang si Rhia at si Kervy na ang ikakasal. Agad naging malungkot ang Mommy ni Kervy dahil botong boto siya kay Grace.

Busy ang lahat para sa kasal ng dalawa, Gusto nilang ganapin ito sa lalong madaling panahon ng wala pang nakakaalam na buntis na si Rhia dahil masamang imahe daw iyon para sa kanya. Ang mabuntis ng hindi pa kinakasal.

"Mahal mo si Kervy?..." tanong ko kay Grace ng matyempuhan ko siya sa may dinning magisa.

"Masaya na siya..." malungkot na sagot nito.

"Sabihin mong mahal mo siya at ayaw mong matuloy ang kasal, Tutulungan kita" offer ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito.

"Just tell me, Grace. Hindi matutuloy ang kasal na ito" sabi ko.

"Pero Zach..." hindi na tuloy ang sasabihin niya ng may pumutol dito.

"Subukan niyo lang...Wala akong sasantuhin kahit sino pa kayo." sabi ni Kervy pero nakatitig siya kay Grace.

Akala namin aalis na siya pero mayroon pa siyang pahabol. "Masyado ka na bang desperada Grace? Nakakahiya ka!" sabi nito at tuluyan ng umalis.



(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now