CHAPTER 35 - Drifting Away

139K 2.4K 551
                                    

a/n: pasensya na sa pag hihintay! weews ..

sana magustuhan nyo po .. babala, you'll hate Rina more .. hahaha

CHAPTER 35 – Drifting Away



Today is Tuesday at nandito na ako ngayon sa school. Kung gusto nyong malaman kung anong nangyari sa mga hambog na lalaking nanakit sa pinsan kong manyak, well, ikukwento ko sa inyo. Gustuhin ko man silang patayin na kagabi ay hindi ko din nagawa dahil sa pagsulpot ng lider ng mga kulto na si Jansen. Ewan ko paano nya nalaman kung nasaan ako. Pinigilan nya akong patayin yung mga lalaki na yun. Ako naman si tanga, nagpapigil, kaya ayun humihinga pa sila ng iwanan ko. Although I'm sure na titira sa ospital ang mga gagong yun dahil sa tinamo nilang pinsala mula sa akin. About naman sa pinsan ko, dinala ko sya sa bahay nila kuya Kyohei. Hindi ko kasi alam saan ang condo nya, isa pa, sabi ni kuya isasabay daw nya sa training ni Ate Raphie si Hideoshi para naman hindi na daw maulit yung nangyari. Nakakaiya naman kasi na ako pa talaga ang nagligtas sa kanya, kalalaki nyang tao diba?

Well enough of that, as what I had said, andito na ako ngayon sa school at naglalakad sa pasilyo patungo sa klase ko. Shet, tagalong na tagalog. Dami ko na natututunan na tagalog. Habang naglalakad ako eh hindi ko maiwasang mapansin na maraming mata ang nakatingin sa akin. Ano na naman kaya problema ng mga estudyanteng to? Maya maya lang narinig ko na ang bell. Shemay, late na ako, pero ayos lang hahaha, as if I care diba?

Nag lalakad na ako sa may open field papunta sa building ng department namin ng may maramdaman akong presensya sa gilid ko. Ano ba naman yan, habulin talaga ata ako ng gulo eh. Maya maya lang lumabas mula sa gilid yung apat na babae, si Rina girl and her minions to be exact. Ano na namang kailangan nito? Hindi ba sya natatakot na totohanin ko yung sinabi ko sa kanya kagabi?

"Kung inaakala mo na matatakot ako sayo dahil sa sinabi mo kagabi, nagkakamali ka. Hindi ako basta basta lang na kalaban Kiyo." Sabi nya sa akin. Napatingin ako sa paligid, wala ng estudyante na pakalat kalat dito dahil siguro nagsimula na ang klase. Nginisihan ko lang sya.

"And so am I, Rina girl." Sabi ko sa kanya.

Nag simula na silang sumugod sa akin habang may hawak na dalawang dagger sa magkabilang kamay. Masyado silang mababagal para sa akin kaya naman iwas lang ako ng iwas. Hindi ako mag aaksaya ng lakas para labanan sila dahil wala silang kwentang kalaban.

Sumunod na sugod nila sa akin ay ginamit ko na ang paa ko. Sinipa ko sa kamay nila ang dagger na gamit nila at saka sila sinpa sa sikmura. Pareparehas silang natumba. Nakatayo lang ako sa di kalayuan sa kanila at nag aantay ng susunod nilang atake. Maya maya suno sunod silang nag haggis ng daggers sa direksyon ko. Iiwas na sana ako pero sa kamalas malasan nga naman, naramdaman kong may taong nag lalakad sa bandang likudan ko. Pag umiwas ako, siguradong tatamaan sya. Napalingon ako saglit sa likod ko at nakita ang isang babaeng nakasalamin na naglalakad at tila umiiyak. Shit naman. Humarap ulit ako sa direksyon nila Rina at hindi na naiwasan ang unang dagger na hinagis nila. Tinamaan ako sa kanang bahagi ng tiyan ko. Mabilis kong binunot ang isang dagger mula sa belt ko at sinangga ang mga iba pang dagger na papunta sa akin. Nasalag ko naman lahat maliban lang dun sa isang tumama sa tiyan ko.

Binunot ko ang dagger sa tiyan ko at mabilis na pumunta sa pwesto ni Rina. Mabilis akong nakarating sa likod nya at itinutok ang dagger na may bakas pa ng dugo ko sa leeg nya. nararamdaman ko ang panginginig ng kalamnan ko sa galit. Gusto ko na talaga syang tapusin. Humigpit ang hawak ko sa dagger at tumulo ang dugo ko mula doon patungo sa leeg ni Rina. Kitang kita ko sa mga mata nya na ang unti unting pagsiklab ng takot.

"What the hell?" nagulat ako ng may biglang sumigaw at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa lupa malapit sa pwesto ni Rina habang inaalalayan syang tumayo ni Ryuu. Did he just pushed me aside?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon