CHAPTER 65 - What the Hell?!

101K 1.8K 271
                                    

a/n: eto na ulit ang update .. baka midweek or sunday nalang ako makapag update .. may pasok na kasi eh ..

May clue na ba kayo kung sino talaga si Anton at Xavier?

Eh kung sino si Emperor Spear?

NExt time na ulit yung huling challenge ni Kiyo.. MAy bonus pang date nila ni Lance hahaha .. =)

Guys, pasuport din po nung ibang story ko .. hehe thanks ..

~ScarsAreBlind~

========================================================

CHAPTER 65 – What the Hell?!



KIYOMIKO's


"Surprised?" Nakakalokong tanong ko kay Kiel na nakaluhod sa harap ko. Nasa likudan niya ako kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya.

"Hahaha. Okay. I admit defeat." Tumatawang sabi niya habang marahan na tumatayo at tinatnggal ang piring niya. Tinanggal ko na din ang piring ko. Well hindi naman siya injured kaya hindi ko na siya kailangang alalayan. Muli na namang nag ingay ang mga manonood.

Nang makatayo na siya ay humarap siya sa akin, amusement can be seen in his eyes.

"You're great. How did you do that?" Tanong niya sa akin. Nginisihan ko naman siya.

"I will not boast for no reason." Sabi ko sa kanya. Napailing naman siya habang nakangiti sa akin. Sinenyasan niya yung MC at lumapit sa amin. Binulungan niya ito pagkalapit.

"For this challenge, ZERO!" Anunsyo ng MC. Muli na namang nag ingay ang crowd. Lumapit na sa amin yung tatlo pang knights.

"Kiel, wala pang five minutes ah." Nang aasar na sabi ni Kevin kay Kiel.

"Hindi lang ako nag ingat." Mayabang na sagot ni Kiel. Tss. Yabang.

"So, who's next?" Tanong ko sa kanila.

"I'm next." Nakangiting sabi ni Mike.

"Okay. Bring it on." Nakangiting sabi ko sa kanya. Sinenyasan din niya ang MC. Maya maya pa, pinaatras nila ako para bigyang espasyo ang malaking box na bumababa mula sa taas. What the? Ano yan? Wag mo sabihing ikukulong niya ako diyan?

Nang tuluyan ng makababa ang box any biglang bumagsak ang mga ding ding nito. Maya maya pa, may pumasok na sampung gangster sa loob noon. Napatingin naman ako kila Mike na abot tenga ang mga ngiti.

"For my challenge, it's a maze. You have to get out from that maze in fifteen minutes for you to win." Paliwanag ni Mike. So hindi ko siya makakalaban? Sayang naman.

"Yun lang? Anong challenge dun?" Tanong ko sa kanya. Kasi naman, napakadali nung challenge eh.

"Syempre hindi lang yun. Sa loob niyan, nakaabang ang rank 1 gang ng Hong Kong. You have to fight them for you to get out." Sagot ulit ni Mike. Ah, so rank 1 pala yung mga lalaki na pumasok kanina. Napangiti naman ako. Mukhang magiging masaya to.

"Walang rule?" Tanong ko sa kanya.

"Only one rule, do not kill." Seryosong sagot sa akin ni Xavier. Tss. Boring.

"Tss. KJ niyo." Bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" Sarkastikong tanong sa akin ni Xavier habang nakataas ang kilay. Bading atato eh.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon