CHAPTER 23 - trust

162K 3.2K 866
                                    

a/n: sa wakas nakapag update din .. nagloko kasi net ko kaya ngayon lang nakapag update ..

may readers pa ba ako? waaah sana meron pa din .. pasensya na po ..

sana magustuhan nyo to ..

~ScarsAreBlind~

============================================================

CHAPTER 23 – trust

 

GIO’s

 

“Take, pakinggang mo muna sabi ako.” Pakiusap ko kay Takihiro pero imbis na pakinggan ako ay sinuntok na naman nya ako. Kanina pa ako nakakatikim ng suntok mula kay Takihiro simula ng sabihin ko sa kanya na sinabi ko na kay Kiyomi ang katotohanan pero hindi ko pa man natatapos ang paliwanag ko ay agad na nya akong sinuntok.

“Damn’it Gio! I trusted you!” sigaw nya sakin sabay suntok ulit. Suntok lang sya ng suntok hanggang sa mapagod sya. Nang tumigil na sya sa kakasuntok sa akin ay dahan dahan na akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa lapag malapit sa kotse ko. Andito nga pala kami ngayon sa parking lot ng isang bar. Dito ako dumiretso pagkagaling ko sa Hospital kung saan ko dinala si Kiyomi.

“Take, I need to do that. She’s in danger.” Pilit kong sambit sa kanya. Nakarami sya ng suntok sa akin at pakiramdam ko, puro cuts na ang mukha ko dahil sa mga suntok na yun. Puno na rin ng dugo ang tshirt ko. Hindi na ako gwapo.

“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong sakin ni Take.

“tatanong tanong ka ngayon! Kanina kasi di mo ko pinatapos sa gusto kong sabihin tapos sinuntok mo pa ang gwapo kong mukha. Eh kung wag ko na kayang sabihin sayo? Makabawi man lang?” pang aasar ko sa kanya. Bwisit kasi. Ang sakit kaya ng suntok nya! Puro dugo pa yung mukha ko.

“Subukan mong hindi sabihin sakin at tutuluyan talaga kita!” banta naman sakin ni Take. Tss. Init ng ulo. Basta talaga tungkol kay Kiyomi hindi sya mabiro.

“Ito naman di na mabiro. Chill lang bro! Pag tinuluyan mo ko, hindi mo talaga malalaman.” Sabi ko ulit sa kanya.

“Sabihin mo nalang kasi! Dami pang satsat!” singhal nya sakin.

“Tsk. Ito na nga sasabihin na.” dahil hindi ko na din naman sya mapag titripan eh sinabi ko na lahat ng nalalaman ko tungkol sa kalagayan ni Kiyomi sa kanya. Hindi ko mabasa ang reaksyon nya, hindi ko alam kung galit ba sya o kung ano man. Masyadong malalim ang iniisip nya.

“Gio, napansin mo bang parang may tao sa paligid natin?” napakunot ang noo ko sa tanong nya. Malamang may tao sa paligid namin dahil nasa parking lot kami ng isang bar. Malamang maraming tao dito.

“Malamang Take. Dami kayang tao sa bar na to.” Sarkastikong sagot ko kay Take pero agad naman nya akong binatukan. Nakakarami na tong gagong to ah!

“Di pa nakuntento sa suntok eh no?” sabi ko sa kanya habang himas himas yung ulo ko.

“Gago. Hindi mo ba nararamdaman? Kanina ko pa kasi napapansin eh. Akala ko nga isa lang yun sa mga tao dito sa bar pero iba yung aura eh. Pakiramdam ko talaga may nagmamasid satin.” Seryosong sabi sakin ni Take kaya naman pinakiramdam ko pero wala talaga akong maramdaman eh.

“Wala naman eh. Tara na nga lang sa loob. Painumin  mo ko ah. Takte! Sakit ng mukha ko eh.” aya ko sa kanya kaya naman pumasok na kami sa loob. Wala namang imik si Take hanggang sa makapasok na kami, siguro iniisip pa din nya yung tungkol kay Kiyomi o di naman kaya tungkol dun sa taong nagmamasid daw samin.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon