CHAPTER 83 - The End of War?

104K 2K 357
                                    

a/n: it's the final chapter guys. next update will be the epilogue. Then i'll post the Prologue for the book 2 but i'll finish first the other on-going stories bago ko simulan talaga yung book two.

PS. Epilogue will be in private. i'll give the priviledge to my followers to see the last part. 

Alam kong madidisappoint kayo sa final chap dahil well, hindi nagpakita si demon side pero i have my reasons and if you'll read between the lines you'll understand.

~ScarsAreBlind

CHAPTER 83 – The End of War?

 

 

KIYOMIKO’s

 

Tama nga ang hinala ko. Pagtapak palang naming ng Pilipinas, may magmamasid na agad sa akin at alam kong kagagawan iyon ni Hitomi. Dahil sa hinala kong iyon ay bumuo na agad ako ng plano kasama si Nanjiro, Kei, at ilang mapagkakatiwalaang taauhan ni Nanjiro. Ang plano ay hayaang sundan kami ng spy ni Hitomi habang ako ay gagawa ng paraan para ako ang sumunod sa kanila para matunton ang kinalalagyan ni Hitomi.

Nang dumalaw kami ni Nanji sa puntod ni Seal ay doon na sila nagparamdam. Hindi kami nagpahalata ni Nanji at isinagawa na ang plano. Pagkaalis naming sa sementeryo ay agad kong pinindot at gps tracker na hawak ko kanina pa. Iyon ang mag sisilbing hudyat sa mga tauhan ni Nanji para isakatuparan na ang plano.

Bago kami dumating sa intersection ay mabilis na sumulpot ang dalawang delivery van. Sumingit ako sa gitna noon at bumusina. Agad namang binuksan ng nasa unahan na van ang pinto sa likod at mabilis na nagbaba ng rampa. Agad kong inakyat ang rampang iyon. Nang makapasok na sa loob ng van ay mabilis kong hinubad ang helmet at jacket na suot ko at ibinigay iyon sa babaeng tauhan ni Nanji. Agad niya iyong isinuot at sumakay sa motor ko. Agad niyang pina andar ang motor ko at bumaba ng rampa. Agad naman nila muling isinara ang pinto ng van.

Ilang sandali pa ay lumiko na ang van na sinasakyan ko pati na din ang isa pang van sa likudan na nagsilbing harang para hindi makita ng nagmamasid ang ginawa kong pagsakay sa van sa isa sa mga intersection.

Ang babae na nagpanggap na ako na nakasakay sa motor ko ay nagpatuloy sa byahe patungo sa kapilya kung saan nakalagak ang katawan ni Jason. Habang ako, sumakay sa isa pang motor na nakahanda sa loob ng van. Nagsuot ng helmet at panibagong Jacket. Nang masigurong medyo nakalayo na sila Nanji ay siya namang baba ko sakay ng mtor sa van.

Mula sa malayo ay sinundan ko ang isang sasakyan na nakasunod din sa kotse na gamit ni Nanjiro. Nang makarating na sila Nanji sa kapilya ay siya ring parada sa di kalayuan nung kotse na sumusunod sa kanila. Bumaba mula doon ang isang lalaki at tila may tinawagan sa phone niya.

Ilang sandali pa, ay natanaw ko mula sa gilid ng kapilya ang lalaking pakay ko. Naiyukom ko nalang ang mga kamao ko. Gusto ko na siyang sugudin ngayon din pero pag ginawa ko iyon ngayon dito, maraaming maakikialam.

Sumakay siya sa kotse niya habang yung mga tauhan niya na sumusunod sa amin kanina ay naiwan. Muli kong pinaandar ang motor na sinasakyan ko at maingat siyang sinundan. Medyo  malayo ang distansya ko sa kanya pero sinisigurado kong hindi sya nawawala sa paningin ko.

Medyo malayo na din ang narating namin. Hindi ko alam kung saan ba pupunta ang isang ito. Pakiramdam ko, alam na niyang sinusundan ko siya. Tsk.

Maya maya pa, inihinto niya ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Napatingin ako sa paligid. Medyo tahimik ang lugar at bihira ang dumadaang sasakyan. Mapuno ang magkabilang gilid ng kalsada at hindi ko alam kung saang lupalop na ng Pilipinas kami naroroon.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon