CHAPTER 56 - Seal's Last Gift (Part 2)

120K 2.3K 805
                                    

a/n: Bilis ng update noh?

Ganyan pag sinisipag ako .. Wahehehe sana maenjoy niyo to ..

Ayokong puro drama kaya ayan ang kinalabasan.

Basta, read between the lines nalang, malalaman niyo bakit ganyan siya.

PS. Pakinggan niyo yung song sa multimedia section .. Yun yung eksangtong nararamdaman ni Kiyo ng lumabas yung demon niya.

~ScarsAreBlind~

==========================================================

CHAPTER 56 – Seal’s Last Gift (Part 2)

 

 

REI’s (Rei De Guzman)

 

 

Habang pinag mamasdan ko ang marahang pagtulak ni Kyohei sa wheelchair na inuupuan ni Kiyo ay hindi ko mapigilan ang maluha. Alam kong higit sa aming lahat, siya ang pinaka apektado at nasasaktan sa pagkawala ng anak ko.

Simula palang ng ibigay kay Jun ang misyon niya, inihanda ko na ang sarili ko sa maaaring mangyari kaya naman kahit papaano ay naihanda ko na ang kalooban ko sa pag panaw niya.

Ang batang iyon, parang alam na alam na niya na malapit na ang oras niya. Nagawa niyang maihanda ang lahat.

Flashback (Day before the auction)

 

“Oh anak? Napadpad ka sa lungga ko? Miss mo ang na ang gwapo mong ama no?” Masayang tanong ko sa kanya at niyakap siya. Nagulat ako ng hindi siya pumalag.

 

 

“Dad, I know you know what’s happening.” Seryosong sabi niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa sofa. Sumunod naman siya sa akin.

 

 

“Dad, pinapabalik ako ni Master Kiguri sa main house.” Seryosong sabi niya sa akin.

 

 

“Alam mong mas makakabuti sayong doon muna manatili. Nakuha mo naman ang pakay mo sa kalaban diba?” Sabi ko sa kanya habang pinanatili sa harap ang tingin ko. Alam kong kaligtasan niya lang ang iniisip ni Master Kiguri. Alam niya kung sino sino ang mga traydor. Pero knowing my child, alam kong nagdadalawang isip siya sa pag alis dahil hindi niya kayang iwan si Kiyo.

 

 

“Alam ko yun dad. Oo, nakuha ko nga pero wala sa akin. Ibinigay ko iyon sa isang mapagkakatiwalaang tao. Ni hindi ko nakita ang nilalaman noon dahil alam kong iyon ang mas makakabuti.” Nagulat ako sa sagot niya. Mukhang mas matalino sa akin ang anak ko ah. Manang mana talaga sa akin eh. Matalino na magandang lalaki pa.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon