CHAPTER 16 - Oh no! It's Friday!

187K 3.4K 465
                                    

a/n: Short update lang muna .. konting build up lang para sa next chapter which is the engagement party ni Takihiro at ng ate ni Raven ..

Ano kaya ang gustong makumpirma ni Raven?

Gusto mo rin bang masigawan ng isang Kyohei Takeno?

eh ang malagyan kaya ng kissmark ni Yujia?

Hehe, pasensya na sa matagal na pag hihintay .. sana po magustuhan nyo ..

bago mag kalimutan, hehehe si kuya Kyohei pala yung nasa taas ^

~ScarsAreBlind~

==========================================================

CHAPTER 16 – Oh no! It's Friday!


KIYOMIKO's

Habang pinapanuod ko sila Ryuu makipag laban, ewan ko pero hindi ako mapakali. Parang may mga matang nakamatyag sakin. Inilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong mahagilap na kahinahinala. Hindi ako mapalagay pero isinantabi ko na lamang muna ang kakaibang pakiramdam na yun para naman mapanood ko ng ayos yung laban nila Ryuu.

Four versus four ang laban nila Ryuu at ng Shadows na ang pinaka lider pala ay si Renz. Kaya pala ang lakas ng loob ng loko na mang asar kanina. Si Ryuu, Martin, Kei at Kurt ang lumalaban against sa apat na miyembro ng Shadows na kanina ko lang napag alamang sina Renz na tinatawag din nilang Dark, Si Hero na kilala ding  si Anti, si Fred na Night ang codename at ang pinaka gwapo at malakas ang dating sa kanila, si Youya o mas kilala bilang Poison, masyado daw kasing makamandag ang kanyang kagwapuhan. Hahaha. Kidding aside, masasabi ko namang magaling sila pareparehas sa pakikipaglaban at lumalamang lang sila Ryuu sa diskarte.

Kalagitnaan ng laban ng bigla akong kausapin ni Raven, hindi ko alam kung na nanadya ba ang pagkakataon o may nalalaman lang talaga syang hindi na nya dapat pang nalaman.

"Kiyo, punta ka bukas ah? Papakilala kita sa ate ko." Napaharap ako kay Raven dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang I rereact ko. Si Lance, napatingin lang din, parang gusto nyang magsalita pero hinahantay nya lang na pahintulutan ko sya.

"Ah, Sige." Yun nalang ang tanging nasagot ko sa kanya. Pumasok na naman sa isip ko na kailangan ko nga palang pumunta sa lintek na party na yun.

"Sigurado ako magugustuhan ka nya. Halos parehas kasi kayo ng taste." Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang may ibang kahulugan ang mga binitawan nyang salita.

"talaga?" Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya. Arrg. I hate this feeling! Yung pakiramdam na nagiguilty ka sa isang bagay na hindi naman dapat?

"Oo noh, sigurado ako." Sabi pa ulit ni Raven. Kahit nakayuko ako, alam kong naka smirk sya. Shit. Bakit parang gusto kong sapakin bigla si Raven?

"If you're so sure then I guess I really should meet her." Bakit pag sobrang asar na ako lumalabas ang bitchy side ko? Naiinis ako kasi ganto yung nagiging epekto sakin nung usapan namin na hindi ko naman dapat pinagtutuunan ng pansin.

"Ipapakilala din kita sa FIANCE nya. I'm sure kilala mo sya." Napatigil ako sa sinabi nya. Gusto ko sanang sabihin kay Raven na 'oo, kilala ko sya, kilalang kilala.' Pero sa halip na magsalita, agad kong hinawakan ang kwelyo nya. Kumalma lang ako ng maramdaman kong hawak ni Lance ang kamay ko na nakahawak sa damit ni Raven.

"Sorry Raven, una na ako, pakisabi nalang sa iba." Hindi na ako nag abalang tignan pa ang mga reaksyon ng mukha nila. Naglakad na ako agad palabas. Napahinto lang ako ng hawakan ulit ni Lance ang kamay ko at pwersahan akong patigilin. Tinignan ko lang ang nakangiti nyang mukha sabay abot sakin ng susi ng kotse nya at agad na tumalikod. Hanggang sa makalayo na sya sa akin ay nakatayo pa din ako doon. Bakit ba nagkakaganito ako? Kailan pa ako nawaalan ng control sa sarili ko?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon