CHAPTER 50 - Karupi and the Chameleon?

134K 2.1K 248
                                    

a/n: Updated na po ulit .. =)

salamat sa mga bagong readers ..

Read between the line guys .. there's a clue hidden in every word he says ..

Who's he? Secret!

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 50 – Karupi and the Chameleon?



KIYOMIKO's



"Ang galing talaga ni Fuji no?"

"Mas magaling si Tezuka."

"Sus natalo na kaya siya ni Ryoma."

"Siyempre siya bida." Sabi ni Seal sabay patay ng TV. Kung nag tataka kayo, nandito lang kami sa bahay at nanonood ng Prince of Tennis. Hindi ako pumasok ngayon kasi naman ayokong makita yung fiancé kong gwapo. Mahirap na baka ma carried away ako.

"Seal! Bakit mo pinatay? Maganda yung susunod na episode eh!" sigaw ko sa kanya. Badtrip lang inaabangan ko pa naman ang pag labas ni Karupi.

"Tsk. Tumayo ka diyan at may pupuntahan tayo." Sabi niya sa akin habang papalapit sa akin. Saan naman kaya kami pupunta nito?

"Date?" Tanong ko sa kanya habang may nakakalokong ngiti sa labi ko. Hehehe, mag dadate kami ni Seal.

"Sorry to burst your bubble but it's not a date." Nakangising sagot niya sa akin matapos niyang umupo sa tabi ko.

"Tss." Usal ko.

"But, you can call it a date if you're that desperate to date me." Sabi pa niya sabay akbay sa akin. Takte nilalandi na naman ako ni Seal. Kala niya madadala niya ako sa ganyan ah.

"Ako pa nga yung desperate? Samantalang nag selos ka nga nung nag date kami ni Hitomi eh." Now it's my time to smirk.

"Tss. Tumayo ka na nga diyan at bibili tayo ng Karupi mo." Sabi niya sabay diretsong tumayo at naglakad patungo sa pinto. Did I heard him right? Bibilhan niya ako ng pusa?

Mabilis akong tumayo at sumunod sa kanya. Wala ng bihis bihis total naman parehas lang kaming naka pambahay. Naka tshirt lang ako at cargo shorts sabay sandals. Ganoon lang din ang suot ni Seal.

"Seal!" Sigaw ko sa kanya matapos naming makalabas ng bahay. Hindi niya ako pinansin kaya naman tumakbo ko paplapit sa kanya at dinamba ang likod niya.

"Aray. Kiyo! Baka malaglag ka. Bumaba ka nga." Sigaw niya sa akin habang binabalanse ang katawan niya. Hehehe, bigla kasi akong pumasan sa kanya eh.

"Ayoko nga. Pasan mo ako pababa." Sabi ko sa kanya sabay hinigpitan pa lalo ang pagkapit ko sa kanya.

"Ah, ganoon?" sabi niya sabay takbo papunta sa stairway. Hala, hindi kami nag elevator.

"Yah! Seal baka gumulong tayo pababa!" Sigaw ko sa kanya. Paano ba naman, tinatakbo niya pababa yung stairway. Para tuloy akong naka sakay sa roller coaster. Hahaha.

"Kumapit kang mabuti kung ayaw mong malaglag." Sabi niya sa akin  habang patalon talon png bumababa sa hagdan. Grabe, tagtag ang katawan ko eh. Isipin niyo nalang mula fifth floor hanggang basement tinakbo niya with matching patalon talon pa. Grabe talaga sapak nito.

 Pagdating namin sa parking lot ay agad siyang pumasok sa driver's seat ng kotse ko. Daya eh. Siya ang nag drive ng kotse ko hanggang makarating kami sa mall.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon