CHAPTER 58 - Paying Debts

111K 1.8K 189
                                    

a/n: yay! Updated ulit .. sinisipag na naman ako eh .. haha

enjoy reading ..

JANSEN ebriwan! (see photo)

~ScarsAreBlind~

============================================================

CHAPTER 58 – Paying Debts



JANSEN's


"Ano ng balak mo ngayon?" Tanong sa akin ni Takihiro. Nandito kami ngayon sa office ko sa arena. Dito na kami nagpalipas ng gabi dahil sa dami ng nangyayari, hindi ko na alam kung saan pa ang pinaka ligtas na lugar para mag usap.

"I'm still thinking. Alam kong gumagawa na ng plano si dad para lang makuha si Seraphiel ngayon. Bumabalik na ang alala ni tita. In no time maaalala na niya ang lahat." Inis na sabi ko. Damn it. Bakit ba napaka kumplikado ng lahat? Sumasabay pa talaga ang Yaban Jin sa problema ko.

"Eh kung pauwiin mo nalang kaya si Gio para may katulong tayo kahit paano?" Suhesyon sa akin ni Take. Haay as much as I want, hindi pa pwede.

"Mas makakatunog sila na may binabalak tayo." Maikling sagot ko sa kanya.

"Sabagay. About dad, paano natin masasabi kay tito na siya ang spy? You know my dad, for sure madali lang sa kanya na bilugin ang ulo ng kahit sino." Sabi ni Take. Napailing nalang ako. Parang wala lang sa kanya na dad niya ang kalaban namin. Alam ko namang malaki galit niya sa dad niya because of what happened to him and Kiyo.

Sasagot na sana ako ng biglang pabalyang bumukas ang pinto ng office ko. Nanlaki ang mata ko ng makita siyang duguan na nakatayo. Tumingin pa siya sa gawi namin at ngumisi. Mas lalong akong nagulat ng makita ang mata niya.

"Lucky!" Sabi pa niya bago tuluyang bumgsak. Buti nalang at mabilis siyang nasalo ni Take dahil kung hindi, malamang na sa sahig ang bagsak niya. Mapapraning na ata ako sa babaeng to.

"Jansen." Tawag sa akin ni Take. Damn wala naman akong choice eh, kaysa naman pabayaan ko nalang.

"Aish! Pasaway na babae talaga. Dalhin mo sa kwarto ko." Sabi ko nalang kay Take bago tinungo ang pinto at ni lock iyon. Mahirap na baka may makaalam na nandito siya. Buti nalang at maaga pa. Wala pang pakalatkalat na gangster dito.

Nang masiguro kong nakasara na ang pinto ay sumunod na ako sa kwarto. Nakahiga na si Kiyo sa kama ko. Puro dugo ang damit niya. May konting galos sa mukha pero mukhang sa mga dati niyang sugat galing ang dugo sa katawan niya. Ano kayang ginagawa nito dito eh sa pag kakaalam ko nasa ospital to?

"Tawagan ko muna kuya niya." Sabi ni Take. Agad ko naman siyang pinigilan.

"Wag. Sa tingin mo dito pupunta yan kung pwede namang sa mga kuya niya siya dumiretso? Antayin nalang natin siya ang magsabi tsaka alam mo namang mainit dugo ng kuya niyan sa akin." Sabi ko sa kanya. Mukhang naintindihan naman niya yung point ko.

Sinimulan ko nang gamutin yung sugat niya sa mukha pero natigilan ako ng maalalang kulang ang gamit ko dito. Tsk. Perwisyo talaga tong babaeng to kahit kalian.

"Take, bumili ka muna ng bandages tsaka panlinis ng sugat. Bilhan mo na rin ng damit tsaka pagkain. Make sure walang makakasunod sayo. Mukhang napasok na naman sa gulo ang babaeng to." Utos ko kay Take kaya agad naman siyang sumunod. Nang makalabas na si Take, agad kong ineksamin ang mga injuries niya.

Tama nga ang hula ko. Mula sa dating injuries niya galing ang mga dugong to. Haay. Ano na naman ba ginawa mo Kiyo?

Habang inaalis ko ang benda niya sa katawan ay natigil ako sandal. Mukhang nagkamalay na siya. Marahan siyang dumilat. Napatitig naman ako sa mata niya. Magkaiba na kasi yung kulay eh. Isang blue tapos yung isa dark brown.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon