Chapter 42

98.9K 2.7K 371
                                    

"Sa companya ko na lang" suwestyon ni Zach.

"At bakit? Edi kay Kuya Khurt na lang" sabi ko.

"Dun na lang sa akin Grace, Wag kang magalala bibigyan kita ng magandang posisyon duon" sabi niya.

Naguusap kami tungkol sa kung saan ako magtratrabaho, Nasa may sala kami habang pinag aalmusal ko si Ken ng gatas at cookies. Dito pa din kami nakatira sa condo ni Zach. Ayoko din naman sa bahay, dahil paniguradong laging nanduon si Kervy para bisitahin si Ate Rhia.

Sa sala ko siya pinapakain dahil nanunuod siya ng mickey mouse clubhouse. "Mama...Eat" sabi nito tsaka inabot sa akin ang isang cookies.

Napangiti ako. "Thank you, Baby" sabi ko.

"Uhm...Grace patulong naman" singit ni Zach, Nagaayos kasi siya ngayon para pumasok sa trabaho.

Lumapit ako sa kanya para ayusin ang neck tie niya. "Laki laki na hindi pa marunong" pangaasar ko.

Pero nagulat ako ng hinawakan niya ako sa bewang "Bakit? Trabaho naman yan ng asawa ah!" pangaasar niya.

"Hindi mo ako asawa!" sabi ko.

Dahil sa inis ay hinigpitan ko ang pagkakatali ng neck tie niya. "Aray!" sabi nito.

Tumawa lang ako ng tumawa dahil sa itsura niya. Pero nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Hindi ko agad iyon nagantihan pero kalaunan ay hindi ko alam kung bakit agad kong ipinulupot ang dalawang braso ko sa leeg niya at ginantihan ang halik niya.

"Zach..." tawag ko sa kanya pero hindi pa din siya tumigil kaya sinabayan ko na lang siya. Pero agad kaming natigil ng sumigaw si Ken. 

"Mama!"tawag niya sa akin.

Agad akong napabitiw kay Zach. "I'm not sorry" sabi nito.

Inirapan ko na lang siya dahil dito. Tsaka ko nilapitan si Ken. "Bakit, Baby?" tanong ko.

"Spombob!" turo niya sa Tv, Ibig sabihin ay inuutusan niya akong ilipat sa ibang channel, kung saan mayroong spongebob.

Tumayo ako para lumapit sa Tv ng humarang si Zach. "Ako na" nakangiting sabi nito tsaka ako binigyan ng sandaling halik.

"Nakakarami ka na ha!" sabi ko.

"Gusto mo naman!" natatawang sabi niya.

"Bye Baby!" sabi niya sabay lapit kay Ken at hinalikan ito.

"Anong gusto mong pasalubong?" tanong niya dito.

"Car!" masayang sigaw ni Ken habang pumapalakpak pa.

"Wag mong gawing spoiled yan, Zach" sabi ko tsaka humalukipkip sa harapan nilang dalawa.

"Ikaw Mommy anong gusto mong pasalubong?" tanong niya ng binaliwala ang sabi ko.

"Wala, Zach" inis na sabi ko.

"Alright! Sarili ko na lang ang pasalubong ko sayo mamaya!" natatawang sabi niya

"Shut up, Zach!" sigaw ko.

Humalakhak lang siya habang palabas ng pinto. "I love you, Baby! I love you, Mommy!" sigaw niya tsaka sinara ang pinto.

Agad akong napaupo sa sofa at napahawak sa aking dibdib. Malakas ang tibok ng puso ko, Napapikit ako dahil unti unti kong nararamdamang nahuhulog na ako kay Zach. At alam kong hindi maganda iyon kaya kailangan ko na tong pigilan.

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat