CHAPTER 75 - It's not yet Over

91.6K 1.7K 333
                                    

CHAPTER 75 – It’s not yet Over

 

JANSEN’s

 

Nang makarating ako sa lokasyon nila Kiyo laking gulat ko ng makita ang nakahandusay na katawan ni uncle Takeshi, laslas ang leeg nito. Sa paligid naman ay mga tauhan niyang putol din ang ibat ibang bahagi ng katawan. Napaka brutal ng pagkamatay nila pero isang katawan lang ang nakapag pabagsak ng mundo ko. Ang walang buhay na katawan ni Takihiro na nakahiga malapit sa katawan ng ama niya.

Inilibot ko muna ang paningin ko. Nasaan si Kiyo?!

Nilapitan ko na muna ang katawan ni Take. Bugbog sarado ang katawan niya at bakas din ang pagkakagapos sa kanya. Damn it. Hindi ako makapaniwalang nagawa ito ni Uncle Takeshi sa sarili niyang anak.

Bubuhatin ko n asana ang katawan ni Takihiro pero natigilan ako ng mapansin ang isang kwintas sa gilid niya. May singsing din na nakasabit doon kasama ng isang pendant na may buwan at maliit na bituin ang desenyo. Paniguradong kay Kiyo ito. Nasaan na ba ang babaeng iyon? Hindi kayaa, nakuha na din siya nila Hitomi? Damn it.

Naiyukom ko nalang ang kamao ko. Pinag bigyan na kita Hitomi pero sumosobra ka na. Ngayon hindi na ako mananahimik. Hindi nalang si Kiyo ang may dahilan para tugisin ka.

KYOHEI’s

 

Nakabalik na kaming lahat dito sa main house at tinipon kami ni dad sa isang kwarto upang makausap. Kasama din namin ngayon ang ilang miyembro Riejj Clan na tumulong sa amin pati na din si Lance at si Hayato. Nagulat pa nga akong nandito sila ngayon sa Japan, pero hindi ko pa alam ang dahilan nila dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap sila.

Maya maya lang ay pumasok na sa kwarto si dad kasama si Master Kiguri. Tumayo kami at nagbigay galang.

“Una, nais kong ipaabot ang pasasalamat sa pinuno ng Riejj, dahil sa pagtulong na ibinigay ninyo. Maaari ko bang makausap ang namumuno sa inyo ngayon?” Paunang sabi ni Master Kiguri. Sandaling katahimikan ang nangibabaw bago tumayo si Lance at tumungo sa pwesto ni Master Kiguri.

Karamihan sa amin ay nagulat sa ginawa niya. Paanong siya ang namumuno? Napatingin ako sa miyembro ng Riejj at walang mababakas na pagtataka sa mga mukha nila.

“Ako po ang namumuno sa kanila. Ako po si Lance de Veyra. Kapatid ni Lyndon Riejj ang kasalukuyang pinuno. Balak po sana niyang personal na tumulong bilang pagtanaw ng utang na loob sa pag sagip sa kapatid naming si Lacey pero may hindi lang po inaasahang pangyayari kaya hindi siya nakapunta.” Magalang na pagpapakilala ni Lance. Narinig ko pang napasinghap sila Ryuu sa sinabi niya.

“Ganoon ba? Hindi ba’t ikaw din ang espiyang pinadala ni Kyohei para magmanman sa Yaban Jin?” Pagtatanong muli ni Master Kiguri. Napatingin naman sa akin saglit si Lance bago tuluyang sumagot kay Master.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon