CHAPTER 30 -The Witch, The Jerk and The Emperor

135K 2.4K 212
                                    

a/n: guys pasensya na kung sobrang tagal. Marami lang talagang nangyari sa akin kaya ayun .. hahaha sana mapag tyagaan nyo na po ang chapter na to .. bawi ako next chapter.

~ScarsAreBlind~

======================================================

CHAPTER 30 –The Witch, The Jerk and The Emperor



Dahil sa pagsigaw ng epal na yun ay agad naman kaming napatakbo sa field. Pero mas nakatuon ang pansin ko sa kamay kong hawak hawak ni Lance habang tumatakbo kami. Shemay bakit kailangan nya pang hawakan ang kamay ko.

Nang huminto na si Lance sa pagtakbo ay agad akong napatingin sa harapan ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Lance at agad na napatakbo papunta sa kinaroroonan nila Kei. Yung saya ko kanina napalitan ng galit.

Sila Kei, Martin at Kurt bugbog sarado na. Sa paligid nila may mga nakahiga na ding kalaban at tila mga walang malay. Pero sadyang madami lang silang kalaban kaya nabugbog na sila. Bakit ba sila nakipag away sa Shadows ng sila lang?

"Kei~kun, what the hell? Bakit kayo nakipag laban ng kayo lang?" tanong ko sa kanya habang inaalalayan syang tumayo.

"Sorry Kiyo ah, hindi kita kayang protektahan katulad ng ginagawa ni kuya Jun." halos pabulong na sabi nya sakin. Nagulat ako sa sinabi nya. Ginawa ba nya yun para sa akin? Pero bakit? Tumayo ako at hinarap ang mga lalaking nanakit kila Kei. Marami sila, mukhang hindi lang Shadows ang kalaban nila Kei ah.

"Hoy mga duwag! Anong kailangan nyo kila Kei?" tanong ko sa mga walang kwentang lalaking bumugbog kila Kei.

Nilapitan ako ni Hero, yung second in command ni Renz sa Shadows. Huminto sya sa tapat ko at ibinaba ang mukha nya katapat ng mukha ko.

"Ang tagal mo kasing lumabas kaya ayan nainip kami sa pag aantay." Pabulong na sabi ni Hero sa akin na ikinadilim ng paningin ko kaya wala sa loob ko na nasapak ko sya.

"Damn it! Anong akala mo kila Kei laruan? Tsaka ano bang kailangan nyo sa akin huh?" pasigaw na tanong ko sa kanya. Dahil siguro sa asar nya sa akin dahil nasapak ko sya ay sinugod nya ako matapos ko syang sigawan.

"You, damn witch! How dare you punch me?" Sigaw nya habang sinusugod ako. Kada sugod nya sya namang iwas ko. Susugod na sana sya ng biglang sumulpot si Renz.

"Enough Hero! We need her unscathed." Sigaw ni Renz kay Hero. They need me?

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko sila Kei na nahihirapang tumayo. Shit. Napatakbo ako sa pwesto nila. Hinahanap ko sila Lance, Ryuu at Raven, naiyukom ko nalang ang mga kamao ko sa nakikita ko. Nakikipag laban na sila sa mga kasama nitong mga hinayupak na Shadows na to. Marami na din silang napapatumba pero may bitbit na mga sandata ang kalaban nila at pinagtutulungan na sila Ryuu.

"Hey you, Rina girl, dalhin mo sila sa clinic." Sigaw ko doon kay Rina.

"Why would I follow your order?" Nakataas kilay nyang tanong sa akin.

"Just fuckin' do it if you don't want to end up like them!" Sigaw ko ulit sa kaniya na ikinaatras nya ng bahagya. Kahit halatang ayaw nyang sundin ag inutos ko sa kanya ay wala naman syang nagawa kundi gawin nalang ang sinabi ko. Inalalayan nya pati ng mga kasama nya sila Kurt, Martin at Kei papunta sa clinic. Nang medyo makalayo na sila ay marahas kong ibinaling ang tingin ko sa kinatatayuan ni Renz. Lumapit silang dalawa sa akin at huminto sa tapat ko.

"It's nice to see you again my witch." Nakangising bati sa akin ni Renz.

"Well it's not nice to see you prince of jerks." Sarkastikong sagot ko sa kanya.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon