Special Chapter

207K 3.7K 847
                                    

"Bilisan mo, Please!" sigaw ko kay Zach.

"At ano!? tayo naman ang madidisgrasiya? Eh ano na lang ang mangyayari kay Ken!?" galit na bulyaw nito.

Nabigla ako sa pagsigaw niya kaya naman napasubsob na lang ako sa aking palad at umiyak.

"Pag ito joke Zach! Please...Sabihin mo na!" pagmamakaawa ko sa kanya dahil baka niloloko niya lang ako.

"Do I look like a joke to you?" seryosong tanong nito.

Mas lalo akong napaiyak at sumubsob. Hindi ko na kaya, Shit! Hindi na ako makahinga. Mabilis akong bumaba, pagkadating namin sa kung saan.  

"Ano toh? Asaan na siya?" natatarantang tanong ko.

Tumuro si Zach sa parang tent na malaki. Marami ding taong nagkakagulo duon. Walang pagdadalawang isip akong tumakbo patungo duon. Nanghina ang tuhod ko ng makita ang madaming bangkay na nakatakip ng puting kumot. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Kervy.

"Grace" malumanay na tawag ni Zach sa akin sabay turo sa isang katawan malapit sa kanya.

Halos hindi na ako makalakad ng maayos. Basang basa na din ang pagmumukha ko sa sobrang pagiyak. Kaya naman ng tuluyan na akong makalapit ay wala na akong ibang nagawa kundi yakapin siya.

"Kervy...Akala ko ba walang iwanan?" humahahulgol na sabi ko habang niyuyogyog ko siya.

Wala na akong marinig dahil ang tanging pagiyak ko na lang ang naririnig ko. Bago ko buksan ang kumot na nakatakip sa kanya ay hinaplos ko muna ang mukha niya. Yung mukhang walang ginawa kundi bwisitin ako, Yung mukhang minahal ko. Si Kervy na mahal ko wala na siya...Paano na kami ni Ken? Napahigpit lalo ang hawak ko sa kumot. Dahil parang mababaliw na ako.

"Zach...Pwede bang tanggalin" pagkalingon ko ay agad may sumalubong sa aking panyo at itinakip sa ilong ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay nawalan na ako ng malay.


Pagkamulat ng aking mga mata ay agad akong napabalikwas. Nahirapan din ako sa aking pagupo dahil sa aking suot. Nanlaki ang mata ko...Kulay puti itong gown. Pangkasal. Dali dali akong tumayo para pumunta sa may salamin at nakitang ayos na ayos ako. Nanggigilid ang luha ko hindi dahil sa saya kundi sa inis. Kung sino man ang gumawa nito humanda sa akin! Mata lang ang walang latay!

Naputol ang pagIisip ko ng paghihiganti ng biglang may pumasok. "Zach!" inis na tawag ko dito tsaka ko siya pinagsusuntok.

Pero wala siyang ginawa kundi tumawa pero may luhang lumalabas sa mata niya. Nang tumigil na ako ay agad niya akong niyakap.

"Umalis ka nga diyan!" inis na bulyaw ko.

"Ayoko nga sana...Kaso gusto kong maging masaya ka, Kaya magpapaubaya na lang talaga ako..." malungkot na sabi nito.

"Ano bang sinasabi mo diyan?" nanggigilid luhang tanong ko.

"Ang ganda ng bride, Kaso hindi naman ako yung groom..." malungkot na sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Pwede ba...Ayoko ng birong ganito! Puntahan na natin si Kervy...Kailangan natin siyang asikasuhin..."

"Let's go...Pupuntahan na natin siya" naglahad siya ng kamay ngumiti siya sa akin pero pilit lang.

"Pero magpapalit muna ako" sabi ko.

Umiling siya "Wag na, Please. Baka Hindi ko mapigilang itanan kita" natutuwang umiiyak na sabi niya.

Naluluha na lamang ako sa mga pinagsasabi niya. "Gago kayong dalawa!" umiiyak na sabi ko.

Sinasabi ko na nga ba! Agad niya akong hinarap pagkadating sa may harap ng sasakyang may bulaklak sa harapan. "I love you, Grace...Very much, Kayo dalawa ni Ken...Pagsinaktan ka niya ulit, Kukuhanin na talaga kita sa kanya" sabi nito.

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now