CHAPTER 78 - New Enemies?

69.8K 1.5K 32
                                    

a/n: guys pasensya na kung sobrang tagal bago ako nakapag update.

sira kasi yung laptop ko. Mahirap mag type kasi namamatay bigla kaya sobrang natagalan ako sa pag tatype ng update tsaka super stress ako nung mga nakaraang linggo kaya ayun ..

isa pa pala, sa kung sino man ang nagdidistribute ng soft copy nito ng walang pahintulot, sarap niyong pektusan sa apdo promise. -__-

sarap iprivate lahat ng chapters eh ..

mahiya naman kayo sa mga author na nagpapakahirap mag isip at mag type ng stories. Pagnanakaw po ang tawag diyan mga kaibigan. kilala ko na yung dalawa sa nag didistribute ng softcopies nito, wag niyo hintayin na imessage ko pa kayo sa fb para lang itigil niyo yan dahil may kasamang sumpa na yun. wahahah. kidding aside, hindi ako natutuwa sa nalaman ko. May secret group pa talagang binuo para sa mga nag diddistribute ng soft copies. Sarap ireport ng group eh. -__-

ay sensya humaba na a/n ko, naglalabas lang ng sama ng loob. hahaha.

Nga pala, happy 1million reads mga assassins .. salamat sa support at pag babasa ..

may group na nga pala kami sa fb. click niyo lang external link ----->>>

may accnt na din yung mga pasaway na characters. check niyo nalang sa group if you want.

yun lang po. bow.

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 78 – New Enemies?

KISUNE's

Kasama ko ngayon si kuya Kyohei papunta sa conference room dahil my importanteng sasabihin daw sa amin si Master Kiguri. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa kung ano man yung importanteng bagay na iyon pero itong kasama ko, tsk, kalmadong kalmado pa rin.

Nang makarating na kami sa conference room ay naabutan naming ng uusap ni dad at Master Kiguri. Nang mapansin nila ang pagdating namin ay agad silang tumigil sa pag uusap aat sinenyasan kami ni kuya na maupo malapit sa kanila.

"Kyohei, may ipapasundo ako sa inyo." Nakangiting sabi ni Master Kiguri kay kuya.

"May padating po ba tayong deligates?" Kalmadong tanong ni Kuya kay Master Kiguri.

"We're going to fetch your sister. She's at the hospital." Seryosong sabi ni dad kay kuya na bahagyang ikinagulat namin ni kuya. Nakita na nila si Kiyo pero nasa ospital na naman? Tsk. Ano na naman kaya ang nangyari sa witch kong kapatid?

"Itsu?" (When) Kalmadong tanong ni kuya.

"Ima." (Now) seryosong saad ni dad sabay tayo sa kinauupuan niya. Nagkatinginan pa kami ni kuya bago sumunod sa papalabas ng si dad. Bago tuluyang makalabas ay huminto muna kami ni kuya at nag bigay galang kay Master Kiguri na nakangiti na naman ng nakakaloko sa amin.

"He's really coming with us?" pabulong na tanong ko kay kuya Kyohei habang naglalakad kasunod ni dad. Nakakapagtaka lang na sasama siya sa amin ngayon. Hindi niya ugaling iwan ang trabaho niya para gawin ang isang bagay na kaya naman naming gawin unless, importante o delikado. Mas lalo lang akong kinabahan. Ilang beses ng naospital ang kapatid ko pero ni minsan hindi yan dumalaw.

"I can hear you Lu." Agad akong napaayos ng lakad ng marinig ang sinabi ni dad. Geez, nagtataka na talaga ako kung kanino ako nag mana eh.

Habang papunta kami sa ospital na sinabi ni Master Kiguri, may napansin akong ilang sasakyan na tila ba sumusunod sa amin. Agad akong napatingin kay kuya na katabi kong nagmamaneho ng sasakyan niya. Panay ang tingin niya sa side mirror so I guess, napansin na rin niya iyon.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon