CHAPTER 33 - Red Night's 7th Phantom Member

144K 2.5K 813
                                    

a/n: Guys pasensya na at natagalan. Nag loloko kasi si lappytop ko eh, nanghihingi na ng kapalit. Hehehe.

well sana magustuhan nyo po itong chapter na to ..

para kay Rina 

Lovelots

~ScarsAreBlind~

=======================================================

CHAPTER 33 – Red Night's 7th Phantom Member



RYUU's


Its been two weeks since that incident happened. Nang magising ako nasa bahay na ako ni Mikage kasama ang buong Red Night. Lahat pala kami napuruhan sa laban na iyon. May mga benda kami sa katawan at may nakatusok na suwero sa aming mga kamay. Maya maya ay isa isa na rin silang nag sigising. Nang tanungin ko noon si Mikage kung ano ang nangyari, isang malungkot na ngiti lang ang sagot nya.

Matapos ang ilang araw naming pamamalagi sa bahay ni Mikage ay pinauwi na rin nya kami. Ngayon nga ay dalawang lingo na ang nakalipas pero wala paring nagsasabi sa amin kung ano ba talaga ang nangyari, kung nasaan si Yomi at kung ano ang nangyari sa Shadows.

Nasa school na kami ngayon at naglalakad papunta sa cafeteria dahil wala pa rin kaming ganang pumasok. Gustong gusto na naming malaman ang mga pangyayari noong araw na yun pero ayaw nilang sabihin.

Sobrang miss na miss ko na si Yomi. Pakiramdam ko sobrang tagal na naming hindi nagkikita, well, it's been two weeks pero kasi parang mas matagal pa sa two weeks eh. Kelan ba kami huling nakapag bonding? Madalaw nga yun mamaya sa condo nya baka nandun lang yun. Waaah. Yomi!!

Nang makarating na kami sa cafeteria, biglang tumahimik ang paligid. Grabe naman tong mga to parang nakakita ng multo kung makatingin eh. hinayaan nalang namin. Pag upo namin sa usual seats namin, biglang nagsalita si Kurt.

"Guys you need to see this." Sabi sa amin ni Kurt sabay iniharap sa amin ang tablet nya at pinabasa ang isang article sa underground website ng school. Obviously hindi iyon ang official site ng school, doon makikita ang iba't ibang updates tungkol sa mga sikat na personalities sa school namin and obviously may entry kami doon.

"What the? So kalat na pala talaga na natalo tayo ng Shadows?" gulat na tanong ni Martin pero bago pa kami makapag react sa sinabi nya eh may biglang umupo sa tabi ko. Nasa bandang bukana kasi ako nakaupo eh.

"Ryuu! Buti naman at okay na kayo!" sabi sa akin ni Rina habang nakayakap sa akin. Napangiti nalang ako. Alam ko talagang mahal ko pa ang babaeng to kahit na ipinag palit nya ako noon kay Gio.

"Yeah okay na kami. Kamusta pala dito habang wala kami?" malambing na tanong ko kay Rina.

"Maraming speculations simula nung nawala kayo." Seryosong sagot sa akin ni Rina.

"Ryuu, look at this." Sabi ulit ni Kurt sabay abot sa akin ng tablet nya, and I was shocked with what I saw.

"Red Night's 7th phantom member?! Sino naman ang may pakana nyan?" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Si Martin. Nakalimutan ko kasing katabi ko sya eh. And about the 7th phantom member, yun ang nakalagay sa isang article sa website. Sya daw ang tumulong sa amin at gumanti sa Shadows na halos mag agaw buhay na at hanggang ngayon ay naka confine parin sa ospital kasama ng mga minions nila.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon