CHAPTER 68 - A Decision To Make

113K 2K 695
                                    

CHAPTER 68 – A Decision To Make


HITOMI's


"Anong balita diyan? Bakit ngayon ka lang nag report?" Tanong ko sa tauhan ko sa Hong Kong.

"Boss, she's here. Kiyomiko Takeno is here but she's not alone." Balita sa akin ng tauhan ko na

nakapag pangiti sa akin. I found her at last.

"Good. Magpatulong ka kay poison. I want her alive." Utos ko sa kanya.

"Poison is dead boss. He was killed by Xavier. I found out that Xavier is a member of Takehashi Clan and so as King. Nandito rin pala ang kapatid mo boss. Sa kanya nakatira sila Kiyomiko kasama si Emperor Spear. Nandito rin pala si Lance boss." Napahigpit ang hawak ko sa telepono ko. Damn that traitor.

"Damn it. Nag kita si Lance at Kiyo?" tanong ko sa kanya.

"Yes boss. I guess, they are dating. Oh, and one more thing boss, Kyohei Takeno and the others are here too. They came here for Kiyomiko's birthday. Even the 6th generation boss of Kashushima Clan greeted her." Patuloy niya pa. Mas lalo akong nanggigil sa narinig ko. Jansen really is helping her. Damn it.

"Boss, I need to hang up now. They might notice me." Paalam sa akin ng kausap ko. Hindi na ako sumagot at agad na pinutol anag tawag. Damn it. Everything is against my plan.

Nag dial ako sa inter com at pinatawag ang isa sa mga tauhan ko. Ilang sandali lang ay dumating din siya.

"Lei, kamusta ang pinapagawa ko sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nainvade na namin ang Kanagawa district katulad ng plano. Ganoon na din ang Hokkaido pero ang ibang distrito ay hindi namin agad mapasok dahil mahigpit ang pagbabantay doon ng Takehashi at Kashushima Clan. Mukhang natunugan na nila ang pananakop na ginagawa natin." Balita niya sa akin.

"Palaksin niyo pa ang pwersa. Pasasaan pa at mapapailalim na rin sa atin ang buong Japan at wala na silang magagawa doon kahit na Takehashi o Kashushima pa." sagot ko sa kanya. Oras na makuha ko si Kiyo, kusa nilang ibibgay sa akin ang mga distritong hawak nila.  Napangisi nalang ako sa isiping iyon. Pero agad nawala ang ngisi ko ng may biglang pumasok sa opisina ko. Tsk. Sakit talaga ng ulo ang matandang to, parang ang anak niya.

"Anong kailangan mo, Takeshi?" Mahinahong tanong ko sa bagong pasok. Kahit na alam kong may ginagawa silang hakbang habang nakatalikod ako, kailangan ko paring maging mahinahon. May mga silbi pa rin sila sa akin kahit na papaano.

"May balita ka ba sa anak ko, Hitomi?" Payak na tanong niya sa akin.

"Sinong anak ba ang tinutukoy mo? Si Poison o si Arrow?" Nakangising tanong ko sa kanya. Anak niya sa labas si Cole o mas kilala bilang Poison. Ang taong kababalita lang sa akin ni Dark na pinatay ni Xavier na miyembro ng Takehashi.

"Parehas." Pigil ang inis na sagot niya sa akin. Parehas? Napakunot ang noo ko ng bahagya. Hindi ba't kasama ni Jansen si Takihiro?

"Si Poison ay pinatay ng isang miyembro ng Takehashi samantalang si Arrow, wala akong balita. Hindi ba't kasama siya ng pamangkin mong magaling?" Sagot ko sa kanya. Halatang nagulat siya ng sabihin kong patay na ang anak niya sa labas. Bakas ang galit sa mga mata niya.

"Wag mo akong bigyan ng ganyang tingin Takeshi. Hindi ba't ikaw ang nagbigay ng utos sa anak mo na pumunta ng Hong Kong ng lingid sa kaalaman ko?" Nang uuyam na tanong ko sa kanya matapos niya akong pakatitigan.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Tsk. Anong akala nila, maloloko nila ako? Nginisihan ko siya. Tignan natin kung hanggang saan ang katapatan mo, Takeshi Sakurakoji.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon