CHATER 2 - Oakwood University

270K 5.3K 464
                                    

CHATER 2 – Oakwood University


KIYOMIKO's

One week had past since I arrived here at masasabi kong ang boring dito! Buti nalang at binilhan ako ni Kyohei onii~chan ng kotse. Isang Porsche na two-seater na kulay midnight blue. Tapos dumating na din galing Japan yung motor ko, pina ship ko pa yun. Well sa loob ng isang lingo marami na rin naman akong nagawa, nakapag grocery na ako, nakapamili narin ako ng gamit para sa school ko at naipagamot ko na din sa hospital yung sugat ko. Medyo magaling na nga yung tahi eh pero di pa rin pwedeng mapwersa kasi baka bumuka, mas mahirap yun.

Speaking of school pala, ngayon ang first day ko sa Oakwood University. Dun din pumapasok sila Kisune onii~chan kasama sila Light, Shin at Yujia, hindi ko sila tinatawag na kuya kasi ayaw nila, tumatanda daw sila eh.

Gamit ko yung motor ko sa pag pasok ngayon. Namiss ko tong gamitin eh. Nang makarating na ako sa loob ng university ay pinag titinginan nila ako, ang ganda ko daw eh, wag nang kumontra maganda talaga ako. Naka loose shirt lang ako na gray na medyo maiksi tapos black na medyo loose din na sando pang loob tapos tight faded jeans at flat boots na hanggang kalahati ng binti ko. Wala akong make-up, I never use those things unless needed, tapos nakalugay lang ang mahabang kulay dark red kong buhok.

Naglalakad ako papuntang director's office ng makaslubong ko sila Kisune onii~chan sa corridor. Kasama nila si ate Raphie, yung heir ng Takehashi clan na binabantayan nila Kyohei oonii~chan.

"Kiyo! Where are you heading?" tanong sakin ni Shin.

"Director's office." Sagot ko.

"I'll accompany you." Sabat ni Yujia, napangiti naman ako. Bukod kasi sa mga kapatid ko, sya yung pinaka close ko sa kanilang lima. Lagi nya kong binabantayan.

"Yosh! Ikou!" (Go!) nakangiting sabi ko habang nakaturo pa sa direksyon ng pupuntahan namin.

"Sige Yuji kaw na bahala sa witch na yan. Hahaha. Sunod ka nalang." Sabi naman ni Kisune onii~chan. Psh. Di ako witch no. Di ko nalang pinansin yung sinabi ni kuya.

Nang makaalis na sila kuya, naglakad na kami ni Yujia. Hindi pa kami nakakalampas ng cafeteria pero ang sakit na ng paa ko at tinatamad na ako. Ang layo pala ng director's office! Napasimangot naman ako. Waah. Ayoko talaga ng nag lalakad sa initan eh.

"Wag ka na sumimangot dyan! Tara pasan na kita!" biglang sabi ni Yujia tapos umupo sya sa harap ko.

"Waah! Arigato Yujia onii~chan!" (Thank you) Sabi ko sa kanya sabay sampa sa likod nya. Siya naman natatawa nalang.

Habang naglalakad sya at ako naman nakapasan sa kanya, rinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid. Well, malakas lang talaga pandinig ko. Bukod don, ang lakas talaga ng boses nila, sarap putulin ng dila ng mga to eh.

"Oops! Hindi ko gusto yang tinatakbo ng isip mo! Bawal pumatol maawa ka sa kanila. Walang laban sayo yan." biglang sabi ni Yujia.

"Di ko naman papatulan eh. Sa isip ko lang. Hehehe." Sagot ko sa kanya.

"Naku! Nga pala si Seal ba hindi susunod sayo dito?" tanong ulit nya.

"Ewan ko. Wala naman syang nabanggit eh. Sabi nya may mission daw sya at medyo mailap daw yung target kaya di nya alam kung kelan nya matatapos." Sagot ko.

"Ah ganon ba? Sayang naman. Sana matapos na nya agad. Para naman may magbantay na ulit sayo."

"Eh? Di naman ako bata no! Di ko na kailangan ng bantay! Psh." Inis na sagot ko.

"Hahaha. Oh eh di ikaw na hindi bata. Wag ka na mainis dyan. Ang pangit mo eh! Hahaha." Sabi nya habang binababa ako sa pag kakapassan.

Inakbayan nya ako pag kababa nya sa akin.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon