CHAPTER 17 - Anino

169K 3.2K 795
                                    

A/N: ayun, pasensya na late update .. sakit kasi ulo ko eh, hirap pag anemic. hahahaha ...

sana ma enjoy nyo to .. =)

Click nyo pala yung video sa gilid mamaya pag dun na sa part na kakantahin yan ng band .. i love that song, give me shivers everytime i sing that .. sana magusuhan nyo ..

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 17 - Anino


"Ladies and gentlemen, let us acknowledge the arrival of Takehashi Technologies Representatives, Ms. Kiyomiko Takeno and Mr. Mikage Sou."


Napatingin ako sa likod ko, wala naman akong kasabay ah? Sino naman kaya yung Mikage Sou na yun? Hayaan na nga. Inilibot ko nalang ang paningin ko para hanapin sila Ryuu. Andito na kaya sila? Tsk. Napaaga ata ako, wala pa sila eh.

Maganda yung venue ah, in fairness. Ang yaman pala talaga nila Raven, may function hall sa loob ng bahay eh.

Marami akong nakitang mga pamilyar na mukha. Mga taong madalas kong makasalamuha pag may function ang legal business ng Takehashi clan. Bago ako mag settle sa table ko, nakipagkamustahan muna ako sa ibang mga bisita. Masabi lang na nandito ang representative ng Takehashi Technologies. Haay, ito ang isa sa mga ayaw ko sa party eh, kailangan mong makipag usap sa mga taong hindi ka naman talaga kilala.

Papunta na dapat ako sa isang bakanteng table ng biglang tumunog yung SIMAN ko. Napangiti ako ng malaki ng makita kung sino yung tumatawag. Bakit parang miss na miss ko tong taong to? Haay siguro kasi sa mga sitwasyong katulad ngayon, sya yung maaasahan ko.

Lumabas muna ako sa venue at napadpad sa isang garden sa di kalayuan. Agad ko ng sinagot yung tawag nya.

"Oh Seal, kamusta?" Bati ko sa kanya.

"I'm fine. Wag ako ang alalahanin mo. Nasa party ka na ba?" tanong nya sakin.

"Yeah. Seal? Anong gagawin ko?"

"Haay. Akala ko ba sabi mo kaya mo? Tsk. Paano ka nalang pag wala na ako? Hindi mo ba kasama sila Ryuu? Binilin kita sa kanila eh." Bakit parang nalungkot ako bigla sa sinabi nya? Parang yung salitang yun lang yung nag rehistro sa utak ko? Nagsasawa na ba sya sakin? iwan na nya ko? Hala. Kaya ko ba pag nawala si Seal sa buhay ko? We care for each other more than siblings yet less than lovers. He is my soulmate. I am his soulmate.

"Seal sawa ka na ba sakin? Iiwan mo na ba ako?" Hindi ako duwag pero shit lang NATATAKOT AKO! Ayokong pati si Seal iwan ako.

I heard him chuckle. Eh?

"Iwanan man kita pero hinding hindi ako mag sasawa sayo. Endangered Species ka kaya." Sabi nya pa sabay tawa ulit. Siraulo talaga tong lalaking to, pero kahit ganyan yan hinding hindi rin ako magsasawa sa kanya.

"Takte Seal may balak ka ngang iwan ako?! Gago ka! Pag iniwan mo ko hahanapin kita kahit sang lupalop pa ng impyerno!" Sigaw ko sa kanya. Inaasahan kong tatawa sya o sisigawan din ako at sesermonan sa pag mumura ko pero isang malalim lang na buntong hininga ang sinagot nya kaya napatigil ako. "S-Seal, iiwan mo talaga ako?" malungkot na tanong ko pa ulit.

"Kiyo, I want you to promise me one thing." Seryosong sabi nya sakin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

"A-ano yun?" Nauutal pang tanong ko.

"Promise me na hinding hindi mo ko hahanapin kung sakali mang mawalan ako ng contact sayo bigla." Seryosong sabi nya.

"Pero Seal ..."

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon