CHAPTER 28 - Here Comes Trouble

137K 2.5K 573
                                    

a/n: Short update lang guys .. pagpasensyahan nyo na medyo lame ..

sabaw pa kasi utak ko ala pa din akong matinong tulog.

=============================================================

CHAPTER 28 – Here Comes Trouble

 

 

LANCE’s

 

 

Magkakasama kaming apat, papunta kami sa unit ni Miko para dumalaw, masama na naman kasi loob nun eh. Wala si Kei at Ryuu. Ewan ko ba sa mag kapatid na yun. Si Kei biglang tumahimik, si Ryuu naman napapadalas ang pag labas mag isa, may ka date ata.

Pag labas namin sa elevator ay dumiretso na kami sa tapat ng unit ni Miko pero may dalawang tao na nag aantay doon. Anong ginagawa ng dalawang yan dito? Tsk.

“Yo! Lance! Dadalaw din kayo kay Kiyomi?” tanong ni Gio. Tama kayo ng basa si Gio at Takihiro ang nandito. Bwisit lang.

“Malamang. Kayo ano ginagawa nyo dito?” Maangas na sagot ni Kurt.

Sasagot na sana si Gio pero pinigilan sya ni Takihiro kaya naman hindi na sya nag salita. Tinignan nalang nya ng matalim si Kurt.

Kakatok na sana ako ng may magsalita sa likod ko.

“Don’t bother I have key.” Sabi ni Kyohei. Grabe di ko man lang namalayan na nasa likod ko na sya. Kinilabutan tuloy ako.

Gumilid naman ako para mag give way sa kanya at nung nabuksan na nya nauna na syang pumasok kasunod yung dalawang kasama nya na sina Light at Yujia. Sumunod na kami sa loob kasabay sila Gio at Takihiro. Pag pasok namin inilibot ko ang mata ko pero hindi ko nakita si Miko. Nakita ko si Kyohei na binuksan yung kwarto ni Miko at lahat kami nagulat sa sigaw nya.

“What the hell is going on here?!” Sigaw ni Kyohei at dalidali syang pumasok sa kwarto kasama nung  dalawa nyang kasama. Dahil sa nagtataka kami kung anong meron dun napatakbo kaming mga naiwan sa sala para pumunta sa kwarto ni Miko and then my eyes widened with what we saw. Natutulog si Jansen sa tabi ni Miko habang nakadantay ang isa nyang kamay kay Miko. Si Miko naman napaupo ng makita kami sa pinto nya.

“Bullshit. Jansen gising.” Narinig kong sabi ni Miko kay Jansen. Pakshit lang. Ano to? Bagong karibal? Argg. Bakit ba ang daming lalaki sa paligid mo Miko?

“Takte Lance, wala ka ng pag asa. Naka base na pre.” Mahinang sabi ni Martin samin. Tinignan lang namin sya ng masama. Gago lang eh.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon