CHAPTER 41 - I KILLED HER

134K 2.3K 229
                                    

a/n: waah guys, pasensya na ang tagal ko na naman bago nakapag update .. hindi pa din kasi masyadong magaling ang kamay ko. At saka inaagaw atensyon ko ni Fuji at Ryoma ng Prince of Tennis eh kaya ayun ngayon lang nakapag update .. hehehe

sana magustuhan niyo to. Hindi man ito ang hiniling niyong kamatayan ni Rina pero i guess, this kind of death will hurt her most.

Oh siya, matutulog na ako. hahaha, quarter to nine na ng umaga. =)

~ScarsAreBlind~

=========================================================

CHAPTER 41 – I KILLED HER

 

 

RINA’s

 

Nandito ako ngayon sa park malapit sa school. Katatapos lang ng misyon kong imulat si Lance sa mundo ng mafia. Well hindi ko pa naman natuturo sa kanya lahat dahil kahit ako mismo hindi ko pa natututunan lahat. Ewan ko ba sa boss ko bakit sa akin nya pa pinaturuan tong si Lance eh bukod sa pareho kaming baguhan sa larangang yun eh kaibigan pa nya si Ryuu. Minsan talaga hindi ko mabasa ang nasa isip ng boss namin.

Gaano katagal lang ba ako sa Yaban Jin Clan? Almost a year palang ata. Almost a year na din pala simula ng iwan nya ako. Simula ng pinagpalit nya ako sa responsibilidad daw nyang bantayan yung ex girlfriend ng kaibigan nya. After Gio left me for looking after a bitch named Kiyomiko Takeno, it was like hell for me. I almost lost my will to continue living but that was also the time when Hitomi found me. The Yaban Jin Clan boss found me drunk and almost at my limit. He encouraged me to join his clan and made the pain that kills me be my strength to carry on. He trained me to be fighter. He helps me form a gang consist of people like me. He introduced me to his world and there I found a way to avenge Kiyomiko. But she seems so protected that everytime I do my move someone else’s interrupt.

But damn! The hell I care, It’s just the beginning. As if I’m the only one who is after her. Now that almost all of them wants to protect her. Napangiti nalang ako sa isiping iyon. Hindi man ako ang makapatay sa kanya, paniguradong may iba pang dadating pagtapos ko para tapusin sya.

Madilim at tahimik na sa park ngayon. Siguro dahil sa madaling araw na rin. Habang nag mumuni muni ako ay bigla akong napahawak sa dibdib ko. Bakit sya nandito? Bakit nandito ang lalaking dahilan ng lahat? Dahilan kung bakit nandidito ako sa sitwasyon na ito. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot dahil twing nakikita ko sya bumabalik ang lahat ng sakit sa akin pero may parte parin sa akin na gusto siyang makita dahil namimiss ko siya. Mahal na mahal ko pa din siya sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pananakit sakin.

“Gio …” tawag ko sa kanya. Huminto sya sa harap ko, mga tatlong hakbang lang ang layo sa akin.

“Rina.” Tawag nya din sa akin pero bakit kakaiba yung dating ng boses nya? bakit parang nakaramdam ako ng takot?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon