CHAPTER 67 - A Birthday Special

119K 1.9K 101
                                    

a/n: Pasensya na guys kung sobrang natagalan .. busy ako sa school eh.

sana magustuhan niyo.

dedicated pala sa kanya kasi nirequest niya ..

message lng kayo kung gusto niyo din mg pa dedicate .. =)

~ScarsAreBlind~

=========================================================

CHAPTER 67 – A Birthday Special


KIYOMIKO's


"Kahit ngayong araw lang, pwede bang, akin ka muna?"

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Wala naman sigurong masama kung magiging makasarili ako ngayong araw diba? Birthday ko naman eh. Wala naman sigurong magagaalit sa akin kung gustuhin kong masolo siya ngayon. Ngayon lang talaga, promise.

Dahan dahan akong tumango sa kanya habang bahagyang nakangiti. Nginitian niya din ako sabay hila sa kamay ko. Shet lang, ang gandang reagalo naman nito. Pagbigyan niyo na ako, birthday ko naman eh. Hayaan niyo na munang iwaglit ko lahat ng galit, hinanakit at poot sa puso ko. Gusto kong sumaya kahit ngayon lang.

Hinila na ako ni Lance papasok sa isang eskinita kung saan hilehilera ang mga tindahan ng noodles at street foods.

"Ah, Lance, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako saglit at ngumiti pero ibinalik niya rin agad ang tingin sa unahan at nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin, ang ganda ng labi niya. Mas maganda pa ata sa labi ko. Ang nipis kasi tapos pinkish. Kung sa iba ko siguro napansin yun iisipin kong ang bading pero sa kanya parang ang perfect. Takte, nahawa na ata ako sa kanya. Napapadalas na rin ang pagtitig ko.

Huminto kami sa isang noodle house na parang kariderya lang sa Pilipinas. Inalalayan niya akong maupo sa isang bakanteng mesa. Siya na rin ang nag order sa kakainin namin. Hindi ko inakala na fluent din pala siyang mag Chinese.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa matapos kaming kumain. Siguro naiilang na siya sa pagtitig ko pero wala akong pakialam. Gusto ko kasing sulitin ang pagkakataong ito para mapagmasdan siya. Gusto kong makabisado ang mukha niya, ang mga features niya, lahat lahat gusto kong tumatak sa utak ko. Dahil pagkatapos ng araw na to, hindi ko na alam kung kalian pa kami ulit mag kikita. Buo na ang desisyon ko, sisimulan ko na ang plano ko at ayokong may distraction. Yeah, I consider him as one. Ayokong makaramdam ng kahit na anong emotion other than hatred. If I keep Lance on my side, im afraid that my ice cold heart would melt.

Matapos naming kumain ay hinila na ako pabalik ni Lance sa kotse ko,well not literally. Im just too overwhelmed by the tingling sensation because of his hands intertwined over mine, the very reason why it seems like im being dragged and hyptonitized by him, again.

Hindi na ako nagtanong kung saan niya ako dadalhin. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Pamilyar na ako sa ganitong pakiramdam, I felt it several times when I was still with Takihiro, the only difference is, this time, it's way more powerful. Napangiti nalang ako sa isiping iyon. I will definitely treasure this man. I will do everything just to make him safe and happy.

"Nandito na tayo." Natigil ako sa pagngiti na parang baliw at pag iisip ng kung ano ano ng marinig ang boses niya. Nakahinto na pala ang sasakyan. Napatingin ako sa paaligid. Nasa tabing dagat pala kami.

Paglabas ng sasakyan, agad na naman niyang hinawakan ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin, nasa seaside market pala kami. Marami paring tao dito kahit malapit ng mag pasko. Maraming stalls sa gilid at marami paring mga naliligo sa dagat. Weird, hindi ba sila nilalamig?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon