CHAPTER 81 - Hide, Seek and Kill

88.9K 1.9K 303
                                    

CHAPTER 81 – Hide, Seek and Kill

 

KYOHEI’s

 

“It’s a set up Kyohei. We have to move or tayo ang mapagbibintangang pumatay sa buong Red Dragons.” Sabi sa akin ni Shin. I knew it. Something is off in from the start.

I was about to command retreat when the monitor attached to the GPS of the van turned on. Same as to my operational laptop. It was Hitomi. Our signal was hacked.

“Surprised? Hahahaha. See Kyohei? Im always one step ahead of you idiots.” Pumailanlang ang boses ni Hitomi sa loob ng van. Walang ni isang nagsalita dahil sa pagkabigla. Tsk. Genius bastard. Napatingin ako ng makahulugan kay Hideoshi na nakaupo sa shotgun seat ng van. Napatango naman siya sa akin na tila ba naintindihan na ang ibig kong mangyari. Ibinalik ko ang tingin sa monitor ng magsimula ng tumipa si Hideoshi sa laptop na hawak niya.

“You better hide now Hitomi.” Kalmadong sagot ko sa lalaking nasa monitor ng laptop na hawak ko.

“Haha hide? You should be saying that to your lovely sister, you know. You’re not the ‘It’ in this game Kyohei. You are not even a part of this game. Oh before I forgot, say my congratulations to your neophyte Raven for he’s a soon to be uncle.” With that, he just vanished.

“Damn it! I’m just seconds away.” Napatingin ako kay Hideoshi matapos niyang sumigaw. It only means hindi niya nakuha ang coordinates ng taong kausap ko.

“Tsk.” Napapalatak nalang ako sa inis. He really know his game.

“Everyone, let’s  move!” utos ko sa lahat gamit ang communicator na nakakabit sa bawat tainga namin.

Habang nasa biyahe kami pabalik sa main quarters ng Takehashi dito sa Hongkong ay hindi ko mapigilang hindi mapalingon kay Raven na tahimik na nakatingin sa labas ng sasakyan. Halata mong may malalim siyang iniisip. Ako man ay napapaisip din. Buntis ang kapatid ni Raven pero paanong nalaman iyon ni Hitomi? Hindi kaya kasapi ng Yaban Jin ang ate ni Raven?

Nang makarating na kami sa main quarters ay agad ko silang pinulong at inutusang magpahinga na muna dahil babalik kami agad ng Japan. Matapos nilang mag si-alisan ay agad kong inutusan si Yujia na tawagin si Raven. Kailangan ko siyang makausap. Maraming espekulasyon anng nabubuo sa isip ko.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay dumating na din si Raven sa kwarto ko. Walang emosyon ang mababakas sa mukha niya pero hindi niya ako malilinlang. Halata ang pag aalala sa mga mata niya.

“Gusto kong humingi ng pabor.” Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero agad iyong napalitan ng ngisi.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon