CHAPTER 66 - Another Attempt

116K 2K 468
                                    

a/n: Eto na po ang UD ..

Medyo binago ko to, dapat isasama ko yung date nila Lance, pero i decided na ilagay nalang iyon next chapter .. Parang di ko feel kung isisingit ko lang siya eh ..

Ayan sana magustuhan niyo ..

PS: Message niyo lang ako kung gusto niyong magpadedic .. =)

First on the list, prettyzieryll .. this is for you dear .. =)

~ScarsAreBlind~

CHAPTER 66 – Another Attempt

 

 

LANCE’s

 

Kasama ko si Hayato at si Nanjiro dito sa isang sulok ng Arena dito sa HK Underground. Mula dito ay pinapanuod namin ang paglalaban ni Gio at Miko. Parehas silang magaling pero nagulat nalang kami ng bigla nalang napahiga sila at parang natataranta na dinala ni Miko sa gilid. Gusto ko sanang bumaba para malaman kung ano ang nangyari pero pinigilan ako ni Hayato.

“You’re not needed there.” Plain na sabi niya sa akin. Gusto kong mainis pero walang bahid ng yabang o kung ano pa man ang tono niya kaya hinayaan ko nalang.

“Hayato, did you bring your mask?” Napakunot ang noo ko sa biglang tanong ni Nanjiro. Mask? Bakit?

“Ofcourse. Hahaha.” Masayang sagot ni Hayato.

Saglit pang nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawang kasama ko ng mapagdesisyunang ibalik sa battle grounds ang atensyon ko. Napansin kong wala na si Gio doon at tanging si Miko at yung isang hindi nagbibigay ng challenge nalang ang natira doon. Anong challenge kaya ang ibibigay niya?

Ilang sandali pa, ipinakita na sa screen ang challenge. Eh? Andito ngayon sa arena si Emperor Spear? Yun kasi yung lumabas sa screen, paunahan sila nung isang knight na mahanap dito sa arena si Emperor Spear at pag naunahan niya si Miko, kailangan niyang labanan yun.

Kung ako nga na matagal na sa Orgaanization eh hindi pa nakikita ng personal si emperor Spear eh, si Miko pa kaya? Isa pa, balita ko, hindi daw nagsasalita iyon kaya mahirap ma identify kung sino talaga siya.

“Ikaw o ako?” Napatingin ako sa direksyon ng nagtanong. Si Nanjiro habang nakangiting nakatingin kay Hayato.

“Ikaw nalang. Tutal ikaw naman ang tunay eh, isa pa, sawa na akong labanan ang babaeng witch na yun. Hahaha.” Natutuwang sagot ni Hayato. Nanlalaki ang mata kong napabaling kay Nanjiro.

“Ikaw si Emperor Spear?” Gulat na tanong ko sa kanya. Mabuti nalang at malayo kami sa ibang mga manunuod dito kaya hindi nila narinig yung sinabi ko, well, on second thought, hindi rin naman pala nila maiintindihan.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon