CHAPTER 71 - This is War

103K 1.8K 142
                                    

a/n: sensya guys ngayon lang nakapag update ulit ..

salamat sa mga bagong readers ang all ..

sorry kung di nakakareply sa mga comments niyo, dont worry nababasa ko naman eh .. heheh ..

sana maenjoy niyo ang chapter na to .. konting push nalang at malapit na tayo sa katotohan .. hahaha ..

pakingga niyo ang music sa gilid .. yan ang inspiration ko sa update ..=====>>>

~ScarsAreBlind~

========================================================

CHAPTER 71 – This is War

 

 

KIYOMIKO’s

 

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Mikage kung saan nakahiga si Nanjiro. Gabi na pero wala pa rin siyang malay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Halo halo na ang emosyon sa loob ko. There is a war going on, I am still mourning for the lost of Seal, I hurt the person I love and it backfires to me twice, Nanjiro is still unconscious and I want to drag Hitomi to hell this instant. Damn it! This is all his fault.

Hindi ko na mabilang kung nakailang mura na ako sa isip ko. Tsk. I guess I should make my move now. Sorry fiancé pero mukhan di na kita maantay na magising.

Kinuha ko si Karupi at ang jacket ko. Kinuha ko din mula sa bulsa ni Nanjiro ang susi ng kotse niya na naiwan sa park. Hihiramin ko muna ang kotse niya. Dito ko na sisimulan ang paghihiganti ko.

Lumabas na ako ng condo ni Mikage. Hindi ko alam kung nasaan siya pero mabuti na iyon para wala ng magtatanong pa kung saan ako pupunta. Tutal nakuha ko na ang list kay Anton, iisa isahin ko muna ang mga traydor na iyon bago ko ihuhuli si Hitomi.

Paglabas ko ng building ay agad akong pumara ng taxi.

“Sa SRB Tower.” Sabi ko sa driver. Kukunin ko muna ang ilang weapons ko. Buti nalang upgraded na ang SIMAN ko kaya pwede na akong mag store ng maraming weapons.

Madali akong nakarating sa condo ko. Agad akong pumasok doon habang bitbit parin sa braso ko si Karupi. Inilapag ko muna siya sa sofa at tinungo ang kwarto ko. Nagbihis na din ako at kinuha na ang mga kailangan ko.

Paglabas ko ng kwarto ay napatingin ako sa paligid. Napaka nostalgic ng lugar. Bawat sulok, nag huhumiyaw ng alaala ni Seal. Binalingan ko ang kwarto niya. Parang tinutusok ang puso ko. Lumapit ako doon at pinihit ang doorknob. Pagbukas ko ng pinto ay nakangiting mukha ni Seal ang sumalubong sa akin pero sa isang iglap, naglaho ang imaheng iyon.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon