EPILOGUE

161K 3.1K 937
                                    

a/n: uunahan ko na kayo, this is not the end of the story but just the end of the first book of Kiyo's life.

salamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na nagbasa. Kitakits sa book 2. ;)

~ScarsAreBlind~

===========================================================

EPILOGUE

LANCE's

"What's on your mind?" Tanong sa akin ni Kuya Kyohei. Katatapos lang ng funeral rights para kay Miko. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na wala na siya. It's just unbelievable.

"I still can't believe she's gone. Just like that she's gone." Tugon ko sa kanya habang nakatanaw pa din sa loob ng museleo ng mga Takeno habang nakasandig sa sasakyan ko.

Kakatapos lang naming maihatid ang abo ni Miko sa huling hantungan niya. Nandito ang lahat para sa kanya sa huling pagkakataon. Sila Ryuu, Kei, Tito Rei at tita. Martin and Kurt are ofcourse here too. Even Cloud and the other member of Elixir are here, syempre bukod kay Jason.

"Neither I cant believe this but when I look at dad, the pain and regrets in his eyes tells me to believe." Kalmadong sagot sa akin ni kuya Kyohei.

One week ago nang makatanggap ako ng tawag mula kay kuya Kyohei. He just said it's about Miko and I need to rush to the Takehashi's main house immediately. Wala nang tanong tanong pa ay agad akong sumugod noon sa main house ng Takehashi only to found out about Miko's death. I was shocked and confused at the same time. I felt sad and emotional but surprisingly didn't felt any loss. Because of that I came up with the conclusion that she was still alive but everyone around me says and feels the opposite.

Bumalik ako sa reyalidad ng maramdaman ang marahang tapik ni Ryuu. Pag harap ko sa kanya ay nahuli ko pa ang pasimple niyang pagpunas ng luha sa likod ng itim na shades na suot niya.

"Babalik muna kami sa mansyon kasama sila dad. Sasama ka ba o sa inyo kana uuwi?" Tanong ni Ryuu sa akin. Bakas pa sa boses niya ang lungkot. Malungkot din naman ako, malungkot na malungkot pero hindi ko talaga maramdamang wala na siya. Para bang nasa paligid lang ang presensya niya at kinakalma noon ang puso ko.

"Hindi na, may sasabihin daw sa akin si kuya kaya sa bahay na ako didiretso. Nakapagsabi na rin ako kay kuya Kyohei." Tugon ko sa kanya. Matipid niya akong nginitian at mahigpit na hinawakan ang balikat ko na para bang binibigyan ako ng lakas ng loob. Matipid ko nalang din siyang nginitian.

Ilang sandali pa ay unti unti nang naubos ang tao doon. Nagsiuwian na sila habang ako, nakasandig pa din sa gilid ng kotse ko at nakatanaw sa museleo kung saan nakalagak ang sinasabing labi ni Miko.

Napalingon ako sa kanan ko ng may pumaradang itim na kotse doon. Mula sa kotse ay lumabas si Jansen kasama si Gio. Bahagya nila akong tinanguan ng mapatingin sila sa gawi ko.

"Nakikiramay ako Lance." Sinserong pahayag ni Gio sa akin at inilahad ang palad niya. Iniabot ko naman iyon at kinamayan siya. Nagpaalam sila sa akin kung pwede daw bang lumapit sa puntod ni Miko. Tumango nalang ako, alam kong kaibigan din sila ni Miko at nagdadalamhati din sa nangyari sa kanya kaya kahit wala naman akong karapatang magdesisyon eh sumang ayon na din ako. Wala na din naman dito sila kuya Kyohei eh.

Bitbit ang bulaklak ay tinungo na nilang dalawa ang puntod niya. Tinanaw ko nalang sila mula sa pwesto ko. Sabay silang nagsindi ng insenso at nagbigay galang sa harap ng puntod niya. Ilang sandali pa ay lumabas na din sila pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang muling pagsulyap ni Jansen sa puntod ni Miko kasabay ng pagyukom ng kamao niya. Nakaramdam ako ng takot sa hindi ko malamang dahilan.

Tumango lang sila ng bahagya ng mapadaan sa pwesto ko at dumiretso na din sa sasakyan nila at umalis na.

After her sudden death, everyone mourns but was trying to cope up. Everyone tries to put a smile on their face specially when facing me. Everyone is being sensitive towards me. I know they are pushing me to move on but I wont. I know and I believe she's still alive. And I will make sure that I will meet her again.

"Paalam Miko. Hanggang sa muli nating pagkikita. Nararamdaman ko, hindi ka pa nawawala sakin." Wala sa loob na sambit ko. Napabuntong hininga nalang ako bago tuluyang sumakay ng kotse ko at nagmaneho pabalik sa mansyon namin.

Pagdating sa mansyon, sinalubong ako ni Jacob at iginiya ako papuntang study room ni kuya. Doon ay naabutan ko si kuya na nakaupo sa lamesa niya at nakaharap sa laptop niya. Seryoso ang mukha at tila nagiisip talaga. Nang lumapit ako sa kanya ay halos mahampas ko na ang noo ko ng mapagtantong naglalaro lang pala siya ng chess sa laptop niya. Akala ko pa naman ... Tsk.

"Kamusta?" Tanong sa akin ni kuya ng maupo ako sa harap ng lamesa niya.

"Ayos naman." Maikling sagot ko. Hindi ko din kasi alam kung ano ba yung kinakamusta niya, kung ako ba o yung paghatid naming kay Miko sa huling hantungan.

"Yung puso mo kamusta?" Napakunot ang noo ko sa muli niyang tanong.

"Ayos lang din." Medyo inis na sagot ko sa kanya.

"Denying something that is hurtful is our mind's defense mechanism while making you believe that there's a possibility that a miracle can happen is our heart's." Napabaling ang tingin ko kay kuya ng marinig ang sinabi niya. Gusto ko sanang magtanong sa kung ano ang ibig niyang sabihin pero nagbago ang isip ko ng sumalubong sa akin ang flash ng camera.

"Pfft epic." Sabi pa niya habang binabalik sa bulsa ang cellphone niya.

"Tsk. Tama na nga kalokohan kuya, sabihin mo nalang kaya bakit mo ko pinatawag dito?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Oh yeah, hahaha, wait let me laugh first." At tuluyan na nga siyang bumunghalit ng tawa habang nakahawak pa ang kamay sa tiyan. Parang sira talaga tong kuya ko, wala namang nakakatawa sa itsura ko kanina ah. Pasimple kong inayos ang buhok ko at hinantay siyang matapos sa pag tawa.

"Hooo! Now back to our business. Bukas ihatid mo si Lacey sa Los Angeles. Dun siya mag aaral ng college. Nag usap na kami kaya ayos na sa kanya yun. Stay with her for a week then continue your mission with Hayato."

"Oh, and please do meet miss Ayena Klein if you have time. She's a deligate from a certain Famiglia I want to have ties with."

KIYOMIKO's

Mula sa malayo ay tanaw ko ang pamilya at mga kaibigan ko habang hinahatid nila sa huling hantungan ang inaakala nilang mga labi ko. Bakas sa mga mukha nila ang lungkot dahil sa inaakala nilang wala na ako.

Ayoko sanang magsinungaling sa kanila pero kailangan ko itong gawin para maisakatuparan ko ang huling misyon na iniataw sa akin ni dad. Ang huling misyon na magiging kapalit ng kalayaan ko.

"You really sure about not telling them the truth, aren't you?"

Napatingin ako sa gilid ko kung saan biglang sumulpot si Lyndon. Bukod sa ama ko at kay Master Kiguri, siya ang isa pa sa mga nakaka alam na peke ang pagkamatay ko. Mukhang sa kanya humingi ng tulong si dad tungkol sa pagpeke ng lahat.

"You hate my father don't you? Why still agreed to his favor?" Balik tanong ko sa kanya.

"I also wonder why I agreed. Is it because of your family? Or is it because of my brother?" Natatawang sagot niya sa tanong ko. He's toying me. Gusto ko sana siyang patulan pero pinigilan ko nalang ang sarili ko.

Muli ko nalang ibinalik ang tingin ko sa mga kaibigan kong nagluluksa pa sa pagkawala ko. I guess, it's goodbye for now.

"So this is how it ends huh? When miss assassin meets the gangsters?" Narinig ko pang usal ni Lyndon habang papalayo ako sa kanya.

'I have no regrets." Pasigaw na sagot ko habang patuloy na naglalakad palayo.


WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon