Chapter 20

98.4K 2.3K 70
                                    

Nagising ako kinaumagahan dahil sa sunod sunod na pagkatok. 

"Oh... anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kila Joana, Bea at Lyka. Sa itsura nila parang bigla akong kinutuban.

"Grace, si Sir Kervy kasi..." parang takot na takot na sambit ni Joana.

"Bakit anong nangyari?" tanong ko. Kahit naman galit ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang hindi magalala. 

"Kagabi kasi nakita daw siyang nagpapakalasing sa may tabi ng dagat, tapos kaninang madaling araw..." hindi na tinuloy ni Joana ang sasabihin niya dahil umiyak na siya.

"Asan? Asaan siya?" nanghihinang tanong ko.

"Sinugod siya sa hospital sa kabilang isla" sabat ni Bea.

"Pupunta ako...pupuntahan ko siya" nanginginig na sambit ko.

Agad kaming pumunta sa may dagat, natanaw ko ang isang yate, nagulat din ako ng halos lahat ng empleyadong kasama namin ay malungkot na nakamasid sa kabilang isla na tanaw dito. Lalo tuloy akong kinabahan, ano bang pumasok sa maduming kokote non at nagpakalasing sa tabi ng dagat.

 Hindi kaya? Napagtripan siya tapos tsaka siya pinatay? Hindi! hindi pwede! Private resort to kaya siguradong may mga guards na naglilibot tuwing gabi. O kaya naman sa sobrang lasing nalunod siya? 

"Girl sumakay ka na dalian mo" sabi ni Joana.

"Pero teka bakit ako lang? Samahan niyo naman ako" malungkot na sabi ko. Kailangan ko ng karamay.

"Hini na girl, Dalian mo na baka hindi mo na maabutan yung bestfriend mo" nagmamadaling sabi niya.

Wala na kong nagawa kundi lumusong sa tubig, buti naman at may mga tumulong sa akin para makaakyat, pagsampa na pagsampa ko sa yate ay agad akong nakarinig ng sigawan.

"Enjoy!" sigaw nilang lahat.

"Anong enjoy!?" sigaw na tanong ko din.

"Enjoy daw bingi lang?" sabat ng lalaking nasa likod ko.

"Eh gago ka ba? Nasa hospital yung bestfriend ko, tapos sasabihin mong mag en..." naputol ang sasabihin ko ng humarap ako sa taong nagsalita sa likod ko.

"Kervy!?"

"Oh bakit?" natatawang tanong niya.

"Anong ginagawa mo dito? hindi ba nalunod ka? Pupuntahan nga kita sa hospital eh." natatarantang sabi ko.

"Ayon ba ang drama nila? Bibigyan ko ng bonus si Joana niyan" natatawang sabi niya.

"Walanghiya ka!" sigaw ko tsaka ko siya pinaghahampas sa dibdib.

 Garalgal na din yung boses ko dahil sa iyak, agad niya hinuli ang kamay ko. "Gago ka! Ginising gising niyo ako para sa kalokohan niyo, ni hindi pa nga ako nakasuklay ng buhok ko para tumakbo agad dito. Kulang na lang maihi ako sa nerbyos dahil akala ko kung napaano ka na! Bwiset ka talaga!" umiiyak na sabi ko.

Niyakap naman niya ako. "Ang swerte ko naman sa bestfriend ko! Kahit may tuyong laway pa sa pisngi tumakbo dito para lang puntahan ako" natatawang sabi niya.

Tinulak ko siya. "Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" singhal ko.

"Tara sa taas mas maganda view don" yaya niya sa akin. Hindi man lang siya natinag sa galit ko. 

Pagkaakyat namin ay nakita ko kaagad ang magandang set up. May table at marami ding pagkain.

"Magbreakfast na tayo" sabi niya sabay alalay sa akin makaupo.

"Anong kaartehan naman toh!?" inis na tanong ko.

"I want to say sorry sa nangyari kagabi, it's just that..." hindi niya matuloy yung sinasabi niya dahil parang nahihiya siya.

"It's just that...ano?" tanong ko.

"Never mind"

"Ano nga!?" inis na tanong ko ulit.

"Nagseselos ako... Nagseselos ako dun sa Harvey na yon dahil alam kong may gusto siya sayo"

"Ba..bakit?" nauutal na tanong ko.

"Because I like you... More than just a bestfriend"

"Pa...Paano?"

Binato niya yung table napkin niya sa akin. "Anong paano ka diyan!? NagCoconfess ako ng feelings ko dito, tapos para kang tuod diyan! Ayos ka din eh noh!" inis na sabi niya.

Kinuha ko yung binato niya at binato din sa kanya. "Tinatanong kita ng maayos diyan! parang kang tanga!" sigaw ko.

"Nakikita mo toh!?" tanong niya habang hawak ang table napkin. Tinaasan ko siya ng kilay. 

"Papasak ko sa bunganga mo toh!" natatawang sabi niya.

"Ah ganon!" sabi ko sabay sabunot sa kanya.

Agad niya akong pinigilan at niyakap patalikod, nagpupumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Sorry. Sorry kung natakot kita kagabi" sabi niya.

"Nagulat ako, hindi ko inakala na magagawa mo iyon sa akin" malungkot na sabi ko.

Naramdaman kong umiling siya. "Hindi ko kayang gawin sa bestfriend ko iyon. Sadyang nadala lang ako sa selos" malumanay na sabi niya.

Humarap ako sa kanya. "Gusto mo ba talaga ako?" tanong ko, naniniguro lang dahil nagkakaaminan naman na. 

"Ano bang gusto mong sabihin ko para maniwala ka?" tanong niya. Umiling lang ako.

 "Hindi ko alam pero parang may mali... Hini ko alam, hindi ko sure" naguguluhang sabi ko.

"Pagmagkasama tayong dalawa lahat ng akala mong mali... magiging tama" nakangiting sabi niya.

Tumango lang ako at ginantihan siya ng ngiti. "Then let's seal it with a kiss" sabi niya pero sinampal ko siya.

Kumunot agad yung noo niya. "Ang sabi ko Kiss! Hindi sampalin mo ako!" maawtoridad at seryong sabi niya.

"Diba nga... Hindi pa ako nagtotoothbrush"nahihiyang sabi ko habang nakatakip ang palad ko sa bunganga ko.

Agad naman siya napangisi, "I don't even care" pilyong sabi niya.

"Isa! wag kang lalapit!" banta ko, pero patuloy pa din.

"Walang naguutos sa akin baby..." pangaasar niya.

"Isa Kervy!!!" sigaw ko habang naghabulan kami dito.





(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum