CHAPTER 61 - HK Underground

124K 1.9K 185
                                    

a/n: updated na po ulit ...

Nga pala, para sa mga nalilito ..

Takeshi Sakurakoji - ama ni Takihiro Sakurakoji, tito ni Jansen Kashushima.

Mouru Takishima - ama ni Hitomi Takishima, traydor na napatay ni Kiyo/Mayonaka noong gabing sinasabing umiyak ng dugo ang hari ng mga uwak.

Master Kiguri Takehashi - 4th Generation Boss ng Takehashi clan. Lolo ni Seraphiel 'Raphie' Takehashi.

Pasensya na sa mga pagkakahawig ng mga pangalan at apelyido .. ngayon ko lang napansin tsaka ganyan kasi talaga sa Japan, halos magkakatunog. Piz.

sa gilid nga pala, yan yung kotse na ibinigay ni Jansen kay Kiyo .. ang sosyal eh .. Chevy Corvette stingray 2014 model pa .. weews .. kainggit si Kiyo .. *drools*

Oh siya, enjoy reading nlang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oh siya, enjoy reading nlang ..

Play niyo yung music sa part na nagwawala si Kiyo .. awts ..

~ScarsAreBlind~

=======================================================

CHAPTER 61 – HK Underground


LANCE's


"Hayato Takishima." Mahinang basa ko sa pangalang nakasulat doon.



"Sigurado ka ba Hitomi?" Tanong ko sa kanya. Mas lalo naman siyang napangiti.

"Bakit naman hindi? Ano bang kinakatakot mo? Hindi ko naman sinabing patayin mo siya." Kalmado at nakangiti paring sagot niya sa akin. Tsk. Kung hindi ko lang talaga alam ang ugali ng isang to malamang iisipin kong mabait siya.

"Ang ibig kong sabihin, kapatid mo to diba?" Paglilinaw ko sa kanya. Nagiba naman ang reaksiyon niya pagkarinig niya ng salitang kapatid.

"Hindi dahil kapatid ko siya ay hindi na niya ako tatraydorin." Makahulugang sabi niya. Napailing na lang ako.

"Saan ko naman hahanapin to?" Tanong ko pa ulit.

"Dalawang bansa ang possible niyang puntahan. Korea at Hong Kong. Mamaya ang flight mo papuntang Korea. Tawagan mo ako pag dating mo doon. Sige na, maghanda ka na." Seryosong sabi niya sa akin. Hindi nalang ako kumibo at umalis na doon. Mamaya kung ano na naman ang maisipan niyang ipagawa sa akin eh.

Dumiretso nalang ako sa condo ko. Mag aayos pa ako ng gamit ko.

Pagdating ko ng condo, agad na akong nag ayos ng gamit ko. Ilang sandali pa, lumabas na din ako. Ayokong magtagal dito dahil baka magpang abot pa kami nila Ryuu. Ayoko ng madamay pa sila.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon