CHAPTER 15 - Mysterious Arrow

206K 3.5K 1K
                                    

CHAPTER 15 - Mysterious Arrow

CHAPTER 15 - Mysterious Arrow

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KIYOMIKO's

"Kiyo! May dala akong food." Sigaw sakin ni Sky. Kasalukuyan kasi akong nandito sa bagong tambayan ko. Yes naman, may tambayan na ako at iyon ay yung puno na inakyatan ko nung unang beses na nakita ko sila Sky. Madalas ako dito lalo na pag di ko kasama sila Ryuu.

"Kiyo, baba na dyan, sige ka uubusan ka namin ng pagkain." Banta sakin ni Art. Dahil sa nagugutom na din ako, bumaba na ko ng puno. Saktong pagbaba ko ng puno, sya ring dating nila Ryuu.

"Yo, Ryuu." Bati ni Sky kay Ryuu. Okay na ba sila? Hindi na ba sila magkaaway? Baka mag rumble pa tong mga to. Hinayaan ko nalang muna sila dahil sinimulan ko nang kainin yung pagkain na dala ni Sky.

"Wag mo ko kausapin di ikaw pinunta ko dito." Singhal ni Ryuu kay Sky.

"Hoy Ryuu, bakit ka nandito? Miss mo ko no?" Pang aasar ko kay Ryuu habang hawak pa sa isang kamay yung donut na may strawberrt filling.

"Tss. Nag aalala lang ako, baka maulit na naman yung nangyari nung isang araw." Paliwanag ni Ryuu habang nakatingin sa ibang direksyon. Namumula pa sya.

"Kaya ko sarili ko Ryuu wag ka mag alala." Sabi ko sa kanya sabay lapit. "Mamamatay muna sila bago nila ko masaktan." Bulong ko kay Ryuu sabay ngiti.

"Hoy! Ano yan ha? Wag nga kayo magbulungan sa harap ko." Sigaw samin ni Sky. Problema nun?

"Hoy ka din Jason! Problema mo ba? Tss." Sabay hawak ni Ryuu sa kamay ko. "Tara na Yomi. Bakit ba kasi nasama ka sa kanila eh." parang bata na sabi ni Ryuu tapos hinila na ako palayo. Natawa naman ako. Hahahah, hanggang ngayon kasi ayaw pa din nyang nalapit ako kay Sky.

"Bye Sky! Hehehe See you next time. Baka kasi sumpungin si Ryuu. Hahaha. Bye guys!" Sigaw ko kila Sky habang hinahatak ako palayo ni Ryuu.

"Bye Kiyo! Ingat ka!" Sigaw naman nila Sky pabalik sakin.

Nang makalayo na kami kila Sky, bigla naman huminto sa paglalakad si Ryuu kaya napahinto na din kaming mga nakasunod sa kanya. Humarap siya sakin at ibinaba yung mukha nya para maging kapantay ng mukha ko. Ano kayang balak nyang gawin? Tinitigan ko lang sya at hinintay kung ano ang gagawin nya.

"Itai!" (Ouch!) sigaw ko, sabay hawak sa noo ko. Paano ba naman, biglang pinitik ni Ryuu yung noo ko. Ang sakit kaya.

"Ang tigas ng ulo mo. Sabi ng wag kang lalayo samin eh. Tumakas ka pa talaga para lang makasama yung Jason na yun." Pagalit na sabi sakin ni Ryuu. Tss. Tama tinakasan ko sila, paano ba naman ayaw talaga niya na palapitin ako kila Sky kaya ayun tinakasan ko sila kanina pero nakita pa din nila ako at ngayon pinapagalitan netong si Ryuu.

"Wag ka nga mag pa cute dyan Yomi! Nawawala galit ko eh." Singhal sakin ni Ryuu sabay tingin sa ibang direksyon.

"Pfft." Narinig ko namang parang nagpipigil ng tawa sila Kei sa likudan ko. Nung makita nilang nakatingin ako sa kanila bigla silang tumikhim at nagpanggap na may ibang ginagawa. Halata naman masyado tong mga to.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon