CHAPTER 79 - Red Dragons Triad

99.4K 2.1K 345
                                    

a/n: sa wakas guys naka update din ..

ayoko na magpaliwanag bakit ngayon lang ang update guys, alam niyo na yun .. hahahaha XD

ang susunod na update .. hindi ko pa ulit alam kung kailan..

Nga pala, kung di niyo makita yung last chapter, naka private po kasi yun .. sorry guys, but you need to follow me muna bago niyo mabasa yun, pwede niyo po akong ifollow para mabasa yung last chapter then unfollow kung di niyo ko trip wala pong problema sa akin.. ;)

 sa external link nga pala yung ginawa kong video para sa story na to .. libre lait guys .. hahaha XD

~ScarsAreBlind~

==============================================================

CHAPTER 79 – Red Dragons Triad


LANCE's



"LANCE!!" Napabalikwas ako ng bangon at agad na napahawak sa balikat kong bigla ring kumirot. Langya, sino ba nagpapasok sa mga abnoy kong kaibigan dito sa kwarto ko?

"Suit yourself guys, maiwan ko na kayo." Napatingin ako sa nakangiting kuya ko. Psh. Kaya naman pala, yung abnoy ko ding kapatid yung nagpapasok sa kanila.

"Lance, dumudugo yung sugat mo! Ang likot mo namang matulog." Parang pagalit na sita ni Martin sa balikat ko. Tsk. Kaya pala makirot.

"Ako pa nga ang malikot." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Alangang kami eh kadadating lang namin tsaka di naman kami ang natulog at may sugat na dumudugo." Pabalang na sagot ni Kurt. Walang emosyon ko nalang siyang tinignan.

"Tapos ngayon magsusungit ka? Aba nakakahawa pala si Raven kung ganun?" Sabi ni Kei sabay hila kay Kurt na katabi ni Raven. "Kurt layo layo kay Raven baka mahawa ka din." Nanlalaki pa ang mata na sabi ni Kei.

"Tss." Walang kwentang reaksyon ni Raven sa sinabi ni Kei.

"Arrrgg." Naisabunot ko nalang ang isa kong kamay sa buhok ko. Hindi ko na matandaan kung bakit ba ito ang mga naging kaibigan ko at kung paano ako nakatagal sa kaabnoyan ng mga to. Tsk. Nasaan ba kasi si Ryuu?

"Pfft. Hahahahaha. Joke lang Lance. Wag ka na mapraning diyan binibiro ka lang namin." Natatawang sabi ni Martin na sinabayan naman nila Kurt at Kei sa walang humpay na pagtawa. Seriously? Buti hindi naprapraning si Raven pag kasama tong taatlong to? Napatingin ako kay Raven at saktong napatingin din siya sakin. Napakunot ang noo ko ng magkibit balikat lang siya sabay talikod at lumakad papunta sa bookshelve na nasa gilid ng kwarto. Langyang yan.

"Tatawag na ba ko sa mental?" bored na tanong ko sa tatlong nagtatawanan pa din.

"Bakit Lance? Hindi mo na kinaya? Nabaliw ka na? Hahaha." Natatawa pa ding tugon sa akin ni Martin.

"Tsk. Ewan ko sa inyo. Nasaan nga pala si Ryuu?" Pag iiba ko ng topic. Matutuluyan ako sa mga to. 



"Sabi ni kuya bibili muna siya ng makakakain kaya pinauna na kami dito. Maya maya lang andito na din yun. Kaw naman masyado mong namiss si kuya." Sagot ni Kei sa tanong ko.

Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Hayato na napaka seryoso ng mukha.

"Guys function room now. It's about your friend." Seryosong sabi niya sabay labas na din agad ng kwarto. Nagkatinginan pa kaming magkakaibigan bago madali na nagsitakbuha palabas ng kwarto.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon